Prologo

3 0 0
                                    

Nakakabinging musika at mga nakakasilaw na iba't ibang uri ng ilaw ang bumungad sa akin pag pasok ko ng bar around BGC. Agad akong umorder ng alak sa bartender na busy sa pakikipaglandian sa isang customer. Pagkaabot niya sa akin ng alak ay agad ko itong tinungga agad ding naubos. Padabog kong binagsak ang shot glass sa lamesa at muling nanghingi ng panibagong shot.

Matapos makaubos ng 8 baso ng alak ay agad akong pasuray suray na naglakad papunta sa dance floor. May ilan akong nabangga at nagrereklamo ngunit binalewala ko na lang sila at agad pumunta sa gitna at sumayaw.

Habang sumasayaw di ko maiwasang hindi mapaiyak, dahil sa pangalawang pagkakataon nagkamali na naman ako. Nasaktan na naman ako at nakasakit ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko, naging buhol buhol na yung problema ko. nabubuhay na lang ako para sa anak ko

Sinners Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon