Part 3

1 0 0
                                    

Kinabukasan...

"Tiya alis na po ako!"

"Oh sige hija.. ingat ka!"
Parang malayo naman pupuntahan ko eh tapat lang naman ng bahay nila eh.

"Tyler Jay!! Andito na ako!!" -makasigaw lang eh no, kala mo walang kapitbahay hahahaha.

"Sige! Pasok lang bukas yan! Pasara nalang!" -ay sigawan lang ang peg, makapasok na nga lang.

Pagkapasok ko ng bahay ay naamoy ko na yung niluluto niya. Mapuntahan nga...

"Ang bango naman!! Oyoyoy paturo naman kung pano lutuin yan!!" -sabi ko sa kanya.

"Hep hep hep! Bawal. Dyan ka lang! Hahaha surprise to madaming gadgets dyan magwant to sawa ka muna. Teka, ang aga mo ata?"

"Andaya mo naman!! Walang magawa dun eh"

"Oo na, dun ka na nga. Style mo sus alam ko na yan"

"Ikaw na. Sige na nga. May Plants VS Zombies ka ba??" -sabi ko habang papunta sa salas.

"Naman ako pa? Teka Mobile Legends na ang trending diba?"

"Di naman ako marunong non tsaka mas trip ko to eh"

"Okay! Tawagin nalang kita pag luto na"
Haaay siguraduhin niya lang na masarap yan nako kung hindi kukutusan ko yon hahahaha.

After 1000 years later...

"Tapos na!! Tara kain na tayo^_^"

"Ahahay^__^ tamang-tama gutom na ako!" -sabay hawak pa sa tyan.

"Marami-rami naman niluto ko eh:)"
At pumunta na kami sa dining area.

"Uy!! Favorite ko tong mga to ^o^!! Grabe tama lang ginawa mo" -waaaaw mukhang madami-dami makakain ko neto ah.

"Sus ako po"

"San mo naman nalaman?"

"FB? Malamang hahaha kain na nga"

Tumango nalang ako at umupo kami. Grabe niluto niya ung fave ko.. yung squash soup, pininyahang manok, yung lutong may quail eggs, peas at carrots basta yun tsaka yung cheese na binalot sa ham tapos chicken fillet.. nako tataba naman ako nito.

"Ang takaw mo hahahahaha"

"Aba ang sasarap kaya nito ang galing mo haha"

"Hindi halata na matakaw ka, ang payat mo kasi"

"Hoy mabilis lang metabolism ko!"

"Eto drinks, mabulunan ka pa niyan eh" -inabot niya sakin yung BUKO SHAKE, naks naman hahaha.

"Pati to?! Galing mo talaga"
Nginitian niya lang ako ~dugdugdug~ aish may sakit ba ako sa puso. Nagkuwentuhan lang kami ng kung ano-ano pati narin tungkol sa sarili namin.

"*burp* Excuse me! Hehe binusog mo talaga ako salamat dito:)"

"Wala yun:)"

• • •

Third Person's POV

Simula nun palagi ng magkasama ang dalawa kaya tuwang tuwa rin si Tiya Isabel dahil sa ipinakikitang kagandahang asal ni Fae. Ngunit lahat ng kasiyahan ay may hanganan...

• • •

Nouela Fae's POV

Ang saya-saya naman dito ayoko na umuwi pero kailangan T_T haay pano ko ba to sasabihin kay Tyler Jay.

"Oh bakit ka umiiyak?!"
~speaking of...~

"Ha? Ahh ano.. kailangan ko na kasing umuwi next week, enrolment na kasi at kailangan ko na rin umuwi T . T" nakita kong lumungkot yung face niya, nagui-guilty tuloy ako.

"Okay lang yan. Edi sulitin natin yung natitirang araw mo dito :)" ang galing talaga ni Tyler.

"Salamat sa pangintindi ha"

"Sus wala yun ano ka ba?"

"Tao ako"

"Sure ka?"

"Siraulo ka!!"

"Hahaha joke lang. Ganto nalang may pupuntahan tayong mha lugar. Syempre special yung mga yun. Kada lugar para may remembrance syempre magpipicture tayo tapos may mga letter akong ibibigay sayo:) Gets mo??"

"Hindi ako LG, gets ko yun"

"Anung LG?" San ba bundok galing at di alam ang LG.

"Yung cellphone" sarkastikong sabi ko "Ano nga? Diba tao ka?"

"Aysus LG. Low gets po"

"Ahh atleast ala ko na. Basta start tayo bukas ha?"

"Oh sure:)"

Psst... Crush KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon