Part 4

1 0 0
                                    

Kinabukasan...

Nouela Fae's POV

Monday haay excited na nakakalungkot haay.

"Nouela Fae!! Tara na?!" aba bat ang aga?.

"Tiya alis na po ako :) sandali eto na!!"

"Ingat kayo hija. Jay alagaan mo yan"

"Opo Nanang Isabel :) Tara?"
Sus mas excited pa sakin grabe ang hyper.

"Saan ba tayo?" tanong ko bigla.

"Basta, may picnic basket dyan oh motor nalang tayo!" ano MOTOR aba dinaig ako.

"Ayusin mo lang pag dadrive mo"

"Ma'am yes ma'am"
Haha siraulo talaga to... maya maya pa ay nakarating kami sa.. DAGAT.

"Ang ganda ng dagat diba?"
Tumango nalang ako maganda naman kasi talaga tapos medyo mahangin pa.

"Tara dun tayo banda" pumunta kami dun sa tinuturo niya ang ganda ng napili niya.

"Ang ganda OoO teka ang lapit lang ng dagat ahh bat nagmotor pa tayo?"

"Para hindi hassle"

Nag almusal muna kami tapos habang kumakain picture-picture pa hahaha ang saya nga tapos naligo kami sa dagat. Ang ganda ng camera niya water proof haha nakadami nga kami ng pictures eh, maya maya umuwi na kami medyo tumaas na rin kasi yung araw.

"Oh first letter" may inabot siya na maliit na papel.

"Naks! Pwedeng buksan?!"

"Mamaya na. Tago mo lahat yan may meaning yan. Tsaka mamaya post ko narin sa FB yung mga pics"

"Galing mo talaga"

Fastforward...

Haay enjoy yung day na to ay yung letter pala mabuksan nga.

"Pssst?? Huh? Di ko gets oh well matago nalang nga at ng makatulog na"

ZzZz

• • •
Tuesday

"Oh ready ka na?"

"Ay kabayo. Wala namang gulatan kawawa puso ko niyan" mang gulat daw ba.

"Pogi ko naman para akalain mong kabayo*smirks*"

"Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo. Tara na nga"

Tinawanan lang ako. Nakain ba nito yung aircon nila, ang hangin e. Sumakay nalang ulit kami dun sa motor niya. Maya-maya nakarating na kami sa isang kubo na malapit sa isang malaking puno ng manga. Yummy nag cracrave tuloy ako.

"Mahilig ka din sa manga?" -tanong niya

"Oo naman! Tara-tara kuha tayo" umakyat ako agad sa puno pero medyo madulas kaya...

"Ahhhhhhhhhh!"
Nakapikit lang ako pero bat ganun hindi ako nasaktan :/

"Ang bigat mo pala kahit payat ka. Dilat na! Nangangawit ako" dali-dali akong dumilat at binaba nia niya ako.

"Tutulong ka nalang manlalait pa T . T salamat"

"Takaw mo kasi ako na nga!" edi siya na magaling umakyat.

"Ingat ka! Di kita masasalo"

"Hindi ako shunga"

Di nalang ako umimik. Hinintay ko lang sya hanggang sa bumaba siya. At nagsikain na kami picture dito, picture don grabe sumasakit na tyan ko T . T buti umuwi na kami.

"Eto na yung letter :)"

"Sige sige salamat sa time :)" ngumiti nalang siya at umuwi ako. Tinignan ko ung letter.

"3?? Nunber naman ngayon, ay ewan, matago na nga lang"

Psst... Crush KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon