One shot

11 0 0
                                    

Araw ng sabado, pero heto at may pasok pa rin kami. Ang hirap talaga 'pag graduating kung ayaw mong magkaproblema well you better settle the things that need to be settled. Set your PRIORITIES kumbaga.

"Aikee, sama ka ba sa'min mamaya?" One of my friend said.

Napaisip naman ako. May gagawin ba ako mamaya? Mukhang wala naman.

"I'll pass." I said.

"Bakit naman? Believe me you need this after all the exhausting tasks syempre you know let's kinda relax?" pahabol pa ni Rio.

"Sige, basta next time hindi ka na makakahindi." dagdag nya pa.

Tumango nalang ako. Ang totoo niyan, wala namang saysay 'pag sumama ako. I'm sure naman na sila-sila lang naman ang magkakaintindihan. It's like as if you were there but then when you look at them you would feel you're invisible.

Useless diba? Kasama ka nga pero tinuturing ka nga ba talagang kasama o kakilala man lang?

| Dismissal...|

So, natuloy nga ang plano nilang gimmick. And nagpaalam pa nga sila saakin. I did just act normally.

Kaysa naman umuwi ako nang maaga ay napagdesisyunan ko munang pumunta ng park. Gusto ko nalang aliwin ang sarili ko, sa ganoong paraan hindi ako masasaktan. Gustuhin ko mang aliwin ang sarili ko pero ironically I ended up crying sa may bench. Mga traydor na luha! Ano ba kasing nagawa ko't ganito ang nararanasan ko sa mga taong pinahahalagahan ko?

"Miss, ba't ka umiiyak? Ito oh." saad ng kung sino sabay abot nya saakin ng panyo.

"Hindi ko kailangan 'yan." pagtataboy ko.

Pero hindi pa rin sya umalis kaya inangat ko na ang aking paningin sakanya. Kahit na malabo pa paningin ko.

"See, I told you kailangan mo talaga ng panyo." ngiti nyang saad saakin.

Those warm smile are so comforting. Kahit ngayon ko palang sya nakilala. I think he's a good guy.

"Thank you." nasabi ko nalang

Minutes passed•••

Hindi ko namalayang nag-eenjoy na akong kausap sya. Komportable talaga ako sakanya at pansin kong ganoon rin sya saakin.

"Paano ba 'yan uwi na ako." sabi ko.

"Okay lang ba na ihatid kita?"

"Ha? H'wag na nakakahiya naman."

"No, it's fine."

"H'wag na talaga."

"Taga saan ka ba?"

"Dyan lang, pramis ilang metro lang mula dito bahay ko. Kaya no need to accompany me."

Saglit naman syang natahimik and then after a while napansin kong ngumisi sya. He looked cute there.

AT the end, ayun hinatid nya parin ako. Syempre, naglakad lang kasi malapit lang naman talaga bahay ko. Habang naglalakad naeenjoy ko parin syang kausap di kasi siya nawawalan ng topic. Somehow napawi ang lungkot ko. Ang weird nga kasi diba dapat 'don't talk to strangers'? Kaso heto ako prenteng nakikinig sa lalaking ngayon ko lang nakilala. Hay, kaloka!

Hanggang sa narating na namin ang bahay ko.

"Thank you sa paghatid."

"You're welcome. By the way---"

"Ano 'yun?"

"Ano pala pangalan mo?" isang awkward na tawa lang ang nagawa ko bago ako nakabawi.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 21, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PansamantalaWhere stories live. Discover now