Chapter Five ~ Punches

199 4 13
                                    

>Silvie’s POV<

            WEEKS have passed. Haist, di parin kami nagpapansinan ni Ranz, tuloy tuloy parin ang mga practice ko. Buti nalang talaga at laging Nandito si Auxin para pasayahin ako pag nalulungkot ako. Napakathankful ko dahil nandyan sya para tulungan akong sumaya. Oo nga pala, Friday ngayon and that means it’s freestyle day!! Every Monday to Thursday kasi naka uniform kami, Long Sleeves, Blue ribbon and miniskirts, black shoes and long socks. Pero dahil Friday ngayon ang suot ko lang ay color blue na spaghetti strapped tapos pinatungan ko lang ng loose shirt na yellow then naka jeans ako. ^.^

“Thank God it’s Friday!!!”

“Ang saya mo ata Eonni ah!” napalingon naman agad ako tapos nakita ko si Auxin na nakangiti ^.^

“Yunhee? Alam mo pala ang Japanese name ko??”

[A/N: Eonni and Yunhee are pronounced as the same. Kaya nagkamali si Silvie]

“Ano? I said Eonni, sa Korea ang ibig sabihin nun sister”

“Ganon ba? Akala ko naman tinawag mo ako sa Japanese name ko” nagsimula na kaming maglakad lakad.

“Ano bang Japanese name mo?”

“Yunhee Akiyama”

“Oo nga no, magkatunog. Eonni at Yunhee ^.^ Eonni nalang tawag ko sayo ha?”

“Sure. Kaw bahala ^.^”

“Yes, may sister narin ako sa wakas :D”

Nakakatuwa talaga itong si Auxin. Best friend ko na nga yata to eh. Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan ni Auxin. Ang dami nyang kwento di nauubusan eh. Daig pa ang babae.

“SILVIE!” nagulat naman ako sa boses na tumawag sakin. Napalingon kami pareho ni Auxin. At mas nagulat ako sa nakita ko. Si Ranz, at papunta sya sa direksyon namin ni Auxin.

“Eonni, tara sa cafeteria, libre kita”

“S-sige” Alam kong tinutulungan akong iiwas ni Auxin kay Ranz kaya pumayag na ako kaya lang.

“SILVIE teka lang!” napatigil kami ni Auxin at papalapit na samin si Ranz.

“Badtrip” rinig kong bulong ni Auxin.

Oh oh, I smell war >____<

>Auxin’s POV<

            Masayang masaya kaming nagkwekwentuhan ni Eonni nang biglang sumingit tong Asungot na si Ranz. Ang kapal rin naman nya ha, matapos nyang paiyakin si Eonni nagawa pa nyang ipakita ang mukha nyang nakakasulasok samin? Badtrip lang talaga.

“Silvie, magusap tayo” hinawakan ni Ranz yung braso ni Silvie kaya lalong kumulo ang dugo ko.

“B-bitawan mo nga ako Ranz” pilit na tinanggal ni Silvie yung kamay ni Ranz sa braso nya. Okkay sisingit na ako. Walang agawan ng kasama!

“Bro, ayaw makipagusap sayo ni Silvie, tsaka nakikita mo bang magkasama at magkausap kami kaya pwede ba bitawan mo na sya?”

“Wag ka ngang makialam dito Auxin! Silvie, may sasabihin lang ako sayo!” eh gag* rin pala ito eh ano!

“Bitawan mo sabi ako Ranz eh!”

“May sasabihin lang ako sayo!”

Back By Midnight [ON-HOLD Sorry]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon