ANTAS

51 10 0
                                    

Tumingin ka sa taas,
Humugot ng lakas,
Iba-iba man ang antas ,
Lumaban ka ng patas.

Minsan pumapasok sa isipan,
Habang ang alapaap ay minamasdan,
Kaming mabababang uri ng nilalang,
Kaya bang makipagsabayan,
Sa mga kasing taas ng bituin sa kalangitan?

Sapagkat tingin nila sa amin,
Walang halaga o kayang gawin,
Pero ito'y salungat sa aking paningin,
Sapagkat lahat ay pantay-pantay na may mga gampanin.

Ang kanilang mga paratang,
Na sila rin mismo ay nagtataglay,
Ngunit hindi habang buhay kami ay nasababa,
Kaya namin pantayan o higitan pa ang iba.

Ang iba na andyan sa tuktok,
Mag-ingat at baka mahulog,
Sa sarili pairalin ang pagpapakumbaba,
Upang antas ng tao sa bawat isa ay maipaunawa.

■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■

A/N: kung nagustuhan niyo po ang tula, wag niyo pong  kalimutang mag vote, comment and share share share!

DIKTAWhere stories live. Discover now