ROSA

13 10 0
                                    

O Rosa
Ako'y nahuhumali sayong ganda
Sa paaralan ika'y aking nakikita
Namumukod tangi ka talaga

O Rosa na nakatitig sa akin
Kahit picture mulang to ako'y kinikilig parin
Sana ako'y mapansin mo na rin
Pasensya na kung ikay aking kukulitin

Sa facebook ikaw ay aking nakita
Di na rin naman nakapagtaka
Na ikaw ay bantog kahit saan pa
Kaya siguradong marami rin ang nais kang makuha

O Rosa na ngayo'y nag-iisa
Ako ay nandito lamang sa labas umaasa
Nawa'y dumating ang araw na
Magkasama tayo sa lugar ng pantasya

O binibining aking hinahangaan
Sana ako'y iyong paniwalaan
Mag-usap tayo ng magkaunawaan
Ng madala kita sa pag-ibig na walang hanggan

Ako ay sumaya ng aking malaman
Ang binibini ko'y wala pang kasintahan
Ang pag-asa ay nabuo saking isipan
Ako ngayo'y magpapakita na sayong himpilan

Ngunit laking pagkadismaya ko
Totoo nga ba itong narinig ko?
Ang binibining inaasam ko
Isang binibini rin pala gusto

Wala na tayong magagawa pa
Yan talaga ang pagkatao niya
Sino ba naman ako para pagkamuhian siya
Buhay niya iyon na di dapat pakialaman pa

Sadyang sayang lang talaga
Dugong pilipina na kaniyang tinataglay
Andito pa naman sana ang ginoong handang samahan siya
Ngunit bandera niya talaga ay iba iba ang kulay

■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■■

A/N: kung nagustuhan niyo po ang tula, wag niyo pong  kalimutang mag vote, comment and share share share!

DIKTAWhere stories live. Discover now