Author #1: endlesslaugh

65 1 2
                                    

Okay, Hello, wattpader/wattpadian! Eto nga pala si Ate Aira/endlesslaugh.

Ito ang kwento ng pagkaka-discover ko sa kanya(wow).

May branch outing ang aking mahal na nanay. So siya, mga ka-trabaho niya, at yung parang pinaka-manager nila sa branch. Syempre yung iba nagsama ng anak, at pamangkin.

Onti lang naman, siguro mga di lalagpas sa 16 na adults, tapos, isang 19 yrs/o, dalawang tween(me and my idiotic bro), tapos tatlong maliliit na bata. May nakainisan pa nga ako don na maarte, matinis ang boses, attention seeker at pabebe. Pero hayaan na, bata pa naman, siguro di lalagpas ng 5 yrs/o.

Anyways, dun sa istorya ng pagkaka-discover kay ate Aira,

Sa hindi inaasahan, naging close ko yung 19 yrs/o na ate gurl. Nagkaroon kami ng convo habang nakababad sa pool, natanong ko kung into kpop siya, nang hindi, tinanong ko kung into Wattpad siya and ayun na.

Pinagkuwentuhan namin ang mga stories na sikat. Hanggang sa umabot siya sa pagkuwento nitong underrated writer natin.

Napunta kasi siya sa story na, The Sound Of Silence. Kinuwento niya ang plot, medyo nainis nga ako dahil ni-spoil niya ako, pero I still thank that because, I became interested with endlesslaugh.

Ayon sa aking friend, magaling mag-narrate si ate Aira. Magaling din daw mag-translate ng ibig sabihin ng mga kanta. May blog daw si ate Aira, ngunit nakalimutan niya ang pangalan ng blog.

As what I've heard how she described ate Aira, I think she's a good narrator, and a deep person.

Everyone, I introduce you to, endlesslaugh

https://my.w.tt/6l0isGF21W

Limerence:

This story has 40 chapters, the epilogue, and I think, two notes

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

This story has 40 chapters, the epilogue, and I think, two notes.

Si King and si Sofia. Ayun, medyo relate, medyo lang naman. 😅

Medyo nangangalahati na ako. Chapt 19,

And for that, I was struck by that, one reason na din na MEDYO relate. Tapos, ayun ang chill nung story sa mga naunang parts typical HighSchool love story. Tapos pumasok yung drama. At tsaka, maguguluhan ka, kasi I was confused sa mga kinikilos ni King kay Sofia.

-medyo spoiler alert-

Nang magkausap sina Sofia at King, ayun parang, sige, tawagin nating 'close'.

May pinsan itong si Sofia na crush ni King. Ito namang si Sofia, mahina sa math(dun ako relate), kabaligtaran ni King.

Dahil dun, nagka-deal sila, King will tutor Sofia for the rest of the grading, while Pia(Sofia), will introduce King to Joana(pinsan).

Ayun nga, may gusto si King lay Joana, tapos si Pia naman kay King na na-realize niya ng super late. Tas eto naman si King, kung umasta parang may gusto kay Pia, kaya ayun, confusing si leading man.

Plus, ang mga pangyayari eh, napaka-realistic, I mean, yung pwede talagang mangyari sa kahit sino sa atin. To her stories, siguro, we'll relate to the characters in a way.

Errors:

May konting mali lang naman, typo lang naman! Okay! Typo lang!

But the rest, is amazing!

So wag na magpatumpik-tumpik pa! Basahin na ang mga akda ni ate Aira!

Lovelots,
euphoricallyMe

PS: baka gumawa pa ako ng 2nd review sa susunod na babasahin kong story niya, so, stay tuned!😘

Underrated Wattpad Writers (UWW Hunters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon