Chapter 9

47 6 3
                                    

"Sa tingin mo ba, saan nanggagaling ang tubig na dumadaloy sa ilog?" Tinitigan ko si Euzelia saaking tabi.

"Maaaring sa silangan kung na saan ang malawak na dagat." Inilublob ko ang aking kamay sa tubig.

"Sa tingin mo ba kasing kinang nito ang dagat?" Hindi ito sumagot bagkos ay inilublob din niya ang kanyang kamay.

"Navlyia ang sunod na kaharian kung saan titigil ang tubig. At ayon sa iyong kawal, may Alamat ang tubig na ito, ikaw ba ay naniniwala, Euzelia?" Tumingin ako dito.

"Sinong hindi maniniwala, Cleo? Napatunayang nakabubulag ang tubig na ito." Natigilan ako sa paglalaro ng tubig.

Tumawa ito saaking reaksyon.

"Isang dalaga, Cleo. Dalaga mula sa Navlyia ang napabalitang nabulag dahil sa tubig na ito." Tumitig ito sa tubig na patuloy na dumadaloy.

"Sinong mag-aakala na ang napakagandang tubig na ito ay nakabubulag pala? Sa likod ng hindi pang-karaniwang ganda'y, isa pa lang nakakabulag na katotohanan." Nag-angat ito ng tingin saakin saka ngumiti.

"Ngunit huwag kang mag-alala, sa gabi lamang nakabubulag ang tubig na ito. Doon lamang mas titingkad at kikinang ang tubig na ito."

"Papapaano siya nabulag kung ganoon?"

"Iyan ang hindi ko alam."

"Naririto lamang pala kayo, magsisimula na ang pagpupulong." Bumaling ang tingin namin sa babae. Ang ina ni CC.

"Wala na tayong makakain pa sa lilipas na araw, maaari bang magtungo muna ako sa pamilihan?" Nais ko munang huminga sa lahat ng rebelasyon na aking nalalaman. Pakiramdam ko ay mahihilo na ako sa kakaisip kung ano ang koneksyon ng bawat isa.

"N-nais ko ring huminga muna sa lahat ng problema, kung inyo lang ding mamarapatin."

"Sasamahan ka namin, hija. Makakapag-intay naman sila, lalo pa't tulog pa rin hanggang ngayon si kamahalan." Nakangiting tumango ako saka tumayo.

"Nais niyo bang lumakad na lamang papunta sa pamilihan? Siguradong hindi naman tayo ililigaw ng kagubatan."

"Ngunit kailangan muna nating magkubli, hindi maaaring makita tayo ng ibang nilalang na ganito ang itsura." Muli kaming nagtungo sa loob ng kaharian. Ibinigay niya saamin ang isang Vestero, ito ay kasuotan na mahaba at kulay itim, mayroon din itong talukbong na maaaring magkubli saaming anyo. Nilapatan pa ito ni Erela ng ritwal upang makasigurado.

Ang karwaheng isang dekada ko ng hindi ginagamit ay tuluyan ng bumigay. Kung kaya't naituloy ang plano naming lumakad.

Tinahak namin ang maaliwalas at napakatahimik na gubat ng Binnevia. Tila paraiso sa ganda ang kagubatang ito, walang hatid na takot o kung anumang nakakahilakbot na pangyayari.

"Euzelia, ano na ang nangyari sa kalabang nakapasok? Siya ba ay nahuli?"

"Nakatakas siya, Cleo. Ngunit dama kong hindi niya nais gumawa ng masama, dahil na rin hindi siya iniligaw ng kagubatan." Pahayag nito.

"Ngunit may nais siyang iparating, kung kaya't pinatamaan niya ang puno at itinulak ako mula sa itaas nito." Mariing saad ko.

"Hindi ko alam na ganyan na pala karami ang nangyari dito sa Binnevia. Tila kailangan talaga naming bantayan ang kahariang ito." Nginitian ko ang Ina ni CC.

"Ikaw ba, hija. Nais mo pa bang makita ang iyong mga kasama?"

"Walang nilalang ang nais mapag-isa sa oras ng laban, mahal na reyna. Hindi man halata ngunit, nangungulila ako sa itinuring kong pamilya." Malamlam ang matang tinitigan ko ang langit.

Whirlwind Chain (Eclipse Series #1)Where stories live. Discover now