Chapter 26

34 5 0
                                    

Kasinungalingan ang tumanggi, sa isang kasalanang hindi pa batid. Kamalian ang mangarap, humiling sa alapaap, ng isang bagay na imposible sa mata ng lahat.

Ano nga ba ang ginagawa ng isang nilalang kung nais niyang takasan ang reyalidad? Takasan pansamantala ang mga suliranin, hanapin ang kapayapaan sa sarili, tingalain ang sarili kahit isang saglit.

Napahawak ako saaking batok, hindi mawari kung paano nabatid ni kamahalan na ako ay may balat doon. Kahit kailan sa aking buhay ay hindi ko nalaman na ako ay balat doon.

Bumaling ang tingin ko sa bintana ng pumasok ang isang napakalamig na hangin, pinababatid saakin na hindi maganda ang maaaring mangyari. Ukol ba ito sa magaganap na kasalan ng dyosa ng lahat at ng kanyang kapareha? Hindi ba nais ng hangin na sila ay magsama? Ngunit hindi ba at nakatadhana ang dalawa na magsama?

Isa pa ang pinagtataka ko, bakit kailangan manipulahin ng dyosa ang aking buhay?

Kanina pa umalis ang malakas na presensya sa likod ng pinto, ngunit hanggang ngayon ay napapaisip ako kung sino ba ang nasa likod nito.

"May nakapasok!"

"Hanapin ang mga namamahala at bantayan."

"Doblehin ang mga kawal!"

"Halughugin ang buong kaharian!"

Kumunot ang aking noo ng malakas na bumukas ang pinto. Nais atang sirain ito.

Sumandal ako sa pader saka tinitigan ang pumasok.

Mataman lamang itong nakakatitig saakin habang inaanalisa ang aking kabuohan.

"Ano ang kailangan mo, Stratus?" Tinanggal nito ang suot na helmet saka nagkamot sa kanyang ulo.

"Hanggang ngayon pala ay nagpapanggap kang kawal, ano pa ba ang iyong kailangan at hindi ka na lamang bumalik saiyong palasyo?" Tumingin ito saakin.

"Naitalaga ako ni Ama bilang punong kawal na magbabantay sa Caspian." Humakbang ito palapit.

"Akala ko'y may nangyari ng masama saiyo." Kumunot ang aking noo.

"Hindi niyo batid na may dumating na panauhin?" Huminto ito hindi kalayuan saakin. Ang mga mata nito ay napuno ng tensyon.

"Kung gayun ay kinausap ka niya, ano ang kanyang ibinalita?" Ngumisi ako.

"Batid mo din pala ang kanyang pagpunta, Stratus. Bakit hindi mo sabihin sa lahat?" Muli nitong isinuot ang helmet sakanyang ulo.

"Hindi pa siya isang ganap na mensahera, Cleo. Maaari mo lamang siyang ipahamak."

"Kung hindi pa talaga siya isang ganap na mensahera, papaano naipabatid ng mga dyosa ang sulat?" Tinalikuran na ako ng kawal, napakagalang talaga.

"Lahat ay may paraan, Cleo. Pumunta lamang ako dahil inutos ng iyong kamahalan, napilitan lamang ako kung kaya't huwag ka ng magtanong pa." Tumaas ang aking kilay.

"Halata ngang ikaw ay napilitan lamang, kawal." Hindi ako nito pinansin saka tumuloy palabas ng silid.

Lalamunin ng kadiliman ang kalangitan, habang buhay ng matatali ang dyosa, sagrado ang isang ritwal, walang sinuman ang makakawala. Ngunit sino nga ba ang dapat lumuhod? Ang tala o ang kadiliman? Sino nga ba ang dapat nasa itaas, ang isang binibini o ang isang ginoo?

Nais ng dyosa na masilayan ko ang kanyang pag-iisang dibdib sakanyang kapareha, ngunit kailan naman kaya mangyayari saamin iyon ni kamahalan?

Ako ay napahinga ng malalim. Hanggang kailan nga ba iikot ang problema? Kailan nga ba ako magkakaroon ng isang mapayapa at tahimik na pamilya?

Whirlwind Chain (Eclipse Series #1)Where stories live. Discover now