Ep 1 - Bakit ba ako nakakaranas ng pain?

48 3 0
                                    

Ano ano nga ba ang mga posibleng dahilan ng sakit na nararamdaman natin?
1. Iniwan ng boyfriend/girlfriend.
2. Namatayan ng mahal sa buhay.
3. Walang pambayad sa bills/tuition
4. Hindi buo na pamilya.
5. Hindi matanggap sa trabaho.
6. Mabalewala mg taong mahalaga sayo.
7. May malalang sakit (ex. stage 3 breast cancer)
At madami pang iba.

Ito madalas ang ating tanong kapag nakaranas tayo ng matinding sakit at problema.
"bat sa dinami-dami ng tao sa mundo, bakit ako pa?"
Napapaisip ka minsan kung karapatdapat ka ba sa pain na dinadanas mo. At kung anong malaking kasalanan ang ginawa mo para mangyari sayo ang masakit na bagay na ito.

Alam ko na lahat tayo ay minsan nang naisip ang mga iyan nong mga panahon na sakit na sakit at down na down tayo.
Minsan pa ay napapatanong tayo sa Kanya kung totoo nga ba Siya? Bakit kailangan pa nating maranasan o pagdaanan ito?
Yung ginawa mo narin naman ang lahat, nagserve ka sa Kanya, madami kang ministry, lahat ng tama ay ginagawa mo para sa ikalulugod Nya.
Pero sa huli ay nakararanas ka parin ng matinding problema.
Yung minsan nang nawawalan ka na ng pag-asa kasi pakiramdam mo ay paulit-ulit nalang. Lahat naman ay ginawa mo na pero wala pading nangyayari.
Akala mo sapat na ang effort mo pero sa huli ay uuwi ka pading luhaan.

Masakit, nakakapanlumo, at nakakasawang mabuhay kapag yung bagay na gusto mo ay yun pa ang hindi mo kayang abutin.
Yung palagi mong pinag-pipray na hindi naman nangyayari.
Yung simpleng gusto mo na magkagusto ang crush mo ay hindi nagkakatotoo.

Hayaan nyo muna akong makwento sa inyo.

May nakilala akong isang dalagita noong panahon na nasa Laguna ako para magtrabaho. Sobrang saya ko kasi may makakasama na ako sa bahay at the same time magkakaroon pa ako ng kasama sa pagdedevotion

Nagaawitan kami nananalangin at nag aaral ng salita ng Diyos nung gabing 'yon. Sa gitna ng gawain namin ay mayroon akong napansin sa kasama kong dalagita. Wala siyang imik, tahimik lamang sya at kitang kita mo na wala lang sa kanya ang mga nangyayari.
Hanggang sa naitanong ko sa kanya kung anong problema, doon niya na sinimulan ikwento ang kanyang masalimuot na nakaraan.
8 years old sya nang halayin siya ng kaniyang tiyuhin. Hindi isa kundi dalawa. Hindi isang beses kundi maraming beses na ginawa sa kanya.
Napaiyak ako sa kwento nya at niyakap ko siya.

Kung ikaw ang tatanungin ko, kapag ba sayo ito nangyari, gugustuhin mo pa bang mabuhay?
Panigurado, unang maiisip natin ay hindi na.
Unang una, bakit kailangan pa natin itong maranasan?
Pangalawa, 8 years old palang sya. Wala pang kamuwang muwang sa mundo. Bakit kailngan siya pa ang makaranas nito?

Note: walang pinipiling edad at panahon ang Diyablo para sirain ang buhay mo.

Pangatlo, ginusto ba talaga ito ng Diyos na mangyari sa kanya?

Matapos ko siyang yakapin nong gabing yon, sinabi ko ito sa kanya...
"Alam kong hindi madaling kalimutan ang nangyari. At hindi yun ginusto ng Diyos para sayo. Gawin mong lakas ang iyong pinagdaanan at mas lumapit kapa sa Kanya. May magandang plano na gagawin ang Diyos sayo wag kalang mawalan ng faith sa Kanya."

Lahat tayo ay posibleng makaranas ng malaking problema. Hindi sa ginugusto ng Diyos na mangyari ito sa atin. Kundi, binibigyan Nya tayo ng lesson sa nangyari. Gusto Nya na maging matatag kapa para sa mga susunod na problema man ang dumating sayo, alam mo na kung paano ito ihandle.
Minsan naman, nakakalimot kana sa Kaniya, kaya ang paraan nya ang bigyan ka nya ng pain para bumalik ka sa Kanya.

May mga pangyayari na hindi planado ng Diyos para sa atin. Nakakaranas tayo ng pain kasi hindi tayo marunong sumunod sa Kaniya.
Diba kapag nagalit ang magulang natin sa pagsuway sa kanila may mga bagay na hindi mo inaasahan?
Ganon rin ang Diyos, sobrang konti nalang ang time na kausapin natin siya. Makinig sa kanyang mga paalala. Kaya sa huli kapag tayo ang nasaktan, siya naman uli ang sisissihin at susumbatan.
Wag ganon, alam natin ang pagkakamali at pagkukulang natin.

*Kaya ka siguro iniwan ng jowa mo kasi hindi tama ang pakikitungo mo sa kaniya.

*Kaya ka siguro nagkasakit, hindi mo inalagaan ang katawan mo. Na dapat ay alam mo na ang katawan natin ay templo ng Diyos.

*Kaya ka siguro nabagsak sa exam kasi hindi ka nakapagreview.

May mga problem naman na maiconsider mo na talagang may nais iparating ang Diyos.

*Kaya siguro hindi buo ang pamilya mo kasi sinusubok niya ang faith mo. At gusto niya iparanas sayo ito para ibahagi sa ibang tao na kahit na hindi kumpleto ang Pamilya mo, you still have God na pamilya mo para hindi mo maramdaman na nag-iisa kalang.

*Namatay ang Lolo. God allow us to feel the pain, para maunawaan mo ang true meaning of Life. Para maunawaan mo rin ang ibig sabihin ng "acceptance".

Madami pang mga dahilan.
At madami pang explantions sa mga dahilan na ito.
Gusto ko sabihin sayo, kung ikaw man ay nakakaranas ng pain ngayon.
Dinala ka ng Diyos rito para ipaalala sayo na, Mahal ka niya. Hindi ka nagiisa sa laban mo. God is always with you sa lahat ng oras. Always talk to God, seek His will. Seek Him more. Nang sa gayon ay maiiwasan mo nang masaktan. Maiiwasan mo nang umiyak at umasa sa wala.
Gusto kong basahin mo ang Panalangin ko sayo bago mo matapos basahin ang mensaheng ito.

Lord,
Salamat po sa inyong mga paalala. Salamat sa palaging pagsama sa akin. Salamat sa pagtanggap sa akin sa kabila ng pagkukulang at pagkakamali ko sa inyo. Bigyan nyo po ako ng panibagong lakas na magmumula sa inyo. Magamit ko para harapin ang mga problema na dala dala ko. Hindi ko mararanasan ang bagay na ito kung wala kayong gustong mangyari sa buhay ko. Inaallow ko na maging captain ka ng buhay ko para madala ako sa tamang desisyon na gagawin ko. Ikaw ang maging guide ko sa lahat ng oras. At simula ngayon, ikaw lang ang Diyos na pagkakatiwalaan ko. Salamat po. In Jesus Name,

Amen.

I love you, trust meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon