Ep 2 - Bakit mahirap magtiwala?

44 2 0
                                    

Sa totoo lang, ito ang palagi kong naiisip. Kasi katulad niyo ay naranasan ko na rin ang mawalan ng tiwala sa tao. Hindi lang sa larangan ng pag-ibig, madami pang iba.

"Bakit nga ba ang hirap magtiwala?"

Dalawang klase lang yan e, nawalan ka ng tiwala kasi naranasan mo nang pagkaisahan,lokohin, paasahin, saktan at maraming pang iba.
O kaya naman, its either kilala mo na sya ng matagal o praning kalang kaya hirap na hirap kang magbuild ng trust sa isang tao.

Madalas akong magawi sa newsfeed ng facebook ko. At "halos" isyu sa mga kabataan ngayon ay ang "tiwala".
Parinigan doon, parinigan dito.
Kesyo daw binigay na nila ang lahat pero sa huli ay ikaw pa ang masama.
Madalas kong napapansin na nangyayari ito sa mga magkaibigan at magjowa. Lubos silang nagtiwala pero sa huli ikaw ang kawawa.

Ako ay hindi rin perpekto, tulad nyo nagkakamali rin ako. At isa rin ako sa nagkaroon ng "trust issue".
Sobrang bilis kong magduda sa isang tao, lalo pa at hindi ko pa ito sobrang kilala.
Iba ang kilala sa pangalan lamang, kundi kilala pati ang ugali na mayroon ito.
Takot na takot akong maloko. Takot akong mapagkaisahan kaya naman sobra akong nagdadalawang isip sa tao na nakikilala ko.
Lalo pa kapag sinasabi ng Mama ko na "Wag kayong magtitiwala basta-basta sa ibang tao, saken lang kayo magtiwala. Ako lang ang gawin niyong bestfriend"
Naiisip ko nalang minsan, kung ganoon ang lahat ng tao, paano nalang ang mundo? Dalawa nalang ba kami ng nanay ko ang totoo sa isa't isa non?
May tao pa kayang totoo makitungo? Yung hindi plastic?

Pero sa isang banda, mali pala ang magduda. Mali pala ang pag-isipan ang isang tao ng mali lalo pa at kakakilala mo palang rito.
Tama nga siguro na kilalanin mo muna siya. Huwag mo muna ibigay lahat ang TIWALA sa kaniya. Utay-utay lang, mula sa maliit na bagay hanggang sa mapakiramdaman mong okay naman siya. At habang ginagawa mo ito, ilapit mo sa Panginoon kung ang taong ito ba talaga ay marapat na pagkatiwalaan. Na bigyan ka nya ng talino para makilala mo siya ng husto.

Pero bago ang lahat, una mo munang pagkatiwalaan ang Diyos, nang sa gayon ay maibigay sayo ng Diyos ang tamang tao o kaibigan. Dahil kung ang bawat tao na nakakasalamuha mo ay bunga ng iyong panalangin, hindi kana mahihirapan na kilalanin ang taong ito ng husto.
"1 Ecclesiastico 9:14 - Hangga't maaari, sikapin mong makilala ang iyong mga kapwa, at sa marunong ka lamang sumangguni."

Noong ako ay nag-aaral ng college, mayroong nanligaw saken. Tumagal siya ng halos isang taon ng panunuyo. Pero hindi ibig sabihin non ay wala akong nararamdaman sa kaniya kaya tumagal ng ganoon ang panahon na panliligaw niya.
Mabait siya, sweet, pogi rin,malinis siya sa katawan at isa yun sa mga gusto ko sa lalaki.
Ang dahilan para hindi ko sya kayang sagutin agad, wala pa sa isip ko ang pagjo-jowa noong mga panahong iyon. Feeling ko ay hindi pa bagay saken ang magkaroon ng boyfriend sa murang edad.
Pero dumating nga sa point na, tao siya na napapagod at nasasawa. Wala akong kaide-ideya na habang nililigawan niya ako, may isa pa siyang babae na nililigawan rin. Sobrang thankful lang ako sa mga taong mahal ako kasi ipinaalam nila sa akin ito. Nanginig ako sa galit habang umiiyak nong malaman ko iyon. Hindi ko lubos maisip na magagawa niya saken yon. Pinagkatiwalaan ko siya at naniwala ako sa mga pangako niya na mag-aantay siya ng matagal na panahon para saken.
Nawalan ako ng tiwala sa kaniya noon. Kaya kahit na anong hingi niya ng sorry ay nagmatigas ako. Doon ako nagsimulang magduda sa mga taong gusto rin akong makilala. Doon ako nagsimulang mag-isip sa ibang tao ng masama kahit pa wala naman siyang ginagawa sa akin na hindi maganda.

Hindi ko ito ikinuwento para gayahin niyo ang ginawa ko. Hindi ako nagpatawad sa kaniya at nagmatigas ako. Never akong nakinig sa explanation niya kung bakit niya ito ginawa.
Pero dahil matagal nang tapos iyon, inisip ko nalang na siguro kaya ipinaranas sa akin ito ni Lord kasi gusto nya na matuto akong magkilala ng tao, matuto akong lumapit sa Kaniya nang sa gayon ay maiwasan ko nang masaktan. May mga bagay na nangyari hindi para mag-iwan sa atin ng trauma. Kundi, nagiiwan ito ng lesson para marealize natin na tayo sa sarili natin ang ating pagkakamali.
Mas masarap namang matuto sa sarili mong pagkakamali, kasi alam mo na kung paano ito ihandle.

Kaya hindi ibig-sabihin ng "iniwan na ako ng boyfriend/girlfriend ko" ay pare-pareho na sila. Iba-iba po tayo, may kanya kanya tayong story, dahil si Lord ay powerful. Iba iba ang story na ginawa niya sa bawat isa sa atin.
God never allow us to suffer para parusahan lang tayo, kundi para matuto tayo. At kung yung tiwala ang nasira sa atin, ipagpray natin na mabuo ito ng paulit ulit. Kasi ang tiwala ang siyang nagpapatatag ng relasyon natin sa ating kapwa at lalong higit sa ating Panginoon.

Ang pagtitiwala ay halimbawa nalamang nito:
Sumakay ka sa bus. Pero hindi mo kilala ang driver. Nakaupo ka ng maayos at pumikit kapa para matulog o magpahinga. That means, nagtiwala ka sa driver na makakarating ka ng safe.

May panahon na madaling ibigay ang tiwala sa tao at may mga panahon naman talagang susubukin ka kung tama ba na ibigay mo ang tiwala mo sa kapwa mo o sa taong nakilala mo.

Kung dumating man ang pagkakataon na may makilala ka at gusto mong maalis ang pagdududa sa puso mo, manalangin ka. Kausapin mo ang Panginoon, tanungin mo siya kung ang taong ito ba ay nararapat na pagkatiwalaan.

"Mga Taga-Roma 8:26 - At gayon din naman ang Espiritu ay tumutulong sa ating kahinaan: sapagka't hindi tayo marunong manalangin ng nararapat; nguni't ang Espiritu rin ang namamagitan dahil sa atin ng mga hibik na hindi maisasaysay sa pananalita;"

I love you, trust meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon