Paano ko matatagpuan ang "true happiness"?

24 2 0
                                    

"Happiness is not something ready made. It comes from your own actions."
― Dalai Lama XIV

Sa maraming paraan, pwede natin matagpuan ang tunay na kaligayahan.

Pero...

Saan nga ba tayo sumasaya? Ano nga ba ang mga paraan na pwede natin gawin para tayo sumaya?

Bakit kailangan natin maging masaya?

Ilang tao pa ang kailangang dumaan sa buhay natin para mahanap lamang ang tunay na kasiyahan?

Kahit sa ano mang aspect ng life, "happiness" is the only reason kung bakit tayo lumalaban sa hamon ng buhay. Paano ka nga naman magiging malaya sa ginagawa mo kung hindi ka rin naman masaya. At ano pang purpose na ituloy ang isang bagay kung ikaw mismo ay hindi na masaya.

I have this friend na open talaga siya saken, one time naikwento niya saken yung tungkol sa kaniyang lovelife. Ayaw niya raw itong ipublic kasi alam niya sa mata ng mga tao at sa mata ng Diyos ay hindi ito tama. Yes po, bisexual po siya, at itong karelasyon niya na ito ay madalas daw paiba iba ang mood. There is a time na kaunting bagay lang daw ay nagagalit na daw ito.

So tuwing magkukwento siya at hihingi ng advice, madalas ko na sinasabi sa kaniya "masaya ka pa ba?"

Bakit? Kasi ang pagmamahal ay may kalakip na saya at lungkot. Yes tama ka na normal ang nag aaway at nagkakatampuhan. Kailangan tanggapin mo kung sino siya at ano siya. Yan ang bilin ng tatay ko saken. Pero sa mga paraan naman ng kwento sa akin ng aking kaibigan, nafifeel ko na hindi na siya masaya at napapagod na siya sa sitwasyon na ganon. Kahit nga raw anong away nila never raw siyang nagbitaw ng masasakit na salita against him. Nababasa ko rin ang ilang convo nila na galing rin sa kaibigan ko, I saw it na super harsh na ito sa kaniya.

I never told him or commanded him to stop, pero lagi kong sinasabi sa kaniya kung saan siya masaya susuportahan ko parin siya.

Marami na akong napanuod/nawitness/napakinggan about happiness in life.

Pero isa lang ang narealize ko, kapag wala kang contentment, hindi mo makakamit ang tunay na happiness. Tulad nalang sa qoute na nabasa ko,

Your hard job is a dream of every unemployed, Your small home is a dream of every homeless, Your little money is a dream of every debtors, Your annoying child is dream of every infertile, Your smile is a dream of every depressed, so always thank God for whatever your situation."

Kung ikaw man ay may malaking pinagdadaanan ngayon, baka ikaw ay iniwan ng taong mahal mo, malaki ang pinagkakautangan mo, may mga taong ayaw ang existence mo at pakiramdam mo ay walang nagmamahal at umuunawa sayo. Nagkakamali ka, kasi may Diyos tayo na lagi sa tabi mo. Mahirap man ang sitwasyon na meron ka ngayon, marahil ikaw ay sukong suko na sa buhay at hindi mo na kayang tumagal pa sa mundong ito.
Gusto ko ipaalala sayo na ang mga bagay na pinagdaraanan mo ngayon ay isang paraan para lumapit uli sa Kanya, ito ang magpapatatag sa atin.

"Difficult roads often lead to beautiful destinations"

Marahil ay nasa masukal na daan ka ngayon, nasa punto na ng buhay na gustong nang sumuko, magpatuloy ka lamang at maging matatag kasi paniguradong malalagpasan mo rin yan. Sa ngayon, mas piliin mong kasama ang Diyos sa hamon ng buhay. Nagkamali ka man o nagkulang, mahal na mahal ka parin Niya. Tanggap niya kung ano ka at kung sino ka.

Wala nang dahilan para piliin ang kalungkutan. Choose to be happy. Dahil sayang ang panahon kung ilalaan mo lang sa pagiisip ng mga malulungkot na bagay. You deserve to be happy, hindi mo deserve ang magmukmok. Huwag kang magpapadala sa emosyon mo, isipin mo ang Diyos na hindi nagkulang sa pagmamahal sayo kahit na tayo ay hindi karapatdapat mahalin.

You are lucky!

~
Alam kong hindi aksident na mabasa mo ang librong ito, gumagamit ang Diyos sa maraming paraan, marahil binabasa mo ito kasi gusto mong matagpuan ang tunay na saya. Bianabasa mo ito kasi gusto mo maalis ang lungkot na meron ka ngayon. O baka naman, dinala ka rito ng Diyos kasi gusto niyang gamitin karin Niya.

Gusto ko malaman mo na, kahit na anong pangyayari or achievements man ang makuha mo sa mundo, kung wala kang DIYOS sa puso mo. Hindi mo makakamtan ang tunay na saya.

Bago man matapos ang chapter na ito, gusto ko ibahagi sayo ang isang verse na ito:

Psalm 28:7 "The Lord is my strength and shield. I trust him with all my heart. He helps me, and my heart is filled with joy. I burst out in songs of thanksgiving."

Smile kana :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 12, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I love you, trust meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon