Chapter 16- Brendan<3Cyrish

124 7 0
                                    

LorenJoyce's Note♥ : Hello po. :) Request po ni Galaxy_Maiden na habahin ko daw bawat chapter. Nabibitin daw e. So, eto na. Hahabain ko na po para sa inyo lalo na kay galaxy_maiden. :) Basta sana tuloy tuloy lang ang pagbasa nyo dito sa my sossy boyfriend. ;) Salamat po. Don't forget to VOMMENT <3

-

Cyrish POV

It's thursday morning!!!

Papunta na ako sa school. Hindi kasi ako sa dorm natulog kagabi e. Kaya heto, namasahe na naman. Gusto akong ihatid ni brendan e. Kaso ayaw ko hahaha.

Naglalakad na ako papunta sa first subject namin. Tinext na ako ng mga kaibigan ko e. Maaga daw silang pumasok.

Nagulat naman ako ng may biglang umakbay sakin!

"Hey you!--" napatigil nalang ako sa dapat kong sabihin ng makita ko kung sino ang umakbay sakin. Ang ka-isa isang sosyal ko lang naman na boyfriend.

Tinabig ko ang kamay nya. Tch. Nakakahiya kaya ginagawa nya.

"Oh why baby? Ayaw mo ba?"

Tanong niya. Tinatanong pa ba yan?! Syempre ayaw ko no!

"Diba nga may rule tayo? Rule #1 is, bawal mag PDA sa school."

Tsaka naman sya napaisip.

"Ahm, okay okay sorry. Nakalimutan ko"

Sabi niya tsaka sya natawa. Hay, mga lalaki talaga. Napaka makakalimutin. :3

"Osige sumama ka nalang sakin"

Sumama? Saan naman nya gustong pumunta? School time diba? Nababaliw na ata to. Tch.

"Saan naman lupalop ng mundo tayo pupunta?"

Tanong ko. Napatigil naman kami sa paglalakad. Sasakay na dapat kami ng elevator. Nasa 7thfloor pa yung room ng first subject namin e.

"Birthday ni mommy. Pinapapunta na ako dun. Isama daw kita. Gusto na nilang makita ang girlfriend ko. Ayaw kasi nilang maniwala e"

Sabi niya. Ay, Ayoko nakakahiya at may pasok pa ako. Bahala kana brendan!

"Sabihin mo may sakit ako. Basta ayoko. May pasok pa ako. Sige alis na a---"

Sasakay na sana ako ng elevator ng bigla nya akong hinila palayo dun. Nababaliw na ba sya?!

"Ano ba! Sabi ng ayoko e!! Scholar ako dito! Kaya kailangan kong mag aral ng mabuti!"

Sigaw ko habang inaalis ko yung hawak niya sakin.

"Baby naman e. Si Brendan Philip Leeford na ang bahala dyan. I e-excuse nalang kita. Alam mo naman na kami ang may ari ng school! Ako bahala okay?"

My Sossy Boyfriend (On-Going)Where stories live. Discover now