BRENDAN's POV.
Hahahaha ang sarap naman pagtripan yung babaing yun. Ano nga bang pangalan nun?
Nandito kami sa swimming pool namin kasama ko sina carlo, prince at marky. Sila yung mga tropa ko. Mayayaman din sila. Pero mas gwapo parin ako. Hahaha
"Pare hindi ka ba naaawa dun sa babae?" tanong ni marky
"Bat naman ako maaawa dun. Siya palang ang babaeng nagsisisigaw sakin ng ganun at nagmura sakin. Matagal tagal bago ko mapapatawad yun" sabi ko
"Haha. So anong susunod mong plano?" tanong naman ni prince.
Nakwento ko na kasi sakanila lahat. Simula nung magkabangga kami nung babaing yun. Hm. May itsura naman siya. Pero never akong magkakagusto dun. Parang asal kalye siya! Di kami bagay. Eeewwww. Gusto ko pa siyang pagtripan haha.
--
Cyrish's POV.
Papunta ulit ako sa room namin ngayon. May inutos kasi yung teacher namin.
Ng.. biglang dumaan sina brendan sa harap ko at di ko nalang sila pinansin. Kunwari nalang na di ko sila nakita. May mga kasama syang lalaki.
Ng dadaan ako sakanila, hinaharangan nila ako para di ako makadaan.
Nakatungo ako kaya di ko makita mukha ni brendan.
"Miss. Ano nga pala pangalan mo?" tanong niya.
"Ewan. Umalis ka nga jan at dadaan ako! Letche!" sabi ko
Tapos tumabi na sila at tumakbo na ako.
Tsaka naman siya sumigaw ng, "Ingat ka Ms. Ewan! HAHAHAHA" Tapos tumawa sila ng mga kaibigan niya. Tch. Di nalang ako umimik at daretso nalang sa paglalakad.
Ng pindutin ko na ang elevator, biglang may natapon na, ewan ko kung ano yun! Basta color green! Shet papano nyan ako papasok sa room namin kung ganyan itchura ko.
Kaya nagmadali akong pumunta sa locker ko at kumuha ng pang palit.
Naligo ako at nagbihis ulit ng uniform.
Sino kaya gumawa sakin ng ganun?! Hm. Ah alam ko na kung sino.
---
Lunch na namin. Hindi ko na sinabi sa mga kaibigan ko ang nangyari.
Nasa Gustav Restaurant kami ngayon. Sinadya naming pumunta dito. Sabi ko gusto kong kumain dito ngayon. Pero hindi naman talaga.
"Ayun sina brendan!" sabi ni ivy.
Kaya tumayo agad ako at nilapitan siya.
*pakkkkkk! Sinampal ko siya agad.
Tapos hinawakan niya yung pisngi niyang namumula.
"Sumosobra kana huh mayamang lalaki! Di na makatarungan yang ginagawa mo sakin! Nkakasakit ka na ng tao! Bagay sayo at nasampal ka hahaha you stupid brat!" sabi ko at tumalikod na ako sakanya
Nakatingin naman lahat ng tao sa amin dahil sa ginawa ko. Wala akong pake. Atleast nakaganti narin ako.
Bigla naman niyang hinawakan ang braso ko at iniharap nya ako ulit sakanya.
At.. hinalikan nyako! Fuckkkk gago ba sya?!!
*pak! sinampal ko ulit siya. Tumawa naman siya
"Ang dali mo talagang mapikon ms. ewan." sabi niya
"Tch! Oo gwapo ka oo mayaman ka! Pero wala kang karapatang halikan ako ng basta basta lang! Are you fucking idiot huh?! *boogsh!" pagkatapos kong sinabi yan tsaka ko siya sinipa. Dun sa maselang parte ng katawan niya
Napaupo naman siya sa sakit at hinahawakan niya yung ano niya.
"Hahahaha yan ang bagay sayo. Yan ang ganti ko sa paghahalik mo sakin! Manyak! Manyak!!" tapos niyaya ko ng lumabas sina ivy
Iniwan ko nalang dun si brendan na mangiyak ngiyak na sa sobrang sakit ng pagsipa ko sakanya. Wahaha. Tapos yung mga kaibigan niya sinasamahan syang tumayo.
Papunta kami sa library ngayon dahil medyo maaga pa.
"My gosh sis! Bat mo ginawa kay brendan yun? Grabe ka sis!" sabi ni ivy.
"Gumanti lang ako. Nakakainis na sya e tch."
"Hayyy. Bahala ka sis. Gaganti din nyan yun"
Bahala na. Basta ako lalaban parin. Porket mayaman sya ang yabang yabang na niya! Letche yun!
---
PAKI VOTE GUYS :)
-LJNiiAbra
BINABASA MO ANG
My Sossy Boyfriend (On-Going)
Teen FictionThis is a teen fiction story. "My Sossy Boyfriend" Ito na ata ang pinaka maarte at sosyal na boyfriend na makikilala nyo! :) Pero take note, siya naman ang pinaka gwapo at MAPAGMAHAL sa simpleng babae. :) Basahin nyo guys thankyou :* -LJNiiAbra