Chapter 1

39 18 1
                                    

Baekhyun's POV

Umagang umaga at alas kwatro palang ay nandito na ako sa university.

May pinatay nanaman kasing babae kaya suspended ang klase namin ngayong araw.

Naka suot ako ngayon ng itim na jacket at nakamask din ako ng itim upang walang makakilala sakin.

Narinig kong nag uusap ang mga pulis kanina at namatay pala dahil sa gilit sa leeg yung babae. Natagpuan lang kasi siyang nakabitin patiwarik ng isang utility worker ng university.

Naglalakad daw siya papasok sa janitors room ng maramdaman niyang may pumatak sa noo niya. Tinignan niya ito at isang patak ng dugo ang nakita niya.

Kinakausap siya ngayon ng mga pulis kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na lumapit sa crime scene.

Kapareho ng mga impormasyong nakuha namin, 18 years old palang din ang babae at 3:00 am din siya pinatay. Ang pangalan niya ay Chiselle Jung, half American half Korean.

Tinignan kong mabuti ang crime scene at may nakita akong mga bahid ng dugo sa pader. Hinawakan ko ang patak ng dugo sa sahig at alam ko na agad na sariwa pa ito.

"Ibig sabihin kanina lang siya pinatay" Bulong ko sa sarili ko.

Napatago naman ako sa gilid ng pader ng makita kong papalapit ang isang pulis.

Pumuslit ako palabas ng university at nagmamadaling umalis.

Nakabalik na ako sa condo namin ng partner ko na ginagamit namin bilang headquarters.

Napatingin na lamang ako sakanya habang nililinis niya yung baril niya, napaatras ako bigla ng pabiro niya itong itutok sakin. Fuck! D.O!

"Haha chill" Nakangising sabi niya.

Shit! He scared the hell out of me!

"May pinatay nanaman kanina" Sinabi ko at napalingon naman siya sakin.

"Ah kaya pala ang aga mong umalis, anong meron?" Tanong niya agad sakin.

"Same thing sa mga nauna" Sagot ko sakanya at kumuha ng beer sa mini fridge.

Nilagok ko yun agad at umupo ako sa sofa. Napatingin naman ako kay D.O na nagsusuot ng mask niya at ng gloves. May ibang mission sigurong binigay sakanya.

"Boss wants me to assassinate the criminal RionX, a drug syndicate that targets teen agers in our town"

Napatango nalang ako sa sinabi niya at tinanggal ang jacket na suot suot ko.

"I think you better use sniper rifle if you wanna bang his head directly" Napalingon siya saakin at napangisi siya.

"I'll bring that too" Napatango lang ako sakanya at dumeresto na ako sa loob ng kwarto ko.

I think I should have my real Baekhyun time, not as Nerdy guy Baek So and not as Agent Eun but as a real Byun Baekhyun.

Naligo lang ako ng mabilis at nagpalit na agad ako ng damit. Nasa mood ako ngayon para pumunta sa club.

Hindi ko na tinignan sa salamin ang itsura ko kasi alam ko naman na agad na gwapo ako.

Nasa labas na ako ng bar at naririnig ko na yung mga boses ng mga babae na kinikilig at kulang nalang hatakin na ako dahil sa presensya ko. Masyado na ata akong gwapo tsk!

Pumasok na ako sa loob at nag tungong VIP area dahil dun lagi kami tumatambay ng mga barkada ko.

"Baekhyun!" Bati agad sakin ni Xiumin na abala sa pambabae. Natawa nalang ako kasi hindi parin pala siya nagbabago, malandi parin siya.

"Bro" Bati ko sakanila at nakipag peace bomb sakanila.

Kumuha naman ako ng brandy at inimon yun agad. Lumapit din sakin yung isang babae at nag umpisang sumayaw sa harapan ko.

Naiirita lang akong nakatingin sakanya, ewan ko ba pero hindi ko gusto yung mga ganitong klaseng babae.

"Stop" Kalmadong sabi ko sakanya at huminto naman siya agad.

Akala ko aalis na siya pero nagkakamili pala ako, she walk towards me and started kissing me.

Nag init ang dugo ko sa inis, hindi ko talaga gusto yung mga ganitong bagay.

Tunulak ko siya palayo at kitang-kita ko naman sa itsura niya ang inis. Inirapan niya ako tapos umalis na siya.

I rolled my eyes watching her leave, she should, I don't like her.

"Hanggang ngayon ba naman ayaw mo parin sa chicks, ang ganda nun ah" Pabirong sabi sakin ni Chen, babaero rin katulad ni Xiumin. Kaya close na close silang dalawa eh.

"She's disgusting" Mahinang sabi ko and I took a shot of my brandy again.

He laughed at me while shaking his head. Tinapik niya ang braso ko at lumapit na siya dun sa babaeng napaikli ng suot, kulang nalang magpakita ng kaluluwa.

Naramdaman ko naman na hindi ako nag eenjoy dito, kulang kasi kami. Wala dito si Chanyeol at si Kai pati narin yung iba.

Nag decide ako na umalis na kaya bumaba na ako sa first floor ng bar.

Naglalakad na ako palabas ng may mabangga akong babae, tinignan ko yung mukha niya at siya nanaman yung babaeng nabangga ko sa school. Hanggang dito ba naman?

Hindi ko nalang ulit siya pinansin at nagpatuloy na akong lumabas ng bar.

Sumakay naman na ako sa Ferrari Portofino ko at pinatakbo ko na ito pauwi sa condo.

This day is such a boring day...

Song Shin Hwa's POV

May bwisit na lalaking nakabangga sakin kanina. Is he a blind? Gwapo siya pero bulag naman. Tsk!

I remembered the nerd guy last time, parehong-pareho sila. Bumping into someone without even apologizing. Bastos!

"Shiwa!" Napalingon ako sa tumawag ng nickname ko at nakita ko na siya agad. My best friend Ha Ni

"Hani!" I called her name loud at niyakap ko siya ng mahigpit.

Dumeretso na kami sa VIP area, gusto ko kasing makita ngayon yung boyfriend ko kasi ilang araw narin kaming hindi nagkikita.

Hindi ko siya mahanap kaya niyaya ko nalang si Hani sa dance floor. Siguro maya-maya andito na yun...

Nag umpisa na kaming uminom at sumayaw at may nahagip ang mga mata ko na pamilyar na pamilyar, walang hiya siya!

Sinugod ko agad siya, ang kapal ng mukha niyang lokohin ako! Ako lang naman ang School's Beauty ng Campus namin! Walang hiya ka Xiumin!

Hinablot ko agad yung buhok nung malanding babae at sinabunutan ko agad. Walang hiya! Kakalbuhin ko siya eh!

"Shiwa! Stop!"

Inaawat ako ng walang hiyang Xiumin na to pero wala akong pake. Bwisit sila eh!

"Aray! Aray!" Sigaw nung babae habang sinasabunutan ko siya. Ano? Masakit ba?

Tinulak ko siya at napaupo siya sa sahig. Hinarap ko naman agad si Xiumin at sinampal ko siya.

"Shiwa, I'm sorry" Sinubukan niya akong hawakan pero sinampal ko ulit siya.

Ang kapal kapal ng mukha niya para gawin sakin to!

"Sorry mo your face!" Sigaw ko sakanya at pinusanan ko ang luha ko bago ako mag walk out.

Nakakainis! Mahuhuli ko na ngang nakikipag landian sa panget pa! Oo, maganda yung katawan niya pero hipon naman.

Umupo ako sa bench ng park at hinayaan ko lang ang sarili kong umiyak. Bwisit!

Napaangat ako ng ulo ng may nakalahad saking kamay na may hawak na panyo.

Nakita ko ulit siya, si nerdy boy...



LOS #1 Nerd in Disguise||Exo Baekhyun fanficWhere stories live. Discover now