<><><><>
"Zath! Bangon na aba!" agad-agad kong minulat ang mata ko nang marinig ang pag tawag ng kapatid kong depungal.
"Ang haba na ng tulo----"
"Eto na gising na! Babangon na nga eh!" putol ko sa sasabihin niya,napaka-ingay!
"Tsk! Bumaba ka na daw sabi ni mama. Tanghali na oh,kakain na tayo."
Lumabas na siya sa kwarto ko. Ewan ko nga kung pano yun naka pasok eh ni-lock ko naman yung pinto.
Pipikit pa sana ako nang tinawag na naman niya ako.
"Zatheena Marie L. Gozon!" tawag niya sa buong pangalan ko.
"OO NA NGA EH!" kahit labag sa loob ko, bumangon na ako at nag-ayos saglit.
Bumaba na din ako kaagad pagkatapos kong mag-ayos. Nakaka-badtrip! Gusto ko pang matulog. Bakit kasi kailangan pa akong sumabay sa pag-kain nila. Parang di sila makaka-kain pagka wala ako.
"Bakit naka busangot ka diyan?" tanong ng epal kong ate.
"Ikaw kaya gisingin habang natutulog ka nang napaka himbing!" halos pasigaw kong sagot.
"Bat ka galet?" halos pasigaw din niyang tanong. Well wala namang bago sa gantong mga eksena.
"Oh tama na yan, tama na yan. Kumain nalang kayo diyan ng tahimik." suway samin ni mama.I'm truly blessed to have a happy family. Even though we...we... Basta kahit iniwan na kami ni papa. Ay pak! May pa-english ang ate niyong maganda.
"Para kang timang." eto na naman ang kapatid kong epal.
"Huh? Baket ba?" tanong ko na ikinatawa niya.
Ang galing! Mukha siyang masayang bakulaw!
"Ppfftt...Pano ba naman ngingiti-ngiti ka diyan. Kung ano-ano nanaman pinagi-iisip mo. Baka naman mga prince charming yang pinapantasya mo. FYI.... Prince charming doesn't exist. At hindi ka rin princess para magkaroon non."
Naka-kain nanaman yata siya ng ampalaya. Ang aga-aga ang bitter nanaman niya. Palibhasa lahat sila iniwan ng mga minahal nilang boyzz.
"Bitter ka lang eh." halos pabulong kong sabi pero narinig parin nila.
"Anong bitter? Im just stating
the truth." sinabayan pa ng isa ko pang ate. Bali bunso ako huehue."Palibhasa kasi iniwan kayo ng mga naging boypren niyo kaya napaka bitter niyo." sinasabi ko lang din naman ang totoo eh.
YOU ARE READING
For The Meantime
Novela JuvenilPeople come and people go. Pero what if yung nawala sayo ay taong minahal mo nang sobra. Join Zatheena Marie F. Gozon through her most adventurous journey of her life. For The Meantime 2019