A/N: Hi guys! Kamusta ho ang lahat? Thank you po sa prayers kasi magaling na ho ako. Lablab. Happy 28,800 nga pala! Malapit na tayong mag- 29,000! Na-eexcite na si ako.
------------------------------------------------------Giada
Naipanalo ko 'yung kasong hawak ko kaya magluluto ako ng tinolang manok. 'Yung tanging kaso na lang na naka-binbin sa akin ay 'yung kina Madeline at Jacob. I said it wrong by the way, kasi hindi naman pala kaso 'yung sa kanila but annulment. Wala pa rin kasing divorce sa Philippines kaya pahirapan pa bago ka makipag-hiwalay sa dati mong asawa. Gusto ko nga na ipahawak ko na lang sa iba 'yung kaso para ibang kaso na lang ang pagtuunan ko ng pansin kaso gusto ni Jacob na ako daw ang humawak. Hindi kami close ni Jacob ha. Magkaibigan kasi sila ng kuya ko kaya no choice ako. Kung ako lang hindi ko tutulungan 'yung mayabang na 'yun. Buti na lang at annulment lang kasi kung ibang kaso 'yan baka ako pa mismo ang tumestigo laban sa kanya.
Anyways, pupunta ako ng palengke ngayon kasi mas fresh ang mga gulay doon. Hindi ko rin dadalhin ang kotse ko kasi magko-commute ako ngayon. Niyaya ko rin si West na samahan niya akong mamalengke and guess what!!! HE'S COMING WITH MEEEE!!!!!!!!!!! Ang saya ko diba? HAHAHAHA. Hindi naman obvious na gustung-gusto kong kasama siya. Char.
Hinihintay ko lang siya sa labas ng law firm namin at 10 minutes na siyang late. Sabi ko kasi dapat by around 5:30 P.M ay nandito na siya kaso almost 6 PM na at wala pa rin.
Baka imbes na fresh ay lanta na ang mga gulay na maaabutan namin. I know dapat umaga namamalengke kaso ngayon lang naging free ang lola niyo eh.Konting antay-antay pa, beshy.
"Love, sorry at pinaghintay kita..." nagulat ako nang makita kong tadtad ng pawis si West
"Huy, okay ka lang? Ano bang nangyari sa'yo?" agad ko siyang nilapitan at pinunasan ang kanyang pawis
"Traffic kasi kaya tinakbo ko na lang. Ayoko kasing pinaghihintay ka..." sabi niya na ikinagalak ng puso ko
"Okay lang naman noh. Kawawa ka tuloy..." sabi ko habang pinupunasan siya
"Mas nakakaawa ako kung mawawala ka sa akin..." bumanat pa talaga siya
"Baliw! Tadyakan kita diyan eh!" sabi ko sabay hampas sa balikat niya
"Pero kinilig ka diba?" umakbay pa talaga sa akin
"Hindi ako kinilig noh..." tanggi ko
"Talaga ba? Kiss mo nga ako kung hindi ka kinilig...." sabi niya pa sabay lapit ng mukha niya sa akin
"Oo na nga. Ang kulit mo talaga!" napilitan akong umamin at siya naman ang napangiti
"That's my love. I love you!" sabi niya pa sabay kindat sa akin
"Tara na kasi baka gabihin pa tayo..." sabi ko at inayos ko lang ng slight ang nagulo niyang buhok
"Ang sweet talaga ng girlfriend ko. Bantayan mo ako mamaya ha kasi baka mahuli ako. Nanghuhuli daw kasi ng pogi ngayon eh..." nagbiro pa si West sabay pa-cute
"Ewan ko sa'yo..." sabi ko sa kanya kahit deep inside ay kinikilig ako na nandito siya
------------------------------------------------------
Skgaer
Sinamahan ko si Mommy sa Paso Market kasi bibili daw siya ng galunggong, dilis, bilo-bilo, at 'nung isdang kulay pink, basta nakalimutan ko kasi 'yung pangalan eh. I'm not a fish person pero si Mommy mahilig sa ginataang isda eh tapos 'yung dilis sinasawsaw niya sa suka. Never pa akong nakatikim ng dilis at tinapa. As in 'ni amoy sa mga ito ay hindi ko kaya kasi nababahuan talaga ako. Hindi naman dahil sosyal ako ah kaya ayaw ko ng amoy ng tinapa at dilis pero ang baho talaga eh, kasing baho ng kili-kili ni Trevor. Joke! Baka magalit si engineer!
"Anak, diba si Giada 'yun? Bakit magkasama sila ni West? Magkakilala pala sila?" biglang tanong ni Mommy sabay turo sa kinaroroonan nila Giada
"Sila nga po at nahuli po kayo sa balita kasi they're already dating..." sabi ko kay Mommy at halatang nagulat siya sa sinabi ko
"What? Akala ko ba kayo ni Giada?" tanong niya at napakamot na lang ako sa batok
"We're just friends, Mom. She's nice but I thought she wasn't my type..." sabat ko at agad na na-gets ni Mommy ang gusto kong iparating sa kanya
"Bakit kasi hindi mo niligawan?" tanong pa ni Mommy at napapaisip na talaga ako kung nanay ko ba talaga siya o talkshow host siya HAHAHAHAHAHA
"Mom, hindi ko pa na-realize na pupwede pala kami. Akala ko kasi hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kanya..." sabat ko at papalapit na nang papalapit sina Giada sa amin
"It's okay, son. Masaya naman siya ngayon eh. Look at her..." napatingin ako kina Giada at West and they are indeed happy
"Oo nga, Mom. Tayo na lang ang magka-date ngayon..." sabi ko kay Mommy sabay akbay sa kanya
------------------------------------------------------
Jacob
Sige lang Skgaer. Ang saya mo ngayon ah? Paano na lang kaya kung may biglang bumalik sa buhay mo...magagawa mo pa kayang ngumiti kagaya niyan? Kawawa ka naman. Tsk.
------------------------------------------------------
A/N: May mga bombang parating. Abangan ang susunod na kabanata, guys.
5/28/19
4:31 P.M.
![](https://img.wattpad.com/cover/177193043-288-k891462.jpg)
BINABASA MO ANG
The Bed Beast (COMPLETED)
RomanceAminado ang playboy na si Skgaer Quiveroz na hindi siya nagseseryoso sa isang relasyon. Ang habol niya lang ay panandaliang aliw upang makalimot sa responsibilidad na ipapamana ng ama niyang may-ari ng Quiveroz Shipping and Construction Company o QS...