A/N: Hi guys! Two days rin ang lumipas since my very last update kaya magsusulat ako ngayon. Sorry nga pala kung super short yung previous chapter. Please voteeee!
------------------------------------------------------Skgaer
Sobra akong na-badtrip 'nung nakita ko si Jacob at Madeline. I do like Madeline but seeing her with my freaking-no-good cousin makes my blood boil. Kumulo 'yung dugo ko sa pagmumukha ng asungot na 'yun. Diyan siya laging magaling eh....'yung mang-badtrip ng tao. Nakakainis na. Pagkatapos namin sa The Sexy Edit ay pumunta ako sa isang flower shop kasi gusto ko lang bilhan ng bouquet si Mommy. Wala namang ganap today, hindi Valentine's or Mother's Day. 'Yun kasi lagi eh, kapag may pa-flowers may okasyon agad. Hindi ba pwedeng ipadama natin sa mga nanay natin kung gaano sila ka halaga araw-araw?
Kaya nandito ako ngayon sa The Floral Queen para bumili ng bulaklak. Mahilig si Mommy sa marigold kaya yun ang bibilhin ko. Sakto namang nasa Russia si Dad para sa isang business trip kaya malaya akong makakapunta sa amin for the whole week.
"Hi po, Sir. How can I help you?" lumapit sa akin ang isang babae
"Hello. Can I have a bouquet of marigold please?" sabi ko sabay turo sa mga marigolds
"Sure po pero okay lang po ba na balikan niyo na lang after 30 minutes?" tanong ng babae at tumango ako agad
"Okay lang. Thank you..." sabi ko at kakain na lang muna ako sa katabing pizza house, pampalipas oras ba
Akmang lalabas na sana ako nang bigla kong makita ang isang pamilyar na mukha.
"Giada?" Alam kong siya 'to. Sana siya nga. Hindi pa ako napapahiya sa buong buhay ko. *fingers crossed*
"Uyyy! Long time no see ah. Dito pa talaga tayo nagkita..." sabi ni Giada and thank goodness it's her
Akala ko mapapahiya na ako eh. Lol
"Oo nga eh. What a small word. Kamusta ka na?" at sa tapat pa talaga kami ng pinto nag-usap kung saan marami ang pumapasok sa flower shop
"Labas muna tayo. Ang ingay na natin eh..." sabi ni Giada sabay hila sa akin palabas
"Hindi ka pa rin nagbabago. Mahilig ka pa ring manghila ng tao kung saan-saan..." biro ko at tumawa naman siya
"Baliw. So, kamusta ka na? Anong ginagawa mo 'dun? Para sa girlfriend mo 'yung flowers noh?" sunud-sunod niyang tanong kaya hindi man lang ako makasingit
"Tapos ka na ba sa non-stop questions mo? Well, okay naman ako. Gwapo pa rin at umuusok yung hotness..." sabi ko ulit at tumawa na naman siya
"Ang feeler mo pa rin talaga, Quiveroz. Saludo ako sayo..." sabi niya sabay gulo ng buhok ko
"Whew. Hanggang ngayon hindi mo pa rin ako tinatawag sa pangalan ko. I have a name, by the way..." sabi ko
"Alam mo may pizza house sa tabi nito. Ililibre mo ako diba? Tara na..." at nauna na siyang naglakad papunta sa katabing pizza house
Classmate ko si Giada 'nung college. Political Science din siya and guess what? She's a lawyer. Hindi lang halata kasi sobrang simple ng babaeng 'to. Kahit dalhin mo 'to sa lugawan sa kanto okay lang sa kanya. We are actually great friends kaso due to work, hindi na kami nakakapag-catch up pa.
"Ang bagal mo namang maglakad. Pagong ka ba dati?" sabi ni Giada at hindi ko kasalanan na mabilis talaga siyang maglakad. Lol.
"Oo at ikaw naman owl..." sabi ko at ngumisi siya
Malaki kasi ang mga mata niya pero maganda. Very soulful. She's gorgeous as hell at bulag lang ang hindi makakakita ng ganda niya both on the inside and outside.
"So?" agad niyang tanong the moment na nakahanap kami ng pwe-pwestuhan.
"Anong so?" tanong ko kasi 'di ko gets
"Sinong girlfriend mo, Quiveroz?" tanong niya ulit at grabe talaga 'tong babae na 'to
"Ikaw ba, sinong boyfriend mo?" tanong ko pabalik sa kanya
"Order na lang tayo. Nakakagutom na eh..." sabi niya at halatang ayaw sagutin ang tanong ko
----------------------------------------------------
Giada
I don't know how I'm feeling right now. I can't believe that he is right in front of me. Feeling ko nanginginig ang mga tuhod ko. Sa dinami-dami ba naman ng araw na pwede kaming magkita, ngayon pa talaga na sobrang haggard ko? Lupa, kainin mo na ako!!!! Tsk.
"You okay?" tanong ni Quiveroz sa akin nang mapansin niyang parang hindi ako mapakali
"Oo naman. Ako pa ba? Si Captain America kaya ako na female version..." sagot ko kahit na parang maiihi na ako sa kilig
"Oo nga naman. Lahat naman kaya mo eh..." sabi niya pa
Grabeeeeeee. Ang gwapo pa rin niya.
"You're blushing..." sabi niya sabay turo sa magkabila kong pisngi
"Hindi noh. Nauutot lang ako..." sagot ko at humagalpak siya ng tawa
"Kaya pala ang baho dito eh..." sabi niya at hindi naman nakakaasar....
Nakaka-inlove lang. HAHAHAHAHA!
------------------------------------------------------
A/N: At sa wakas nakapag-update din. Whew. Kamusta kayo?3/9/19
12:12 AM.Ps. Happy Birthday, BTS's Sugaaaaa!
BINABASA MO ANG
The Bed Beast (COMPLETED)
RomansaAminado ang playboy na si Skgaer Quiveroz na hindi siya nagseseryoso sa isang relasyon. Ang habol niya lang ay panandaliang aliw upang makalimot sa responsibilidad na ipapamana ng ama niyang may-ari ng Quiveroz Shipping and Construction Company o QS...