Still You

9 1 1
                                    

It's my first day in college. Eto ako ngayon naglalakad sa hallway papunta sa room namin, malaki rin pala tong PUP jusko halos maligaw na ako.

Sa wakas nakarating rin ako sa room namin. Iba-ibang muka ang nakikita ko. Miss ko na tuloy yung lima kong kaibigan nung highschool, kamusta na kaya sila hays.

Naghanap agad ako ng bakanteng upuan buti nalang meron sa bandang gitna at ilang minuto lang dumating na rin ang prof namin.

Abala ako sa pag-aayos ng gamit ko Ni hindi ko na pinapakinggan mga sinasabi ni sir. Nakakatamad lang kasi ang sakit pa ng ulo ko.

"Good morning sir, sorry I'm late." an unknown voice said.
"First day na first day may late, may I know your surname?"
"Andrada sir, sorry again"
"Okay Mr. Andrada, you can sit beside Ms. Ramos since it's the only vacant" our prof said.
"Okay sir, Thank you"

Andrada.. Andrada.. sounds familiar huh parang surname ng isang ungas, charot.

"Hi?" biglang sabi ng katabi ko.
Nakatungo lang ako kase ang sama talaga ng pakiramdam ko.
"Pst huy? " nangungulbit pa ang loko.
"Hey? Ms. Angel Ramos right?"
"Hey how did you know----"
Teka bat alam nya buong pangalan ko?!
Sa pag-angat ko ng tingin sa lalaking nasa tabi ko,
Bumalik lahat ng alaalang binaon ko na sa limot..
Lawrence Andrada...

"HOY ANGEL ano di ka pa gigising ha? first day mo sa college diba?!"

Ginising ako ng boses ng nanay ko na daig pa nakamikropono
Naputol ang panaginip kong akala ko'y totoo
Walang pinagbago,
Gabi-gabing ganito
Ikaw at ikaw pa rin ang laman ng isip at puso
Tatlong taon na ang nakaraan
Mula ng ikaw ay lumisan
Pero di pa rin kita nakakalimutan..

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now