Chapter 1

4 0 0
                                    

Habang sumasakay kami sa aming sasakyan, bigla akong napatitig sa notebook na bitbit ko.

Mary Bless Quiño

Ito ang nakasulat sa harapan ng notebook ko and that is me. Iniisip ko ngayon kung bakit ba ang tagal matapos ng klase? Ba't mas matagal pa kaya matapos yung klase kesa sa summer? Hay, nakakapagod na talaga mag aral pero kailangan.

"Blessy, andito na tayo." Napalingon ako sa Uncle ko, siya yung nag da-drive ng sasakyan namin. May sakit kasi si Daddy at nahihirapan na siya mag drive, ayaw na rin namin siya maabala at gusto namin siyang magpahinga kaya ganito yung set up namin.

"Sige Tay, papasok na po ako, mag ingat ka po pa uwi." Sabi ko kay Tatay Andrew, yung Uncle ko.

Pumasok na ako sa eskwelahan namin at naglakad papunta sa room namin.

It's March 03, 2018. Actually tapos na talaga yung klase namin, kaso kailangan pa bumalik dito sa school para sa Election of New Officers for the next school year at yung clearance rin namin. Nakakairita na talaga, pero wala akong magawa eh, maraming tao ang umaasa sa akin kaya kailangan kong tiisin to.

"Oh? Nakasimangot ka na naman." Bungad sa akin ng isa kong best friend na si Jeremy Colwyn. Napa-irap ako sa sinabi niya.

"Lol, masho-shock kapa jan Jem? Palagi naman yang nakasimangot sa umaga," Sabi naman ng isa ko pang best friend na si Dominic Dane San Diego at kinurot ang pisngi ko.

"Tigil tigilan niyo ako kung ayaw niyong mag beast mode ako," medyo naiinis na sagot ko sa kanila at inilayo ang kamay ni Dan sa mukha ko. Pagkatapos ay inilagay ko ang aking bag sa upuan.

"So, ano na? Anong plano niyo this summer?" Tanong ni Jem sa amin.

"Swimming siguro kami kasama yung mga kapatid ko, hindi pa ako sure, busy rin kasi yung mga kapatid ko sa clearance nila at iba pa. Ikaw Bless?" Sabi naman ni Dan.

"Ewan ko rin, for sure di na naman kami aalis sa bahay dahil 'Mainit' daw." Ganyan naman palagi eh, hinding hindi ko makukuha ang mga bagay na magpapasaya sa akin hanggat hindi ako makakapagtapos.

"May oras pa naman tayo para sa isa't isa diba?" tanong ko sa at palipat lipat na tumingin kay Dan at Jem.

Lumapit silang dalawa sa akin at yinakap ako.

"Of course Bless, of course." Sagot ni Dan.

"Di na kailangang itanong Bless." Dagdag ni Jem.

Napangiti ako sa dalawa kong best friend. Lalaki silang dalawa, but I never felt like an outcast when I'm with them. I really love these two and the thought of not being able to contact them for two months scares me.

"San ba kayo mag aaral? Mag Se-senior High na tayo. Dito pa rin ba kayo sa Ladivino Academy? Loyal?" Pagbibiro ko sa kanila.

"Nah, lilipat na talaga ako, dun ako sa Creighton University sa Banilad." sabi ni Dan.

"Parang dun rin ako sabi ni Mommy." sabi ni Jem. 

"Hay, ako ang pala ang ma i-iba sa inyo. Sa Anacletus Univ ako eh, yung school for doctors." malungkot na pagsabi ko.

"Malapit lang naman yan Bless, jusko, magkikita parin tayo anytime." The two of them made sure that we will still have to time for each other. Well, they tried to. 

I'm sorry, I fellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon