Chapter 2

3 0 0
                                    

"SABI MO HINDI TAYO MAGKAKAHIWALAY? ANO TO?!"

"Blessy, I'm sorry, desisyon ni Mommy na umuwi kami sa Bicol, I can't do anything about that." Jem tried to explain.

"BUT YOU PROMISED, HOW CAN YOU LET THIS HAPPEN?!" Sigaw ko kay Jem.

"CALM DOWN BLESSY! STOP ACTING LIKE A SPOILED BRAT! THAT'S NOT OUR DECISION! WE CAN'T DO ANYTHING ABOUT JEM LEAVING CEBU AND YOU HAVE TO ACCEPT THAT!" For the first time, Dan snapped. Di ko na naintindihan yung nararamdaman ko kaya tumakbo ako pauwi. Fuck them, Fuck their promises.

Pagdating ko sa bahay, pinunasan ko muna yung mukha ko, ayaw kong makita ako ng pamilya ko na ganito. Hindi naman kasi talaga ako nagshe-share sa kanila tungkol sa mga ganitong pangyayari sa buhay ko.

"Dad, Tita. I'm home." Sabi ko kay Daddy at kay Tita Summer. Tita Sum is my step mother. Three years ago, my mom died because of cancer. 

"Lumapit ka nga dito Bless, may pag uusapan tayo." Sabi ni Daddy. Lumapit rin ako at umupo sa kabilang sofa.

"So I'm sure na narinig mo na yung nangyari sa pinsan mo na si Mae. Pinaaral lang dun sa Anacletus nag po-post post na nung bidyo na kahalikan niya yung boypren niya, jusko." Sabi ni Daddy.

"Narinig ko na po yan Daddy, bakit po?" Tanong ko. Bakit kaya namin pinag-uusapan to.

"Para iwas temptasyon. We decided na dito ka nalang muna sa BA mag Sesenior High School. College ka nalang dun." Napatigil ako sa sinabi ni Tita. 

What the hell? Nasira na lahat ng plano ko, yung pagdodorm ko, yung pag alis ko sa impyernong ito, wala na. WALA NA!

"U-um, sige po Daddy, kung ano po ang makakapagpasaya sayo." Mapait na ngumiti ako sa aking ama.

"Hay, mabuti na nga at mabait itong Blessy natin. Sige, magbihis kana, kakain na tayo mamaya." Sabi ni Daddy. Tumango nalang ako ato pumunta sa kwarto ko.

Pag higa ko sa kama ko, nagsitulo na yung mga luhang kanina ko pa pinipigilan. What a long day for you Bless.

"Bless! Gumising ka na! Jusko! Tulog ka nalang ng tulog kahit saan" Nagising ako dahil sa malakas na boses ni Katerina. Nandito kami sa cafeteria ngayon, nakatulog ako habang nag uusap sila ni Faith. 

Inayos ko ang sarili ko at tumingin sa dalawa kong kaibigan.

"Hm? Uuwi naba tayo?" Tanong ko sa kanila.

"Girl, Nandon sina Izaiah sa room, ayaw mo ba puntahan?" Sabi naman ni Faith. Napatayo agad ako sa sinabi niya at inayos na rin ang gamit ko. 

"Let's go" Napatawa naman ang dalawa sa sinabi ko kaya inirapan ko lang sila. Okay, so Izaiah is my seatmate at crush ko rin siya. He's such a good person at sobrang talino pa. Ngayong school year ko lang siya nakilala pero parang ang tagal na naming nagkakilala dahil sa pagkadaldal naming dalawa. 

Pagdating namin sa room ay naabutan namin si Izaiah kasama ang mga kaibigan niya na nag aayos ng gamit nila.

"Tapos na ba meeting niyo?" Napalingon silang tatlo dahil sa pabigla-biglang pag salita ko.

"Uy, Blessy" Sabi ni Izaiah sabay ngiti. Ngumiti rin ako, nakakahawa kasi yung ngiti niya.

"Yup tapos na, uuwi na kami, gusto niyo bang sumabay?" Tanong ni Izaiah at lumingon sa mga kaibigan kong nakangiti sa likod ko.

"Sure! Why not?" Sabi naman ni Faith. I'm happy na sobrang supportive ng friends ko when it comes to my crush.

Nag uusap lang kami tungkol sa mga last school work namin at iba pa habang nag lalakad papunta sa waiting shed.

"Um, teka lang ha," sabi ni Izaiah sa gitna ng pag uusap namin at lumayo sa amin. Sinundan namin siya ng tingin habang ang dalawang kaibigan ni Izaiah ay tinutukso siya. Ano kayang meron?

Nakita kong lumapit si Izaiah sa isang magandang babae. Wait, I know that girl, si Janine yan. Dito siya nag aaral before at madalas ko silang nakikita na magkasama sa campus noon.

"Magka ano ano ba sila Ben?" Tanong ni Faith sa isang kaibigan ni Izaiah na si Ben.

"HAHAHAHA, hindi niyo pala alam? Matagal nang may gusto si Izaiah kay Janine pero pinag babawalan silang dalawa ng mga magulang nila eh kaya iniiwasan nila yung isa't isa." 

Napalunok ako sa balitang narinig ko. May gusto? Ba't hindi naikwento ni Izaiah sa akin to? Ba't hindi ko alam to? Ganito ba talaga ako ka tanga? Blessy, eto na naman tayo.

"Ay naalala ko na may lakad pa pala kami, mauna nalang kami sa inyo ha. Pakisabi na rin kay Izaiah, salamat." Sabi ni Kat at hinila ako palayo.

Tahimik lang kaming tatlo habang sumasakay kami ng jeep pauwi. Hindi sila nagsalita na para bang natatakot sila na masaktan ako kapag may sasabihin sila.

Pagdating ko sa bahay ay dumeretso na rin ako sa kwarto ko para mailabas ang sakit na nararamdaman ko. Nag facebook ako at tinitingnan kung anong laman ng news feed ko. Maya-maya ay may nakita akong post.

Yung feeling na ang hinihintay mo, may hinihintay rin palang iba.

Shinare ko yun dahil natamaan talaga ako. Nagpatuloy ako sa pag scroll sa newsfeed ko nang biglang tumunog yung phone ko.

Dominic Dane San Diego commented on your status.

Nanlamig ako ng bigla kong makita yung pangalan niya. It's been a year at hindi na kami nakapagusap ulit simula nung nangyari yun. Binuksan ko nalang iyon at binasa yung comment niya.

Dominic Dane San Diego: Wag na kasing umasa pag alam mong wala nang pag-asa, masasaktan ka lang.

Hindi ko alam pero napangiti ako sa comment niya, I can almost hear it. Then I decided to reply.

Blessy Quiño: Makapagsalita, parang may girlfriend.

Mayamaya ay tumunog ulit yung phone ko.

Dominic Dane San Diego: Lol, meron kaya.

WHAT? MAY JOWA NA TONG TARANTADONG TO?

Blessy Quiño: Haha, funny, nice joke.

Dominic Dane San Diego: pm

Napatigil ako sandali sa reply niya. Gusto niyang mag chat kami? Itinabi ko muna yung pride ko at nag simulang mag type ng message para sa kanya

Blessy: Sinungaling gago 

Dominic: Ako? Sure ka ba?

Blessy:  Hindi kapani paniwala

Dominic: May girlfriend nga ako! 

Dominic: Pero ako nga lang ang nakakaalam na may relasyon kami.

Napatawa ako dahil sa huling mensahe niya. Gago parin talaga tong lalakeng to.

Blessy: See?

Dominic: Ikaw? Sino yun?

Wala naman sigurong mawawala sa akin kung sasabihin ko sa kanya. Hindi na rin naman ako nakaramdam ng galit sa kanya. Sa totoo lang, namimiss ko nga sila eh.

Blessy: Si Izaiah

Dominic: That smart guy?

Blessy: Yup

Marami pa kaming pinag usapan pero at  hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 11, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm sorry, I fellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon