Kate's POV
Pagkatapos naming kumain ni Mit (Mitasha) tumuloy na ako sa susunod Kong subject Mathematics. Pagkapasok ko wala pa palang Tao mukhang napa aga ako ah
Announcement students classes are suspended due to school lockdown please hurriedly proceed to the Resident Assistant and ask for your dorm room. Thank you!
Shet! School lockdown?! Bakit?! Ugh fine Dali Dali akong tumakbo at nagtanong sa dorm room ko
"Katelyn Carnovia Room 192"
Sambit ng Resident Assistant sakin at tumakbo na ako papunta sa dorm roomStudents please hurry the complete school lockdown will be in 50 seconds
Peste!!! Kate takboooo!!!!
50...49...48...47...46...45...44...43...42...41...40...39...38...37...36...
Hayst buti na lang umabot na ako sa room 192, kumatok ako at binuksan naman ito nang isang babae na may mahabang asul na buhok
"Ikaw ba si Katelyn Carnovia?" Tanong niya sakin
"Ah, oo Kate na lang for short" tumango lang siya at tuluyan na akong pumasok at nakita Kong may limang kama at sa isang kama na Yun ay si... Mit!
"Miiiitttt!!!!" Sigaw ko sa kaniya nakonsensiya naman ako nang mukhang naalimpungatan siya
"Kita mong natutulog yung Tao bes eh!"
"Ay hehe sorry naman mit"
Inilagay ko na sa kama ang akong mga gamit
"So since bago ka dito ipapakilala kita sa roommates ko bes!"
"Itong lalake na may itim na buhok siya si Rexord pinsan ko at yang isang yan na ubod ng puti at medyo brown yung buhok si Kevin yan bestfriend ni Young Master"
"Ok" inaantok Kong sambit
"Bes tulog kana mukhang inaantok ka na eh"
Humiga na ako sa kama at tuluyang nakatulog isang kakaibang panaginip ang aking nasaksihan
Mhiera! Kailangan na natin umalis bago pa mahuli ang lahat! Wala pa tayong laban sa kanila dahil hindi pa ganyan karami ang gang natin! Sambit ng isang babae na hindi ko masyadong maaninag ang mukha ngunit ang boses niya parang boses ni Selena!Yung co leader ng AGB hindi ko alam pero sa aking panag Inip may bigla akong isinambit
Hindi pwede umuna kana iligtas mo sila tungkulin ko to bilang leader! Ako na lang ang magpapa pain sa kanila!
Pero Mhiera!
Sige na! Wala na tayong oras bilis!
Mhiera Mahal na Mahal kita huling sambit ng babae sakin bago tuluyang tumakbo at naramdaman ko na lang na may isang napakabigat na bagay na tumama sa aking ulo at dun ako nagising!
Napatingin ako sa orasan at nakita ko duon 11:27 haba ng tulog ko ah? Pero bakit ako tinawag na Mhiera sa panag inip ko?! Sino ba talaga si Mhiera at palagi nila akong nakakapagkamalan bilang siya! Tumayo na lang ako at kumuha ng tubig na maiinom pero nabitawan ko bigla ang baso nung may narinig akong tatlong malalakas na putok ng baril! Hindi ko alam pero nagtataka ako kung ano Yun kaya dahan dahan kung binuksan ang pinto...
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Hehez bitin ba? Sorry for the short update busy eh bawi ako next time 😍
BINABASA MO ANG
PHILIPPINE HELL UNIVERSITY (Unofficial BOOK 3)
Mystery / ThrillerThe story where the Philippine High University was once again announced as HELL UNIVERSITY •With new set of characters(surprising new characters) •A secret that you never know in the Hell University and Chasing Hell Warning:This is my own creation...