Prologue

61 9 18
                                    

—Prologue—

They say; after every storm is a rainbow awaiting to be seen.

It's been six months since we have been held captive in this island. Higit isang libo kaming mga alipin dito.

I am First Lieutenant Leonora Ezarah Gotrimetry from the Philippine Navy team. Me and my comrades sat sail on the Northern part of the Philippines heading to Basilan Island when we were hijacked.

I didn't have the chance to fight back because our captain was being held as prisoner by Juagadato 'Alias Griva' Muzma. Since the time we got hijacked I had already planned in my mind by watching their movements. Learning their methods and anything else that would help.

Also I've been sending information to the communications team of the Philippine military via Morse code.

Tonight I will move as planned. I will rescue all that I can. For the terrorist? Leave no survivor.

I gathered all my stuff. It's already 17:51 military time. Nine more minutes and the bloody battle begins.

Unti-unti akong umakyat sa isang niyog na puno. Naghihintay akop ng target na babarilin. Gumagamit ako ng silencer upang huwag makagawa ng ingay. Bloody night babe.

Isa-isa kong binaril ang mga dumadaan lalo na ung may mga kasama. Nung nasiguro ko ng wala nang pupunta sa direksyong ito ay agad na akong bumaba at isa-isang binuhat ang mga bangkay at nilagay sa isang tent na nasa malapit lang.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagbubuhat sa huling bangkay nung biglaan kong nakita na may paparating.

"Shit!" I cussed and I had no choice but to hide in the bushes.

Isang grupo itong dadaan kaya natitiyak ko na mahihirapan ako dito.

"Nakatulog na naman si Imil"

"Tangina bagsak na bagsak ah"

"HAHAHA oo nga. Hindi man lang umabot sa bahay niya!"

Nangririndi ako sa boses nila kaya naman ay agad akong pumwesto dahil nasa unahan ko na sila.

Dalawang baril na ang hawak ko ngayon kaya naman ay tig da-dalawa na ang napapatay ko. Agad naalerto ang mga kasamahan ng mga nabaril ko kaya naman nagtago ako.

"Tangina may nakapasok!"

"Hanapin niyo ung taong un!"

"Sabihin niyo kay Griva may kalaban!"

Hindi ko na hinayaan pang makaalis ang inutusan niya. Agad ko silang binaril sa ulo pati narin ang iba pa niyang kasamahan.

May malalaki silang armas at katawan pero masasabi kong mababa ang IQ nila.

Wala yan sa ganda at laki nga baril. Nasa gumagamit 'yan. Aanhin mo ang napakagandang baril kung hindi ka naman marunong dumiskarte sa paggamit nito? Kahit caliber 45 lang kaya ko silang patumbahin.

Nung iisa nalang ang natitira ay lumabas ako sa pinagtataguan ko na nakatutok ang baril sa kaniya.

"Hinding hindi ko ma papatawad ang kababuyang ginawa mo sa isang kasamahan ko!" Nanggi-gigil kong sabi sa kaniya.

"I-Ikaw ung babaeng palaban!" Sigaw niya saakin.

"Ako nga. I am a woman of courage" sabi ko sa kaniya.

Biglaan siya tumakbo at sumunod naman ako. Pinaputok ko agad ang baril ko. Isang bala, isang buhay.

Agad kong hinila ang bangkay patungo sa lalagyan nila. Psh mga inutil. Hindi marunong makiramdam sa paligid.

Touch of Sea (On-going)Where stories live. Discover now