Chapter 1

34 11 11
                                    

—Chapter 1—

Meet the parents? I think it is too early for that pero wala na akong choice. Wala rin naman kasi akong mapupuntahan ngayon. Ewan ko ba pero mas okey na siguro na sasama ako sa kanila.

Nasa likuran ako nakasakay kasama si Duke at Celine. Nasa gitna namin si Duke habang ung father naman niya ang nagmamaneho at ung mother naman niya ang nasa front seat.

Panay ang lingkas ng kamay ni Celine sa braso ni Duke habang ako dito ay nakahalukip-kip na at naiirita dahil panay ang mura at saway ni Duke kay Celine.

"Will you quit it you two!?" Iritado ko talaga sabi.

Nakita ko naman na namutla si Duke. Nakita ko ring natigilan at nagulat ang  parents niya pati narin si Celine.

"Baby wag ka na galit" pababy niyang sabi.

Pinipigilan ko ang sarili kong ngumiti! Bakit ang cute!? Hindi pwedeng cute! Dapat panget!!

Sige Leonora lokohin mo pa ang sarili mo. Leche naman eh.

"Baby..."

"Baby ko..."

"I love you baby"

Doon na ako napatingin sa kaniya at mariin kong nahigit ang hininga ko nung aksidenteng dumampi ang labi ko sa labi niya! Ghad! Ang lapit niya pala saakin! How? How can he be this cute!? Pwede bang ung Duke nalang na nasa field ang makaharap ko palagi? Mas maganda ung ganun eh ung seryoso siya.

Hindi ako sumagot at tumingin lang ako sa labas ng bintana may apat na oras pa kaming biyahe bago makarating sa kanila.

Pagkarating namin ay nagulat ako nung helipad ang inaapakan ko. What's up?

"Sasakay tayo ng Chopper baby" sabi niya saakin nung nasa likuran ko na siya.

Naramdaman ko ang braso niyang pumulupot sa baywang ko. Hindi ko napigilang mapasinghap.

"Obviously" I couldn't hide my sarcasm.

"Baby naman inaaway mo ako. Baby naman wag kang ganito."

Kinalas ko ang yakap niya at pumasok sa chopper. Itim ang kabuang labas na anyo ng chopper sa loob naman ay may isang flat screen tv, maliit na refrigirator, speakers, at isang set ng sofa.

Wow. Just wow. Ganito kayaman si Commander Duke Megeotry? No wonder why.

Pagkarating namin ay pumasok si Celine sa isang pinto. Mukhang kwarto 'yon.

Ang mga parents naman ni Duke ay kaharap kong nakaupo sa mahabang sofa.

"I like you hija. You're not like other girls na magiging plastic kasi kaharap ang mga magulang ng lalaki. You are true on what and how you interact with us." Nakangiting sabi ng mommy niya.

Hilaw akong ngumiti. Nahiya tuloy ako sa inasal ko kanina. Nasira kasi ang mood ko dahil dun sa lecheng Celine na un!

"Sorry po ah? Just maybe my anger management issue pero no big deal po. Ganito narin po talaga ako kay Commander Duke lalo na po kung pababy na masyado" narinig ko naman ang tawa nilang dalawa.

Agad ko ring narinig ang pag alma niya sa sinasabi ko.

"We perfectly understand hija. Naku, eh baby ko kasi 'yan. Baby damulag" sabi ni Mrs. Megeotry.

I heard him graon and cuss. Ang daddy naman niya ay pinipigilan at marahang binubulungan ang mommy niya.

"Huwag mong siraan at ipahiya ang anak mo Cassandra. Dapat ay i-boost natin itong si Duke para naman magka gerlpren narin" bulong ng daddy niya pero narinig ko parin.

Touch of Sea (On-going)Where stories live. Discover now