Chapter 11

1.6K 36 0
                                    

                     Jae's POV

Pati ako ay nagulat din sa pangyayari. Sumikip ang dibdib ko nang makita si Kath na nakaluhod habang basang basa at namamaga ang mata dahil sa pag iyak. Mahal ko si Kath pero hindi niya ako mahal kaya ginamit ko si Hautia para pagtakpan ang nararamdaman ko para sa kanya.

"Anong buong pangyayari?" Tanong ko sa hanggang bewang ko ang tangkad at mahahabang balbas na mga lalaki

"Sinunog ang gubat ng isang babaeng  pula ang buhok. Maganda ito, matangkad at maputi. Humingi ng tulong ang mga puno sa babaeng namumuno sa kanila ngunit hindi niya pinakinggan. Sarado ang tenga niya dahil sa tibok ng puso niya lang ang naririnig niya. Sarado ang damdamin niya dahil sa lalaking laman ng puso niya" sabi ng lalaki.

"Si Yssa" dinig kong bulong ni Asher sa sarili niya

"Pula ang buhok ang nakita niyong gumawa ng sunog pero bakit si Kath ang sinisisi niyo dahil sa sunog?!" Sa galit ko ay nilapitan ko ito tsaka sinakal

"A-ang akala kasi namin ay kasamahan niya ang nagsunog ng gubat" sagot niya

"Pero dahil sa magandang kalooban ng magandang binibini na ito'y napatay niya ang apoy. Inalay ang buong lakas upang mapatay ang sunog" sabi ng isa habang nakatingin kay Hautia na buhat ni Asher

"Nasaan na ngayon si Kath? Di ko siya marinig" nag aalalang tanong ni Jade. Nakakita ako ng isang ibon kaya tinawag ko ito. Dumapo ito sa kamay ko

"Hanapin mo si Kath. Maiksi ang buhok, maputi at maganda. Huwag na huwag kang babalik hanggat hindi nahahanap si Kath. Sabihan mo lahat ng mga hayop" utos ko. Lumipad ang ibon at umalis.

"Mabuti pa'y bumalik na lang muna tayo sa kaharian para makapag pahinga si Hautia" sabi ni Owen

"Mauna na kayo. Hahanapin ko si Kath" sabi ko. Hindi ako uuwi hanggat hindi ko siya kasama

"Umuwi na siguro si Kath kaya dimo na marinig" sabi ni Owen kay Jade

"Sigurado ako sa narinig ko. Sa ibang direksyon siya tumakbo" sabi ni Jade

"Umuwi na kayo. Walang dapat makaalam nito kahit na si tita Atasha" sabi ko kay Asher. Tumango naman siya at umalis

"Tutulong kami sa paghahanap, bilang paghingi ng tawad sa aming nagawa" sabi ng dwende pero sinamaan ko lang siya ng tingin. Lumapit sa akin ang isang kabayo at tsaka ako sumakay.

"Kath?!" Tawag ko sa pangalan niya. Nakita ko ang pag tumba ng mga matataas na damo at iisang direksyon ang tinuturo nila.

Malamang ay itinuturo nila kung saan naroon si Kath. Mahalaga parin sa kanila si Kath kahit na nagkamali siya. Sinundan ko ang direksyong tinuturo ng mga damo, dumapo sa akin ang ibon.

"Hawak siya ng mga higante! Hawak siya ng mga higante! Hawak siya ng mga higante! Hawak siya ng mga higante" paulit-ulit niyang sambit. Mabilis kong pinatakbo ang kabayo at sinundan ang daan na ginawa ng mga halaman

"Napakagandang dilag naman neto. Siguro'y masarap ang karne nito" nadatnan kong bitbit nila ang walang malay na Kath at akmang ihuhulog sa malaking kaldero na nakasalang sa apoy ngunit mabilis kong pinalipad ang malaking agila at  kinuha si Kath tsaka inilipad sa taas ng punong kahoy. Agad namang binalutan ng mga sanga ang kanyang katawan upang protektahan ang kanilang binibini.

"Patayin sila!" Utos ko sa mga tigre at liyon na kasama ko. Sinugod ng mga mababangis na hayop ang tatlong higanteng gustong kainin ang prinsesa ko

Lumapit ako sa punong kahoy na may hawak kay Kath. Iniabot ng sanga sa akin si Kath na walang malay. Maingat ko itong kinuha at binuhat. Hinalikan ko sa noo at dulo ng ilong tsaka niyakap. Patawad mahal ko. Nahuli ako. Hindi ko na hahayaang may manakit sayo.

"Uwi na tayo" utos ko sa kabayo.

Ice Fantasy (BaFat #1) The Enchanted kingdom (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon