Chapter 15

1.6K 36 0
                                    

                  Owen's POV

"Jade!" Tawag ko sa pangalan ni Jade nang makita ko siyang naglalakad mag-isa.

"Hmmm?" Jade at humarap sa akin

"San ang punta?" Tanong ko

"Ahm kila Asher, may kukunin lang" sagot niya.

"S-samahan na kita" sabi ko. Tumango naman siya

"Ahm pwede kaba mamayang gabi?" Tanong ko sa kanya

"Para saan?" Tanong niya

"Ahm m-may g-gusto lang akong s-sabihin sayo" bakit ba ako nauutal?! Sa kalaban ang tapang-tapang ko. Pero sa iisang babae, tumitiklop ako!  Naglalakad lang kami nang biglang tumigil si Jade na kinakabahan at malalalim ang bawat hininga.

"Bakit?" Tanong ko

"May parating na kalaban!" Sabi niya. Agad kaming tumakbo at ikinalat ang masamang balita.

"K-kalaban?" Takot na tanong ni Hautia

"Nalaman nilang nandito na si Hautia kaya sila susugod" sabi ni Jade. Sigurado'y napasok na ng pandinig niya ang nasa isip ng kalaban

"Malapit na sila! Maghanda na tayo!" Sigaw ni Jade

"Itago ang mga bata sa ligtas na lugar!" Sigaw ko

"Ako na ang bahala sa kanila" sabi ni Hautia. Duda ako dahil wala pa siyang sapat na lakas pero kailangan kong magtiwala.

Maya-maya ay nagsidatingan na ang mga kalaban.

"Magandang umaga sa inyong lahat" sabi ng lalaking may korona at nakangisi.

"Walang maganda sa umaga" sagot ni tita Atasha.

"Hanggang ngayon ba galit kapa sa akin Atasha? Patawad na. Diko naman gustong pugutan ng ulo ang mahal mong asawa eh. Hahaha!" Malademonyong halakhak niya.

"Hayop ka!" Galit at naiiyak na sigaw ni tita Atasha. Biglang nagdilim ang kalangitan at lumabas ang ilang mga kidlat dahil sa kapangyarihan niya

"Woohh relax ka lang Atasha. Kung iyong mamarapating maging asawa ko, wala na tayong magiging problema" sabi ng hari

"Pakasalan mo mukha mo! Papatayin kita!" Sagot ni tita Atasha

"Hahaha! Si-ge! Okay lang. Basta ibigay niyo sa akin si Hautia Ysabelle Collins. Ang nag-iisang anak ni reyna Aubrey ay haring Aleb" seryong sabi ng hari

"Wala sa amin ang hinahanap niyo!" Sagot ni Asher. Nagtatago ngayon si Hautia kasama ang mga bata at ilan sa mga tao upang bantay nila. Malakas si Hautia ngunit hindi pa niya alam gamitin at kontrolin.

"Mama.." biglang tawag ng isang bata na tumatakbo palapit sa amin nang kunin ito ng isang lalaki at tinutukan ng espada.

"Anak!" Tawag ng kanyang ina habang umiiyak.

"Bitawan mo ang bata!" Sigaw ng mama ni Yssa

Ice Fantasy (BaFat #1) The Enchanted kingdom (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon