Chapter One

10 0 0
                                    


Her POV

"Woman, do you want to take this man as your husband? For richer for poorer, for sickness and health, will you cherish him until the end?"

"I do, father."

Gaya ng tanong saakin ay sya rin ang tanong sakanya. Tinitignan ko lang sya dahil parang kumikislap ang kanyang mga mata at ngiti habang sumasagot ng 'I do'. Tuwang tuwa sya, yun ang alam ko. Maya maya pa'y...

"You may kiss your bride" Nakangiting saad nung padre. Nanlaki ang mata ko. Tongene! Kiss?? Nang lingunin ko ang groom ko ay ngiting ngiti na sya sakin, napamaang ako ng unti unti nyang inilapit ang kanyang mukha sa mukha ko, isang dangkal nalang ay magdidikit na ang labi namin.

"Nooooooooooooooooooooooooooooooooooo!!!!!!!"

*Blag!*

Bigla ay napamulat ako, at dun ko napagtanto na nananaginip lang pala ako. Nakahinga ako ng maluwag dahil Hindi totoo na ikakasal ako. Wew, buti nalang.

*kasa ng baril*

Napatingin ako sa pintuan dahil nandoon lang naman ang Kuya ko na prenteng prente sa pagkakatayo at pag aasinta saakin. Tss. Isa syang pulis at akala nya matatakot ako.

"Babangon ka, o babangon ka?" Nakangising tanong sakin nito. Tinignan ko lang naman sya na parang balewala lang.

"May balak ka bang pumasok?" Tanong nya ulit sakin

Bumangon ako ng hindi sya sinasagot.
*Bang!* Naroon nako sa pinto ng banyo ko ng barilin ko ang pinto na sinasandalan nya.

Nginisihan ko sya, "lumayas ka dito, palitan mo rin yang pinto ng kwarto ko" nakangisi ako ng sambitin ko ang mga iyon, iiling iling lang syang umalis sa kwarto ko

'Tss, ako pa tinakot mo,'

Binuksan ko na ang shower at hinayaan lang itong bumuhos sa katawan ko. Masarap sa pakiramdam kahit malamig. Nakapikit lang ako habang nagsasabon, bigla ay pumasok bigla sa isip ko yung napaginipan ko, Hindi ko matandaan ang muka nya. Alam kong gwapo sya ngunit bakit ganoon ang panaginip ko? Wala akong planong ganoon. Tss.

Minadali ko na ang pagligo dahil alam kong malelate nako. Kaya laging nandito ang kumag kong kapatid ay para gisingin ako, pero malayo ang bahay ko sa tirahan nya. Sadyang may sa demonyo lang yon sa utak kaya ganon. Tss

Matapos lamang ng ilang minuto ay tapos nako. Nagtungo ako sa salamin at tinignan ang repleksyon ko, nakasuot lamang ako ng jeans at naka V-neck na plain white shirt, nakasapatos ng FILA na itim at nakamask ng itim. Kinuha ko narin ang Headphone ko at mp3.

Bumaba nako at dumeretso na sa garahe kung saan naroon ang iba't ibang koleksyon ko ng Motor, Iba iba sila ng style pero iisa lang ang kulay. Pinaghalong black at blue ang mga ito. Kinuha ko si Monday dahil Monday ngayon. Hehe. Alam Kong dapat sa panlalake ang mga to pero wala akong pakeelam dahil mas gusto ko nito. Mas astig. Inilabas ko na si Monday upang makaalis na.

Ini-start ko na ang motor ko ng bigla ay sumulpot si Kuya at inabutan ako ng sandwich at nakabottled na gatas.

"Aalis ka na naman ng hindi nag-aalmusal. Tch." Nahihimigan ko ang inis at pag-aalala sa boses nito. Hindi ko talaga ugali ang kumain ng pang umagahan. Hindi ko na inugali simula nong humiwalay ako sakanila.

Inabot ko nalang ang sandwich at gatas na binigay  nya saka ko iyon isinilid sa bag ko matapos ay tinanguan ko sya.

*beep beep* bumusina na lamang ako sakanya bago ako tuluyang umalis.

Hindi ko malaman kung ilang minuto bago ako nakarating sa aming eskwelahan. Ipinarada ko na sa parking lot ang motor ko saka ako naglakad papasok. Hindi nakaligtas sakin ang mga matang mapanghusga ng mga kaeskwela ko.

Nagtuloy lamang ako at hindi sila pinansin. Wala akong mapapala sa mga yan. Tsk.

"Omg girl, may ketong yata sya bakit sya nagmamask?"

'Mapolluted kasi dito masyado, madaming bobo"

"May cancer ata be"

"Like, eewwww an-cheap nya ha, hahahaha"

"Yeah right haha"

'Edi kayo na hindi cheap, tch'

Batid kong ako ang pinag uusapan ng mga kaeskwela ko, nakasuot lang kasi ako ng pang commoner na damit samantalang sila nakasuot ng nag iiksihang palda at bistida. >>__<<

Linampasan ko lang sila at nagtuloy lang talaga sa paglalakad. Sinulyapan ko ang relo ko at maaga pa naman, alas nwebe pa ang klase ko alas syete palang naman.

'Tch, tangina kasi ng kumag nayon, masarap pa sana ang tulog ko ngayon tch. May palate late kapang nalalaman. Ulyanin kana tch'

Dumiretso ako sa field kung saan may mga nagpapractice ng baseball, softball at soccer. Umupo ako sa damuhan at inilabas ang mp3 ko saka ako nakinig ng  ng musika.

Napapangiti ako sa tuwing naririnig ko ang boses ng EXO. Narerelax ako, lalo na kung naririnig ko ang boses ng bias ko, si Sehun.

Isa itong sikreto ko, Hindi sa kinakahiya ko, ayoko lang talaga ipaalam. Mailap ako sa Tao, kumbaga pangalan ko lang ang alam nila, pero Hindi ang pagkatao ko.

Napawi ang mga ngiti ko nang may maramdaman akong lumapit sakin at inilapat ang palad sa balikat ko. Nagmulat ako at bumungad sakin ang muka ni Mr.Midrona.

"Ayaw mo na bang sumali ulit sa team ko?" Nakangiting tanong saakin nito. Tinanggal ko ang mask na suot ko saka ako ngumiti kay coach

"Sa tamang panahon coach, masyado mong pinapahalata na namiss mo ang captain ng team mo" nakangising saad ko

"Matagal tagal kang nawala Bb. Wattson," natawa pa sya sa pinantawag nya sakin >>__<< kingina natawag pakong binibini. Pwe! Ansagwa!

" aasahan ko ang pagbabalik mo Eenah Wattson." Dagdag nya pa saka ako tinapik sa balikat bago sya umalis

Napangiti ako, 'babalik ako coach sa tamang panahon tss'

Tumayo at Pinagpag ko na ang damit ko upang magtungo na sa classroom. Muli ay sinulyapan ko ang field, 'babalik ako para maglaro ulit'

Muli kong sinuot ang mask kong itim saka nagpatuloy na sa paglalakad.

*******

A/N: Waaaaah!!!! Huhuhu super lame ata pakshet 8(>_<)8
Please don't forget to vote and pafollow narin! Kamsa! 💓

Let's not Fall Inlove Where stories live. Discover now