A/N: Eenah is Ynah hehe.
Let's not fall in love is a song of a Kpop group which is Bigbang, to all VIPS there, hello sainyo hahaha.****
Eenah's POV
'Eenah Wattson' Yan ang pangalan ko. Bibihira lang ang may alam ng pangalan ko dahil bihira rin ako magsalita. Walang kaibigan dahil ayoko ng kaibigan. I'm not a loner. I just want to be alone. Pero Hindi lahat ng perspective ko ay mananatili hanggang dulo, everything has an end.
Nakarating nako sa classroom at umupo sa dulo, sa pinakadulo. Ayoko sa harap, sa gitna at kahit saan pa basta ang gusto ko yung hindi ako nakikita.
"Bakit ba sya laging nakamask? Laging mata nya lang ang nakikita"
"Hindi ko ngarin alam, halata naman sakanya na may itsura pero never pa nyang pinakita ang buong muka nya"
"Maski ang pangalan nya ay hindi natin alam, pamisteryoso masyado"
"Matagal na natin syang kaklase, 4 years na, pero wala pa ni isa satin ang nakakita talaga sa muka nya at maski pangalan ay wala parin talaga!"
Kasalukuyan akong nakayuko na animo'y natutulog habang naririnig ko ang usapan ng mga kaklase ko.
'Tsk, mga chismosa,'
Napasulyap ako sa relo ko at gusto ko nang umalis dahil ang tagal ng oras, 8:30 palang. Hays! Antagal kingina.
Muli ay umub ob nalang ulit ako sa armchair ko, inaantok pa ako pero diko magawang matulog sa ganitong klase ng lugar. Nakayuko lang ako habang nakikinig ng musika sa mp3 ko, nag alarm rin ako ng 8:55 dahil nakasagad ang volume ng pinapakinggan ko. Tss masyadong nakakarindi ang mga bulungan ng mga kaklase ko at ni isa sakanila ay wala pa talaga akong kinausap o sinabihan ng pangalan ko. Maski ang pagpapakita ng muka ko ay Hindi ko ginagawa.
**Flashback**
First day of school ngayon, and I'm grade 7, ipinasok ako dito sa Tyahara Kyoei Highschool na isa sa pinakamayamang private school sa bansa.
Naka-uniform lang ako. Maiksing palda at long sleeve na puti then nakahigh sock. Nakamask ako ng itim, mata ko lang ang makikita na malamig pa sa yelo kung tumingin
Hinatid ako ng isang maestra sa isang silid kung saan gulo gulo ang silya, mga nagkalat na papel, blockboart na maraming sulat at higit sa lahat mga nagtatakbuhang istudyante. Ngunit napatigil sila ng makita ako, yung mga nag iingay, Nang aasar, mga umiiyak ay tila ba napako ang kanilang paningin sakin.
"Halla! May ninja! Hahahaha"
"Hahahahaha" sari saring tawanan ang namutawi sa silid dahil sa sinabing iyon ng isang lalake na nasa pinakaharap. Tinignan ko sya, tingin Na alam kong maiilang sya at tama nga ako dahil palunok lunok pa sya habang nag iiwas ng tingin sakin.
Iniwan nalang kasi ako basta ng maestrang iyon. Kingina nya. Mapatid sana.
Pumasok ako ng tuluyan at nagtungo sa likod kung saan may isang upuan na Hindi nagulo, pakiramdam ko ay nakalaan talaga iyon para sakin. Umupo ako saka lumingon sa labas ng bintana kung saan tanaw ko ang field. Napangiti ako, masarap tignan ang field.
Inisip ko na darating ang araw na maglalaro ako sa field na iyon.
Maya maya pa ay dumating na ang aming guro. Nakangiti sya ng sulyapan ko.
"Good morning class, so may bago kayong classmate" nakangiting saad nito sa mga kamag-aral ko. Nagtinginan naman sila sakin. Mga tingin na nagtatanong at nanlalait.
"Pwede mo bang ipakilala ang sarili mo?" Nakangiti parin sya ng tanungin sakin iyon. Tinignan ko sya ng mata sa mata, matalim na tingin ang ipinukol ko sakanya dahil ayoko sa tanong nya.
Ang tingin kong matalim ay mas naging mas matalim pa, duon ay ipinapahiwatig ko na ayoko sa iniutos nya. Nag-iwas sya sakin ng tingin at tumawa nalang ng peke,
"We will start our class then," nakatungo na sya ng sambitin iyon
Gaya nga ng sinabi nya ay nagsimula na ang klase, nagsusulat lang ako sa note ko habang nag d-discuss sya. Di kalaunan ay natapos narin.
Hinintay ko munang makaalis lahat bago ako tumayo, naroon pa si Ms.Barachina. Lumapit ako sakanya at inilapag ang note kung saan nakasulat ang pangalan ko.
'Eenah Wattson.
Wag mong susubukan ipagsabi yan, buhay mo ang kapalit.'
Napapalunok sya ng tumingin sakin, nanginginig ang kanyang mga kamay ng abutin ang note kasabay ang pagtango tango nya sakin.
Umalis na ako at iniwan na sya roon, gaya ng ginawa ko sakanya ay sya rin ang ginawa ko sa mga walo ko pang maestra.
Hindi ako ordinaryong Tao. Hindi ako pwedeng makilala ng ibang tao. Dahil yun ang isa sa patakaran ko.
Araw araw lang akong ganon, walang kinakausap ngunit wala namang problema sa mga grado ko dahil matataas naman, lagi akong top one ngunit walang nagtangka na ipaskil ang pangalan ko. Laging blangko ang numerong uno.
*End of flashback*
"It's already 8:55
It's already 8:55
It's already 8:55"Unti- unti akong nagmulat ng mata saka umayos ng upo dahil nga 8:55 na.
Di kalaunan ay dumating na nga ang aming maestra at nagsimula ng magdiscuss tungkol sa agham. Gaya ng aking nakasanayan ay nakaupo lang ako sa likod at nakikinig. Nagsusulat sa kwaderno gaya ng natural na gawain ng isang estudyante.
To be continued...
YOU ARE READING
Let's not Fall Inlove
Mystery / ThrillerThis story is about a girl who doesn't want to fall in love not because she's a bitter. She doesn't want to be trap from the word love. Simply because she believes that it is like a greed that can't be filled.