01

181 17 17
                                    


"Bibe?"




"Oo, ikaw. Muka kang bibe." Sagot ko at tumawa.






Hindi na ito sumagot at tiningnan lang ako ng masama.








"Magpapakamatay ka?" Tanong ko.





"Obvious ba?"







"Akala ko nagaaral ka lang lumipad.  Pero as i said, hindi nakakalipad ang bibe kaya bumaba ka na diyan." Asar ko dito.






"Jo yuri." Pagpapakilala ko at inabot ang kamay ko sa kaniya.








Tinanggap niya ito at nagpakilala rin. "Choi yena." Sagot niya.






Tinulungan ko siyang bumaba mula sa kinatatayuan niya at niyakap siya. Bakit ba? Feeling ko kailangan niya ng hug eh.











"Alam mo ba,mas nagiging malakas ang tao kung hindi niya tatakasan ang problema niya." Sabi ko dito.










"Ah yuri? Narinig ko na 'yan. Saka pwede bang bitawan mo na 'ko?"








Tsk. Nagiging friendly lang eh!






Biglang nag-ring ang phone niya at nagmadaling lumabas.





Makabalik na nga rin. Baka hinahanap na nila 'ko.

......

--yena--








"Hoy bibe. Sa'n ka galing? Naghanap ka ng chix noh? Dapat sinama mo 'ko!" Tanong ni yujin.






"Anong hoy bibe? Mas matanda pa din ako sayo!"








"Tsk. Pumayag ka nga nung tinawag kitang yena yaaaahh dati"






"Maligo ka na yujin! Ang baho mo na!" Sigaw ni chaewon.








"Tsk. Porket crush ako ni minju, gaganyanin mo na 'ko?" Pangaasar nito kaya tinakpan ko ang bibig niya. Sensitive kasi si chaewon 'pag si minju na yung pinaguusapan.








Iniwan kasi ni minju si chaewon dati nang walang dahilan. Ngayon naman ay crush daw nito si yujin.






Kaya nawalan ng pakiramdam si chaewon eh. Sobrang cold niya na.





Nakakatakot pa ang mga tingin nito. Parang papatay ng tao.










Pumasok na si yujin sa banyo kaya nilapitan ko si chaewon. Alam kong kailangan niya ng kausap.









Alam ko sa sarili ko na mas kailangan ko ng kausap pero anong magagawa 'ko? Everytime na babalakin kong sabihin sa kanila ang lahat, may humihila sa'kin.






Laging pumapasok sa isip ko na magiging pabigat lang ako 'pag sinabi ko ang problema ko.





Kaya mabuti pa na itago ko nalang.


"Galit ka? o malungkot ka?" Tanong ko kay chaewon.










"Hindi ako galit. Hindi rin ako malungkot. Wala na 'kong pake kay minju." Sagot niya. Sinungaling. Halata naman na nasasaktan pa din.









Pagkakain ko ay bumalik na rin ako sa kwarto ko.








Ano nga ulit yung pangalan nung babae kanina sa rooftop?






Juri? Ay hindi. Ex ko 'yon eh.






Yuri! Yuri ang pangalan niya.



Choi yuri?










Jo yuri! Sure akong jo yuri ang buong pangalan niya.





Nakaka-curious kung bakit din siya pumunta sa rooftop. Hala...baka magpapakamatay rin siya?






Hindi siguro. Muka naman siyang masaya.









"Hoy chaewon! Buksan mo 'tong pinto!" Rinig kong sigaw ni Eunbi unnie kaya lumabas ako para tingnan ito.








Biglang binuksan ni chaewon ang pinto at dahil lahat ng pintuan dito ay palabas ang bukas, nauntog na naman si Eunbi unnie.









"Aray putangina deja vu" sabi ni eunbi unnie at hinawakan ang noo niya.








"Ang ingay mo unnie. Nagre-review ako para sa bar exam." Sagot ni chaewon.









"Nagre-review lang pero kailangang i-lock yung pinto? Dalawa lang ang pwedeng dahilan diyan. It's either naiyak ka or nanonood ka." Pagsingit ko sa usapan nila at tumawa.









Binato naman ako ni chaewon ng librong nire-review niya. Pucha ang sakit. Ang kapal ba naman.










"Ay oo nga pala. Pupunta yung mga kaibigan ko dito bukas kaya behave kayo ha!" Sigaw ni Eunbi unnie.









"May kaibigan ka pala." Asar ni yujin dito.







"Oo. Si yuri at chaeyeon." Sagot ni Eunbi.





Yuri?  Jo yuri?



SUICIDAL -- yulyenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon