--yuri--
"Wonyo. Halika nga dito. Paki-translate 'yon." Tawag ni hyewon na ngayon ay naglalaro ng outlast.
"Alin unnie?" Tanong nito.
"Turn on the two gas pumps and the main breaker to restart the generator." Aniya.
Pinaliwanag naman ito ni wonyoung sa kanya. Matalino talaga ito.
"Hoy joyul. Saan ka galing kanina?" Tanong ni chaeyeon sa'kin.
"Sa rooftop. Nakakarindi kasi kayo lalo na yung tawa mo." Sagot ko kaya pinaghugas ako ng pinggan nito. Tch.
"May magpapakamatay kanina sa rooftop. Buti napigilan ko." Sabi ko dito habang naghuhugas ako ng pinggan.
"Hala sino?"
"Choi yena ang pangalan niya. Mukang bibe." Sagot ko.
"Kilala ko 'yon!" Pagsingit ni minju sa usapan namin.
"Kaibigan 'yon ni chaewon. I mean, kaibigan ni yujin." Dagdag pa nito.
"Tsk. Aminin mo na kasi na gusto mong balikan si chaewon." Asar ko dito.
"H-Ha? Hindi noh!" Nauutal nitong sabi.
"Bakit mo ba kasi iniwan si chaewon? Ang cold niya na tuloy ngayon. Yung mga tingin niya, parang may gagawing masama sayo." Sabi ko sa kaniya at tumawa.
"Wag na nga natin siyang pagusapan! Aalis na 'ko. Maghugas ka na lang diyan." Inis na sabi nito at iniwan ako dito sa kusina.
Natapos na rin akong maghugas ng napakaraming pinggan na pinagkainan namin. Bumalik ako sa sala at nakitang wala ng naglalaro pero nakabukas pa din ito kaya nilaro ko nalang kahit di ako marunong.
"Si hyewon?" Tanong ko.
"Nasa kwarto niya. Ka- video call si nanami." Sagot ni chaeyeon.
"Tanga! Minami ang name niya! Minami!" Sigaw ni hyewon mula sa kwarto niya.
"HAHAHAHAHA" malakas na tawa ni chaeyeon.
Tinigilan ko na ang paglalaro dahil lagi naman akong namamatay.
Makatulog na nga.
Ipinikit ko ang mga mata ko at bigla kong naisip si yena. Ano kaya ang problema niya?
Siguro kung hindi ako umalis dito kanina at nagpunta sa rooftop, patay na siya ngayon.
Ang taas kaya ng building na 'to.
"Hoy yuri. Bukas ha! Pupunta tayo kina eunbi." Sabi ni chaeyeon sa 'kin kaya tumango ako.
Saan kaya yung room nung bibeng 'yon?
Wait...
Kung kaibigan ni chaewon si yena...
At roommate ni chaewon si eunbi unnie...
Ay baka hindi. Baka nagkakilala lang sila yena at chaewon.
......
"HOY YURI 'PAG DI KA GUMISING IIWAN KITA!" sigaw ni chaeyeon sa tenga ko.
Umagang umaga ang lakas ng boses. Tumayo ako sa kinahihigaan ko at nag ayos.
"Mag aayos ka pa? Kanina pa tayo iniintay ni eunbi."
Tsk. Wag na nga. Sa babang floor lang naman 'yon. Saka pake ba nung ibang roommate ni eunbi unnie kung ganito ang ayos ko?
Lumabas kami ng kwarto namin. Pinilit ko si chaeyeon na mag elevator pero sabi niya 'wag na dahil sa baba lang naman ng floor namin iyon.
Nakakapagod rin kayang mag hagdan.
Kumatok ako. Walang sumasagot. Baka tulog pa? Pero iniintay na kami ni eunbi unnie diba?
"Chaeyeon sarado."
"Ah sarado."
Kinatok ko ulit yung pintuan at bumungad sa 'kin yung bibeng magpapakamatay kahapon.
"Yena?"
"Yuri?"
BINABASA MO ANG
SUICIDAL -- yulyen
Fanfiction"Miss 'wag kang tumalon! Hindi nakakalipad ang bibe!" --YENA x YURI All Rights Reserved 2019 ©Notsocutebutcute