"Minsan lang"
Minsan,minsan,minsan,
Yan ang parati kong kailangang ibsan
Yung bawat kirot na nararamdaman
Sa aking puso'y kakikitaan.Minsan mo lang ako mapansin,
Minsan mo lang ako mahalin,
Na parang walang tayo
At parang ipinipilit mo ako sa ibang tao.Ganyan ka naba ka desperado
At pati ako ibibigay mo
Para nalang akong aso,
Aso,na pwedeng ipamigay sa ibang tao.Tinatanong ko sa sarili ko,
Mahal,mahal mo ba talaga ako?
Oh sadyang minahal mo lang ako kahit hindi mo gusto,
At parang pinaglalaruan ang damdamin ko.Kaya mong iwasan ako,
Para lang di ka makitang kasama ako,
Sa tuwing nandiyan ang mga kaibigan mo,
At parating sila ang inuuna mo.Wala na bang puwang dyan sa puso mo?
Para malaman mo na minahal kita ng totoo!?
Sa tingin ko laro lang sayo to,
Yung pagmamalasakit ko sayo,ay napaltan ng pambabalewala mo.Sabi ng mga kaibigan ko tigilan na kita,
Pero sa tingin mo kaya ko ng biglaan ha?!
Minahal kita ng higit pa sa buhay ko
Pero ano?pinaglalaruan mo pala ako.Napag-isipan ko kinagabihan
Kung ikaw ba ay aking iiwan
Yun ngalang mahina ako
Kaya ako eto,walang magawa kundi pag-isipan ito.Napaka marupok ko
Nakikita kona na akoy hindi sayo
Pero minamahal parin kita
Siguro nga napaka tanga ko talaga.Sabi ng isip ko iwan kita,
Sabi ng puso ko huwag na,
Pero ako yung niloloko,
Kaya tama lang na iwan ko yung tulad mo.Sarili mo lang ang iniisip mo,
Wala kang pakialam sa tulad ko,
Sige kalilimutan na kita
Para ang sakit ay maibsan na.Kinagabihan ikay aking kinalimutan
Sa pag tulog ko ikay aking napanaginipan,
Ngunit akoy nagising at natakot,
Inisip na palagi nalang ba ako matatakot?Oo,dati ayaw kitang iwan
Pero paano maiibsan ang kalungkutan?
Kaya ngayong gabi,
Akoy nasa isang tabi.Pinipilit burahin ang ala-ala
At syempre ang kalimutan ka
Para bukas iba nako
Babangon para sa kinabukasan ko.
<3
BINABASA MO ANG
MINSAN LANG
Poesía-Spoken poetry tungkol ito sa pag-ibig ng dalawang mag kasintahan.