PROLOGUE:
Kapag nga ang love dumating, wala ka ng magagawa.
Pilitin mo mang sabihin sa sarili mo na Hindi Ito pwede, wala ka ng magagawa
ika nga nila 'love is blind' bigla bigla na lang yan darating kung kailan Hindi ka pa ready at kung Hindi mo Ito hinahanap
pwede kang mainlove sa taong Di mo nman inakala na pwede pala
pero ang pinaka masaklap pa sa lahat eh yong mahulog ka sa taong Di ka naman kayang saluhin at sa taong Hindi pwedeng maging kayo Hindi lng dahil sa Di ka nya mahal kundi dahil sa inyong sexualidad
dito sa pilipinas, Di tanggap ang mga homosexuality relationships,.
para sa iba itoy kasalanan sa diyos dahil Mali ang magmahal ng kapwa mo babae/lalake
pero Ano nga ba ang Mali dito? nagmamahal ka lang nman Diba? Di mo naman Ito ginusto diba?
sadyang mapaglaro nga ang tadhana, Kaya nitong mabago ang mga pananaw sa iyong buhay, pero magpapatalo ka nga ba sa iyong nararamdaman?
------------
akala ko nung una normal lang ang magka crush sa kapwa mo babae, pwede mo nman kasing sabihin na baka gusto mo lang maging sya Kaya humahanga ka sakanya
noong una Hindi rin naman Ako nagduda sa aking sarili dahil may boyfriend naman ako at mahal na mahal ko ito
pero bakit kapag kausap ko sya bigla na lang mauutal Ako?
pero bakit kapag katabi ko sya Hindi Ako makakilos ng tama?
pero bakit kapag nakakasalubong ko sya bigla bigla na lang nangangatog ang mga paa ko?
pero bakit kapag nakikita ko sya prang kumpleto na araw ko?
pero bakit kapag kasama ko sya parang kami lang ang nageexist sa mundong ibabaw?
kahit Ako ay gulong gulo na sa mga nararamdaman ko, Hindi ko alam kung normal pa ba Ako o Hindi na
wala din akong mapagsabihan nito dahil baka isipin nila na kakaiba Ako at baka hindi nila Ako tanggap
pero ang pagkakaalam ko eh straight tlga Ako at marami akong kaibigan na mas maganda pa skanya at Hindi Ako humanga sa mga Ito
pero bakit ng dahil sakanya nabaliktad ata ang mundo ko?
Paano na lang ang mangyayari sa pagkatao ko at buhay ko kung matuloy pa nga itong kahibangan na aking nararamdaman para sakanya?
BINABASA MO ANG
Secretly Inlove With You
Teen FictionKwento Ito ni sharmaine; simple kung manamit, simple kung kumilos, at mayroong boyfriend Hindi nya alam pero bigla na lang nya minahal si jasmine. Dahil sa Hindi normal ang magkagusto sa kapwa nya babae ay minahal nya na lang Ito ng palihim ...