Seah's point of view
"Seah! Seah! Seah! Gising na!!"
*ting ting ting*
"Seah! Seah! May pasok na!!!" Nagising ako sa ingay ng kapatid ko
Its been 1 week ng dumating kami dito sa manila, naayos na namin lahat ng kailangan sa bagong school namin kaya papasok na kami ngayon. Buti nalang ilang linggo palang ang lumipas ng magsimula ang klase
"Gising na ako! Tigilan mo na yan" Sigaw ko at umupo muna, kinuha ko yung cellphone ko at tinignan ang oras
6:45 a.m
"Dali na maligo ka na! Sabay tayong papasok!" Sigaw niya at lumundag sa kama ko
"Malamang parehas tayo ng school!" Pagsusungit ko at bumangon na
"Umagang umaga Seah" naiiling na sabi niya
Hindi ko siya pinansin at inayos nalang yung kama ko, pero may hudas eh kaya mamaya na lang
Dumiretsyo ako ng banyo at ginawa ang daily routine.
Ng matapos na, lumabas na ako ng nakatapis lang. Ako lang naman dito sa kwarto eh, yun ang akala ko dahil naka higa parin sa kama ko si Hudas
"Hoy! Labas! Magpapalit ako" sigaw ko sa kaniya at kinuha na ang bagong uniform ko
Ilalapag ko na sana sa kama pero nandon parin si kuya kaya binalik ko muna yung hanger at pumunta kay kuya
"Alis na!!!" Sigaw ko at hinila yung sapatos niya, nakapalit na pala to pero nahiga parin
"Oo na!" Sagot niya at umalis na nga sa kwarto ko. Ni-lock ko yung pinto para hindi na siya makapasok
Sinuot ko yung uniform at humarap sa salamin. Sinipat sipat ko mula harap hanggang likod kung ok. White polo, dark blue ribon at dark blue mini skirt din na two inches above the knee.
Nag blower lang ako saglit bago bumaba, para hindi naman ako magmukhang bruha.
*******
"Kuya bilis!" Sigaw ko mula sa pinto dahil paalis na sana kami ng may kinuha pa si kuya sa loob ng bahay."Tara!" Nagulat ako sa pagsulpot niya sa harap ko
"P-panong--"
"Sumunod ka na lang!" sabi niya at patakbong pumunta sa garahe.
Pagdating doon, apat na sasakyan ang naka parada. High ace na van- yung sumundo sa amin- red na ford, blue na fortuner, at yung mustang ni kuya- dinala niya pala yon?
"Saan ang gagamitin mo diyan?" Tanong ko bago sumunod sa kaniya. Mamaya sumakay nanaman ako sa kotse niya tapos hindi pala yun ang gagamitin
"Edi kotse ko" sabi niya at sumakay na sa kotse niya
"Ok" sabi ko sa sarili ko, syempre nasa loob na siya ng kotse
Pumasok na din ako at pinaandar na niya
"Alam mo na ba kung pano pumunta don?" Tanong ko habang tinitignan kung saan kami dumadaan. Nakapunta naman na kami doon ng dalawang beses pero hindi ko pa rin alam kung saan dadaan
"Yup" maiksing sagot niya kaya nagkibit balikat nalang ako.
South Fedelin University
"Baba na" utos niya ng ma parking na niya yung kotse
Sumunod nalang ako dahil baka ma-late pa kami kung makikipag away pa ako
YOU ARE READING
Something New
Teen FictionNew school New place New classmates New friends New bullies And new lovelife? Na-ah that's cliche Hindi porket nag transfer ka may makikilala kang bully tapos ma i-inlove kayo sa isa't isa tapos kayo na hanggang sa huli, ano to? Story sa libro? Be...