Chapter 5

0 1 0
                                    

Seah's point of view

How dare him do that to me!

"Seah bilisan mo baka ma late tayo"

Akala mo kung sino!

"Seah?"

Hindi naman siya kagwapuhan!

"Ok ka lang ba?"

May oras din sakin yon humanda siya

"Seah!"

Dahil wala siyang karapatan para gawin sakin yon! Papatayin--

"CHELSEAH!"

"Ay papatayin kita!"

"What the fuck?"

Napatingin ako sa paligid ko dahil sa bungisngisan, bulungan at singhapan nila.

"Bakit?" Tinaasan ko ng kilay si kuya na kasalukuyang naka kunot ang noo habang nakatingin sakin

Hindi manlang to marunong mahiya, hindi naman kailangang isigaw ang pangalan ko para lang pansinin siya.

"Ilang beses na ba kitang tinawag?" Galit na tanong niya at todo kunot na ang noo niya

"E-ewan ko" napalunok nalang ako dahil sa itchura niya. Ano nanaman bang kinagagalit nito?

"Ano bang iniisip mo at hindi mo ako pinakikinggan" sabi niya

Iniisip ko kung pano ko papatayin yung antipatikong lalaking yon!

"N-nothing important" sagot ko

"You even said that you're going to kill me" sabi niya at pinagtaasan naman ako ng kilay

"Ah, wala yon. Ginulat mo ako eh" pagtataray ko

"Talaga lang ha? Bitawan mo na yang tinidor mo, baka masira" nakangising sabi niya

Tinignan ko naman ang kamay ko at gigil na gigil ngang nakahawak sa tinidor ang left hand ko.

Luh?

"Tara na, baka ma late ka pa. Mag a-ala una na" sabi niya at nauna ng lumabas

Hudas na yon! Hindi man lang ako hinintay!

Nagmadali naman akong umalis don, meron pa kasing ibang students na nakatingin sakin

"Kuya wait!" Sigaw ko pero nagtaka ako ng makita kung sinong kausap niya

Magkakilala pala sila? Sabagay, PAREHAS SILANG HUDAS!

I flipped my hair first bago lumapit sa kanila

"Hades! Tara" sabi ko pagkalapit at umangkla sa braso niya na, nakita ko naman sa peripheral vision na nakatingin yung lalaking bwisit sa kamay kong naka kapit kay kuya

Bumaling ako kay kuya na naka kunot noo sa akin. Nginitian ko siya at palihim na pinanlakihan ng mata

Makisama ka

"Ah alis na kami Dam" sabi ni kuya at tinanguan yung mayabang

Dam? Dam dam haha

"Anong arte yon? Bakit nawala yung kuya mo?" Sabi ni kuya ng medyo malayo na kami kay Dam

"Bakit? Nawala ka ba?" Patay malisyang sabi ko

"Eh kung ikaw kaya yung i-wala ko?" Sabi niya bago hinila yung kamay niya

Something NewWhere stories live. Discover now