Chapter 1

25 2 0
                                    

“Hoy Jayson magdahan-dahan ka nga! Baka madisgrasya pa tayo niyan! Uupakan talaga kita!” singhal ko kay Jayson. He's Jayson Cruz. My childhood bestfriend. And my first love. Yeah, I have feelings for him. Pero hindi na pwede, taken na 'tong bestfriend ko.

I am Ayumi Gonzales. 18 years of existence in this cruel and unfair world. Haha.

Tumawa naman ang mokong, “Edi maganda! Ayaw mo nun? Hindi tayo papasok sa school? Hahaha!” siraulo talaga 'to.

“Anong maganda? Baka gusto mong makatanggap ng napakahabang speech kay Tita Eunice?! Idagdag mo na yung posibilidad na suntokin ka ni Tito Bernard!” sabi ko naman. Tumawa lang ulit siya. Ang bilis niya kasi magpatakbo ng bisikleta eh, pano kapag nahulog ako? Edi nasugat pa ko!

At salamat sa diyos, nakarating kami ng ligtas sa school. At gaya ng inaasahan, muntik nga kami masemplang kanina. Tsk, sarap batukan ni Jayson eh.

“Kyaaaah! Yumiiiii! I mish you besiee!” napalingon ako sa kung sinong baliw na tumitili. Ingay-ingay.

Bestfriend ko lang pala. Sinunggaban niya ako ng yakap. Yung mga studyante pinagtitinginan kami dahil sa loka-lokang 'to.

“I miss you! Mwah mwah.” paghalik niya sa pisngi ko. Agad ko naman iyong pinunasan na dahilan ng pagsimangot niya.

“Kadiri, may laway pa.” sabi ko. Napanguso naman siya. Hilig niya magpacute 'no? Well, she's Luna Monte. Ang loka-loka kong kaibigan.

“Yo, jay! Bading man pakinggan pero namiss kita bro!” at yan? yung nagsalita? siya si Chris Hacinto. Isa rin siya sa bestfriend namin. Squad kaming apat. At boyfriend nga pala ni Luna si Chris. Isang taon na rin sila. Hayy! Buti pa silang dalawa nagkatuluyan, kaming dalawa ni Jayson mukhang wala ng pag-asa eh. Putek.

“Ok, tama na yan. Tapos na ang reunion! Pumunta na tayo sa room natin.” pag-awat ni Luna sa dalawa dahil wala atang balak pumasok eh, pano ba naman, puro kwentuhan. Di ba nila alam na 10 minutes na lang mag-uumpisa na ang klase?

“Hahaha.” tawa ni Jayson at Chris bago sumabay samin sa paglalakad. Nakarating agad kami sa room namin. Section 2. Matalino naman kami kahit papano. Kahit mukhang mga gunggong si Jayson at Chris, matalino naman sila.

Pagpasok namin sa classroom, umupo na agad kami sa upuan kasabay ng pagpasok ng aming adviser.

“Okay class, let's start.” sabi nito. Nakapangalumbaba lang ako at nakatingin sa bintana. Puro kaek-ekan lang naman sinasabi ng adviser namin eh.

“Blah blah blah blah. Class dismissed.” agad naman kami nagsitayuan dahil lunch na. Ang bilis ng oras diba? Well, ganyan talaga.

Dumiretso kagad kami sa cafeteria at humanap ng upuan.

“Oh ano sa inyo? Ako na oorder.” tanong ni Chris.

“Burger sa akin at apple juice.” sabi ni Luna.

“Vegetable salad sa akin tsaka milk shake.” sabi ko naman.

“Ah, lasagna na lang.” sabi naman ni Jayson. Tumango lang si Chris at umalis. Ako naman nakatanghod lang at nakatingin sa glass wall ng cafeteria. Wala akong magawa eh. Si Luna nagce-cellphone, si Jayson nage-ml. Wala akong maaasahan sa mga yan.

Napatingin kami bigla sa gawing kanan ng may sumigaw ng pangalan ni Jayson.

“Waaaah! Babe, namiss kita!” sabi nito habang nakakapit sa batok ni Jayson at nakakandong sa kanya. Ngumiti si Jayson.

“I miss you, too.” sabi nito, “Btw, kumain ka na ba?” tanong nito.

“Hindi pa eh. Kakain pa lang, sabay na ako sa inyo.” sabi nito ng nakangiti. Napakurap ako ng bumaling siya ng tingin sa akin.

How I Wish | SHORT STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon