Chapter One

4 0 0
                                    

Natapos ang tawag ni daddy sa akin. Hindi na niya ako maihahatid sa airport. Alam ko naman na labag sa loob niya ang pag-alis ko.Pero alam niya rin na kinakailangan kong umalis.
Pumasok ako sa loob ng aking silid. Tiningnan ko ang mga bagaheng dadalhin ko. Nalulungkot ako sa pag alis kong ito. Pero alam kong maiintindihan ako ng pamilyang nagmamahal sa akin. Napa-angat ako nang tingin ng may tumikhim sa pintuan. Si Aya. Ang nakakatanda kong kapatid, si Aya Troy. Pumasok siya at niyakap ako.

"Wag kana lang kayang umalis." Sabi niya habang mahigpit akong yakap.

"Aya, naman eh," Turan ko at tiningnan siya. Kumalas siya sa yakap at umupo sa bed. Chineck ang mga papers ko. "Aya, gusto kong mapanatag si Ama kahit ilang taon lang. Nanghihina na siya. Baka ano pang mangyari doon." Paliwanag ko at tumabi sa kuya ko.

"Hindi kana na naman nagpapakita sa kanya. Sa pamilya. Ano pa ba gusto nila?" Nakabusangot na turan ni Aya.

"Aya, babalik ako. After makasal ni Sabrina at David. Para magkaroon ng panatag na isipan si Ama na  hindi ko aagawin si David kay Sabrina. At ayaw ko doon sa matandang gusto niyang mapangasawa ko." Sabi ko sa kanya. Ipinulupot niya ang kamay niya sa aking balikat. "Bakit, gusto mo akong makasal sa matandang iyon Aya?" Tanong ko sa kanya. Na sumimangot.

"Ofcourse not. You're special at makakasal kalang sa hukluban na iyon. Ni kay David ayaw ko nga siya para sa'yo,  yun pa kaya."Sabi naman niya.

"Kaya nga kailangan kong umalis. At kailangn ako ni Feli doon. Lumalago na ang Ysobelle, Aya." Dagdag ko.

"Yan. Kaya ayaw kong pumunta ka doon. Wala akong tiwala sa babaeng yun." Mas lalong sumimangot ang mukha niya. Natawa naman ako sa sinabi ni kuya.

"Sabihin mo namimiss mo lang ang kakaulitan noon."Sabi ko naman sa kanya. Ginulo niya ang buhok ko.

"Wag assuming. Nahahawa kana sa babaeng yun."Sabi naman ni Aya. Napalingon kami ng pumasok si Mommy. "Balik nalang ako mamaya. Mag-usap muna kayong dalawa. Para tapos na pagdating sa NAIA."Sabi ni Aya at lumabas na.

"Lianna," Tawag ni mommy. Ako na ang lumapit at niyakap siya. Si mom ang unang nagalit nang sabihin kong aalis ako. At mas lalo siyang naging balisa ng sabihin kong sa Shenzhen ako lilipat. Ayaw na ayaw niya sa China. E pure Chinese naman siya. Ni hindi ako pinayagang mag Hongkong Disneyland noong 16 ako kasi ayaw ni mom. Field trip yon nang school namin. Nagtaka man ako ay hindi na ako umangal.

Lalo siyang nag alala , na ngayon na doon ako titira ng ilang taon. Pinaliwanagan siya dad. Sinabi ko rin na may Cafe na akong negosyo doon. Mag-aanim na buwan na ang Ysobelle. Hindi na siya gaanong hysterical after nila mag-usap ni dad.

"Mom, wag kanang masyadong mag-alala sa akin. " Pagpapanatag ko sa loob niya.

"Anak, hindi ako kailan man mapapanatag kung ikaw na ang pag-uusapan. Lalong lalo na sa Tsina ka pupunta. Iba ang trato nila sa mga hindi puro. At hindi taga Mainland. Ayoko ko lang maranasan mo ang culture discrimination nila. " Paliwanag ni mom. Naiintindihan ko naman si mom.

"Mommy, Sa Shenzhen po ako titira. Para pong Dubai ang Shenzhen. Maraming expat gaya ko. And malaki napo ako mom. 22 na ang anak niyo. Muntik na nga akong makasal diba?" Pagpapatawa ko sa kanya.

"Hindi nakakatawa. Naiinis ako kung naiisip ko ang mga Tan. "Sabi naman ni mommy. Tumawa ako. At niyakap siya ulit.
"Wǒ xīwàng mìngyùn bù huì zuò rènhé shìqíng. Zhè hěnjiǔle." Nag salita si mom ng Chinese. Marunong pa talaga siya.

"Hindi ko naiintindihan mom. Fokien lang ang alam ko. Hindi naman Mandarin yon." Sabi ko kay mommy.
Ngumiti siya."Mag-aral ka doon ng Cantonese para hindi ka maisahan." Sabi ni mom." Wǒ ài nǐ, nǚ'ér."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 30, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Seething LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon