KUYOM ang kamao habang nakatitig sa repleksyon sa salamin si Victoria. Mababanaag din ang abot-abot na hininga ng ginang dala ng matinding galit.
"Ahhh..." hiyaw niya kasabay ang pagtilapon sa lahat ng madampot na kasangkapan. Wala siyang itinira, maging ang nananahimik na unan ay pinagbuntungan din ng galit. "Hayop! Hayop ka! Sagad hanggang buto ang galit ko sa inyo!" muling sigaw niya.
Inilabas niya ang lahat ng galit na nasa dibdib. Sumigaw siya nang sumigaw ngunit hindi yata mawawala ang galit na nararamdaman niya. Nahinto lang siya nang bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Yvonne.
Nakita nito ang mga basag na gamit na nagkalat sa sahig. Ganoon din ang galit na nakikita nito sa mukha ng ina. At kahit papaano ay nakadama ito ng awa sa ina. Hindi malaman nito kung paano mapapakalma ang ina. Magkagayunpaman ay unti-unti nitong inihakbang ang paa palapit sa ina
"Papatayin kita, Yumi!" Nagngalit ang mga ngipin ni Victoria. Taas-baba ang dibdib niya.
"I'll do that, Mom! Kating-kati na ang palad ko na mapatay ang babaeng iyon, kaya ipaubaya mo na lang siya sa akin. Hindi ako makakapayag na wala man lang tayong makuha kahit katiting na kayamanan ni Vincent." Niyakap nito ang ina. Hinimas-himas ang likod upang kahit papaano ay maibsan ang galit na nararamdaman.
"Hindi mababalewala ang matagal ko nang inaasam-asam. Kukuhain ko pa rin ang kayamanan ninyo!"
Nagplano si Yvonne kung paano maisasagawa ang binabalak kay Yumi, ngunit iba ang pumasok sa isipan nito.
"Mom, what if, ipakulong na lang natin siya? Siya ang pagbayarin natin sa kasalanang tayo ang gumawa."
"What do you mean?" kunot-noong tanong ni Victoria.
"Ipapakulong natin siya dahil sa pagkamatay ni Vincent," taas ang kilay nito. "Sila ang huling magkasama, hindi ba? Wala na siyang magagawa pa kapag nakulong siya."
Sumilay sa labi ni Victoria ang mala-demonyong ngiti. Agad na dinampot ng ginang ang cellphone, tumawag ito sa mga pulis at sinabi ang nangyari kay Vincent.
Kinabukasan ay bumalik si Atty. Harrison kasama si Yumi. Ipinakita ng ginoo sa dalaga ang ibinigay ni Vincent at ipinakita rin iyon sa mag-ina. Lihim na ikinangitngit iyon ng kalooban ng dalawa lalo na at kaharap nila ang babaeng kinamumuhian.
Hindi na rin naman nagtagal, umalis na ang attorney. Naiwang isa-isang pinapasadahan ng tingin ni Yumi ang hawak na papel. Hindi pa rin umaalis sa pagkakaupo ang mag-ina. Nakatitig lang sa dalaga, nakikiramdam sa susunod na hakbang nito. Maya-maya pa ay dinampot ng dalaga ang cell phone.
"Hello. Bumalik na kayo rito sa mansyon," utos nito sa kabilang linya. "Mamaya ko na sasabihin, basta't bumalik na kayo ngayon din dito." Tinapos na rin nito ang pakikipag-usap kay Ella.
Tumayo na rin si Yumi na hindi man lang tinatapunan ng tingin ang mag-ina. Humakbang ito palabas ng sala ngunit maagap na pinigilan siya ni Victoria.
"Yumi, wait!" Tumayo ang ginang at lumapit dito. "May gusto lang sana akong liwanagin sa iyo."
"Ano 'yon?"
"Totoo ba na hindi fake ang kasal ninyo ni Vincent?"
"Uhm, oo. Bakit mo naitanong?"
"Wala naman. Naniniguro lang. Kasi kung oo, bakit ka pumayag na umalis n'ong pinaalis ka namin dito?"
"Ah, 'yon ba?" Napakamot sa ulo si Yumi. "Uhm, wala kasi akong alam tungkol sa mga ganiyan, e! At tsaka ay gusto ko rin namang makita at makasama ang tiyahin ko," pagdadahilan nito.
"So, alam mo na sa simula ay tunay ang inyong kasal?" himig panunudyong tanong nito.
"Uhm," tumango ang dalaga. "Naalala mo ba n'ong pagbintangan ninyo ako na nilason ko si Vincent? Nang puntahan niya ako sa bahay, doon niya sinabi sa akin ang totoo." Hindi man lang ito kinakaitaan nang kahit kaunting takot. "Maiwan ko muna kayo rito," tinalikuran na nito ang mag-ina ngunit bago ito tuloyang umalis sa sala ay, "Puwede kayong mag-stay kahit hanggang kailan ninyo gustohin. Hindi naman ako katulad ng iba riyan na nagpapaalis na lang nang bigla." Ngumiti ito, 'yong ngiti na nang-aasar.
"Gusto raw niyang makapiling ang tiyahin, tapos ngayo'y sinabi niya na nagpapaalis kami bigla." Ngumisi si Yvonne. "Ibang klase ka talaga, Yumi," napa-iling ito.
Lumapit ito sa ina at makahulogang nagkatinginan sila. Nang makalayo na si Yumi ay agad ding tinawagan ni Victoria ang pulis at sinabing nasa mansyon na ang pumatay kay Vincent.
"Namnamin mo ang ilang oras na narito ka sa mansyon, dahil tiyak kong pupulotin ka kung saang putik nagmula!" mariing sambit ni Victoria.
NAG-AAGAW na ang dilim at liwanag nang dumating si Ella at Marrie. Nakatayo si Yumi sa gilid ng gate, napangiti siya nang makitang muli ang dalawa. Nagyakapan sila at hindi nagtagal ay pumasok na sa loob ng mansyon.
"Salamat naman at kumpleto na rin tayong muli," lumapit si Manang Fe sa tatlo.
"Manang, Fe..." patakbong lumapit ang dalawang bagong dating sa matanda at sabay na yumakap. "Na-miss ka namin."
"Sus, batang 'to! Parang isang taong nawala. Wala pa ngang isang buwan na wala kayo rito sa mansyon, e!"
"Namiss n'ya po luto mo eh!"
Siniko ni Marrie ang katabing dalaga, "Ang ingay mo!"
Nangingiting napa-iling si Yumi. Bigla namang sumulpot si Dalia, bitbit nito ang isang plastik ng basura.
"Manang, kumusta ka naman ho rito?" tanong ni Marrie na ang mata ay nakasunod sa lumabas.
"Naku! Dapat pala ay sumama na lang ako sa inyo, alam ko naman na babalik din tayo dito sa mansyon."
"Bakit ho? Anong nangyari?"
"May isa kasi rito na kung umasta ay dinaig pa ang amo. Wala namang karapatan sa mansyong naiwan ni Master." Habol tingin ni Manang Fe si Dalia.
Nakikinig lang si Yumi sa mga ito. Alam naman niya noon pa man kung kanino ang tiwala ni Dalia, magkagayunpaman ay hindi siya nawawalan ng pag-asa na papanig ito sa kanila.
"Ganoon ba, Manang Fe! Tama lang pala ang desisyon namin na umalis na rin at kung nagkataon pala'y isa rin ako sa kakawawain dito."
Pumasok na si Dalia. Lumampas ito sa kanila ngunit huminto rin. "Bakit hindi pa ninyo tumbukin? Ako ang pinagti-tsismisan ninyo!"
"Hindi iyon tsismis, 'te! At oo. Ikaw ang pinag-uusapan namin. Alam naman namin ang kulay ng ugali mo." Pinandilatan pa ito ni Ella.
"So?" Humarap itong nakapamaywang sa tatlo. "Pakialam ko ba sa inyo! Hindi naman kayo ang amo ko. At dapat lang na palayasin kayo rito kasi hindi naman nababagay ang mga katulad ninyo sa mansyong ito. Sana nga ay hindi na kayo bumalik at isinama n'yo na rin sana ang matandang iyan," inginuso ni Dalia si Manang Fe.
"Aba! Tingnan mo nga naman. Saan kaya humuhugot ng kakapalan ng mukha ang babaeng ito? Wala pang galang sa nakatatanda sa kanya. Aba'y iba ka rin no!" Nais nang sampalin ni Marrie ang bastos na dalaga, nagpigil lang ito dahil nakatitig si Yumi.
Ngumisi si Dalia, "At bakit ko naman siya igagalang? Utusan lang naman siya rito. Katulad ninyo, mga utusan din kayo."
Naningkit ang mata ni Ella, kanina pa rin ito nagpipigil. "Ano ka sa tingin mo? Madam? May-ari nitong mansyon? At tsaka, bakit yata sobra ang galit mo sa amin? Naiinggit ka!"
BINABASA MO ANG
YUMI and the GOLDEN MANSION(Complete)
RomanceTaga-laba, taga-luto, taga-linis ng bahay, ilan lang ang mga iyan sa naka-atang na gawain kay YUMI. In short, all around maid but no sahod. Magbabago lamang ang takbo ng kanyang buhay nang magkrus ang landas nila ni VINCENT--ang binatang hindi malam...