xxx

5.2K 109 0
                                    

---Chapter 20: xxx

Xyrene's POV

Nandito pa rin si Rex sa ospital at binabantayan ako kasi baka hindi pa daw bumalik si Kyle

"Bespren alam mo bang tinawagan pa ko ng ulol na yun para sunduin siya..paspecial eh" reklamo ni Rex habang kumakain na naman ng prutas na bigay sakin =___=

"nagrereklamo ka pa eh kinakain mo na yang mga prutas ko mukhang sarap na sarap ka pa...nakikain ka pa dito" sabi ko sa kaniya at nagpeace sign lang siya

hay nasan kaya si kyle? oo na gusto ko na siyang patawarin...mahina kasi ako kaya nagawa kong magattempt ng suicide at dahil na rin sa mahina ako eh madali akong mag-give in kaya gusto ko na siyang patawarin. haist

"wag mo na isipin si kyle nagi-emo lang yun...babalik din yun dito mamaya" sabi ni rex at aba pinanindigan niya talaga ang pagkain ng prutas ko

"lumayas ka na nga dito inuubos mo yung prutas ko >3<" sabi ko sa kaniya

"aba bespren bayad na to sa pag-abala sakin ni kyle...dahil to sa kaartehan niyong dalawa. hay naku sakit pa rin kayo sa ulo...hindi na kayo nagbago simula nung high school tayo tsk" reklamo niya at ngayon niya pa naisipang ireklamo yan porket kinain niya yung prutas ko ibabaling niya naman samin ang sisi...ibang klase talaga tong si rex =_=

hindi ko na siya pinansin at binuksan ko na lang yung tv dito...sayang naman kasama to sa babayaran ko dito noh.

bigla namang bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwal ang lalaking kanina ko pa hinihintay

balik na naman ako sa stiff mode ko...ayoko muna siya kausapin

tingnan mo ang bipolar ko..kanina gusto ko na siyang makita tapos ngayon ayaw ko na naman siyang kausap ><

nakangisi lang si rex kay kyle....

kaya pala... tsk...may dala kasing pagkain si kyle. patay gutom talaga tong si rex akala mo hindi mapera at hindi nakakain ng ilang taon tsk

tumayo si rex at kinuha yung plastik ng pagkain kay kyle.

"salamat pare...gutom na ko eh" sabi niya at kinuha yung isang styro dun

gutom daw siya eh andami niya ng nakain na prutas dito  -__-

lumapit naman sakin si kyle kaya kinabahan ako bigla...shocks bakit ganito. kinakabahan ako ><

"ayos lang ba pakiramdam mo? bumili ako ng pagkain...kumain ka muna" sabi niya with his malambing tone

namiss ko siya...miss na miss

gusto ko siyang yakapin kaso nahihiya ako...hindi ko nga alam bakit ako nahihiya at kinakabahan ako ngayong nasa harap ko siya

parang teenager akong hindi mapakali dahil nandiyan yung crush ko

pero asawa ko na to at dapat sanay na ko kahit na long time crush ko pa siya at first love...well sabi nga nila

hindi nababawasan ang charms ng taong mahal mo sayo kahit na sa tingin ng iba siya na yung pinakapangit sa mundo

sa part ko hindi talaga nababawasan charms ni kyle sakin simula nung makilala ko siya...pero hindi lang ako nakakaranas nun...maraming babae na kung kiligin akala mo walang asawa tong si kyle at sa mismong harap ko pa sila nagpapacute sa asawa ko

"xy...kausapin mo naman ako" sabi niya at halata ko yung lungkot sa mata niya..nakatitig lang pala ako sa kaniya kanina pa

"ah labas muna ko ha...iwan ko muna kayo" sabi ni rex at napatingin naman ako sa kaniya tapos nagwink siya sakin na parang inaassure ako na ok lang na makipagbati kay kyle kasi ganun din mangyayari sa huli

Devil and Casanova's Status: MARRIED BOOK 1 & 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon