Their story

4.4K 104 3
                                    

---Chapter 19: Their story

Kyle's POV (Deanne's older brother)

"Is that Kyle? Yung sikat na model sa America? Omg papicture tayo!!!"

Yan ang naririnig kong mga bulungan dito sa airport pero naglalakad lang ako ng mabilis. Iniiwasan ko talagang may lumapit sakin para hindi maconsume yung time ko sa pagpapapicture nila.

Nakita ko na si Rex. Bestfriend ko yan simula pagkabata at nagpasundo ako sa kaniya. "Grabe pare alam mo bang busy ako ngayon. Paspecial ka pa, sakin ka pa nagpasundo. Tsk ano bang problema..bakit ka umuwi? Asan pala si Xy?" tanong niya habang nagdadrive. Ang daldal talaga ng isang to walang pinagbago

Hindi ako sumagot kaya napatingin siya sakin. "Grabe pare ha ako na tong sumundo sayo tapos napakaaccomodating mo pa sobra. Ang dami mong sagot sa sinabi ko kanina. Di ka pa rin nagbabago" sabi niya pero ako eh dumungaw lang sa labas ng bintana. Wala ako sa mood magexplain sa kaniya kaya mamaya ko na lang sasabihin.

"Teka bakit pala tayo pupuntang ospital?" tanong niya ulit...sabi ko naman sa inyo madaldal talaga yan. Bibig babae eh.

"Xy is there" sabi ko at napahinto naman siya bigla ng sasakyan. Nagbusina yung mga nasa likod naming sasakyan. Siraulo talaga to. Nasa gitna kami ng highway! Pinaandar niya din agad at nagdrive siya tapos medyo bumilis yung takbo niya.

"Papatayin mo ba ako?!" galit na sabi ko sa kaniya

"Yan may nagkaexpression ka din...bakit nasa ospital si Xy?" seryosong tanong niya. Bestfriend din ni Xy tong si Rex. Naging magbestfriend na din sila simula nung naging kami ni Xy. Wala lang... kasi daw bestfriend ako ni Rex kaya dapat bestfriend na din siya ni Xy. Pero walang romantic relationships na namagitan sa kanila katulad ng nangyayari sa ibang storya. Parang magkapatid lang silang dalawa.

"We had a fight" sagot ko at tumango lang siya. Marunong naman palang tumahimik eh. Tapos nagdrive lang siya ng mabilis.

**

Nasa ospital na kami at nakita ko na naghihintay si Deanne samin. Medyo nagalit ako nung nagsinungaling sakin si Deanne pero ok na kasi alam ko naman na wala siyang kasalanan.

Hindi tamang isisi ko sa iba ang maling nagawa ko.

"Kuya..." sabi niya ng nahihiya at yumuko pa

Ginulo ko lang ang buhok niya at napatingin siya sakin kaya ngumiti ako sa kaniya. Bilang lang sa kamay ang mga taong nginingitian ko at yun ay ang malalapit lang sa buhay ko o kaya kapag may photoshoot ako pero minsan na lang naman yun.

Pumasok na kami sa ospital at ginaguide lang kami ni Deanne. "Kuya pasensya na talaga..ayaw kasi ipasabi ni ate kaya no choice ako." sabi ni Deanne bigla habang naglalakad kami

"It's ok" sagot ko naman. Maya-maya eh tumigil siya sa tapat ng isang kwarto. Napatingin naman ako sa kaniya.

"Nasa loob pa si Kiel at anak namin...papalabasin ko muna sila tapos saka ka pumasok." sabi niya at nag-agree naman ako. Hinawakan lang ako sa balikat ni Rex at ngumiti siya.

Pumasok na nga dun si Deanne. Narinig ko pang tumatawa si Xy bago isara ni Deanne yung pinto. Hindi ko alam kung anong excuse ang sasabihin ni Deanne para makalabas sila.

Nung makalabas sila eh tumango lang sakin si Kiel. Kilala ko yan syempre at alam ko ang mga nangyari sa kanila. Hindi lang ako nakauwi nung nagkaproblema sila kasi sobrang busy ako nung time na yun.

Tapos eto na...hinihintay nila akong pumasok. Five minutes na ang nakalipas at di pa rin ako pumapasok.

"Hoy pare ano na? Nabahag na ba yang buntot mo?" sabi ni Rex at sinamaan ko lang siya ng tingin tapos tumawa naman siya

Devil and Casanova's Status: MARRIED BOOK 1 & 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon