Kinaumagahan, tulad nga ng plano ng bida natin e desidido talaga syang sunduin si joy. Bagamat di alam ng dalaga ang nararamdaman ng kaibigan kong ito ay desidido na syang kausapin ni Tanunoy mamaya upang magtapat ..?
Ewan ko dahil di ako sigurado sa bagay na yun.Torpe kase e! Walang tiwala si Tanunoy sa sarili,kaya kahit na mi nararamdaman e takot parin magsabi ' sabagay sino ba di takot sa rejection " lalu na kung galng sa taong gusto mo.
First time mainlove ni Joseph at sa tao pa ' Haha Joke ..Kaya nung sinabi saken ni Alan nung hapon paguwi ko na susunduin namin si Joy ay pumayag na din ako ' Sabagay kasama ko naman ang mga tropa e.
Pero ang totoo inis ako dahil pagud na talaga ako nung paguwi ko.
Makikita mo sa mukha ng ating bida ang kakaibang kaba pero tutuloy pa din siya ' Maganda to desidido ang Pare ko! Mas Maganda pa din ang nasa isip ko dahil siguradong makalasingit ako ng asar mamaya ' Haha ...
Yun o kumpleto tayo " masayang masaya na naman si Alan habang sinasabi to
(Mongoloid talaga ' haynaku)
Tara na mga Pare para makauwi tayo agad " sabi ko
Nilakad namin sa amin patungo sa eskwelahan ni Joy. Malapit lang naman yun pero kapagud pa din.
Dumating kami sa eskwelahan ng mag aalas singko na. Maganda yun dahil kunti na lang labasan na ni Joy.
Nagantay kaming lahat sa labas , Biglang nakita namin si Ongking ..
Si Ongking o ' napansin sya ni Mark Rigo
Onga nu ' tawagin nyo sabi ko
Hoy tuLo! Sigaw ni Alan
(Masaya pa ang kupal)
Mi tulo yan ate! Dagdag pa nito
Tumawag ito sa pansin ng lahat at syempre ki Ongking.Gagu talaga si Alan ' sumigaw sya ng ganun ng paulet ulet samantalang tahimik lang si Ongking at namumula ' nahihiya sya.
Oi kuya ' totoo yun? Mi tulo ka na? Tanong ng isa sa mga estudyante.
Ha?
(Yun lang ang nasabi ni Ongking na di na nakaimik pa. Di na nya alam ang sasabihin. )
Pinagtitinginan na si Alan habang masaya pa ring nangangasar. Iniisa isa nyang sabihin sa lahat na may tulo na si Ongking ' pinipigil ko na sya dahil naawa ako ki Ongking.
Hoy!tumigil ka nga!pinagtitinginan na si Ongking o ' ang ingay mo jan e mamaya masuntok ka! Sabi ko sa kanya ng seryoso para tumigil na
Tuwang tuwa lang sa gilid si Ariel at Mark Rigo sa isang tabi. Tumatawa lang sila ng mahina dahil sa mga nangyare.
Si Joseph?
Ayun!
Ang bida natin seryoso ' parang mananakmal na unggoy sa pader. Tinitingnan nya isa isa ang mga estudyanteng lumalabas. Sabagay yun naman talaga ang pakay namin.Ang sunduin si Joy.
Sa sobrang hiya bumalik muna si Ongking sa loob ng eskwelahan.
Tumigil na din si Alan nung oras na yun pero kita sa mukha nya ang tagumpay. Paborito kase talagang asarin nito si Ongking e.
Mabilis na naglalabasan ang mga estudyante pero wala pa din si Joy. Naiinis na ko'pagud pa ko..
Anu na noy!Tagal naman '!alam na susunduin tapos antagal ' baka absent yun ' sabi ko na medyo inis na.
Ha?
(Nagulat ang bida saken. Seryoso pa din talaga sya)
Pumasok yun vin'sabi kanina saken ni Ongking 'tugon saken ni tanunoy
Dahil nakita ko sa mukha nyang desidido sya,tumahimik na lang ako at matyaga na lang ako nagantay.
Talagang umiibig na si boy kulot.Kulot kase si Tanunoy.
Sa Gilid walang pakialam si Ariel at Mark Rigo.Kinikilatis nila ang mga estudyanteng babaeng nalabas.
"Black beauty pare o ' sabi ni Ariel na nakatingin sa isang estudyanteng parang mi inaantay.
Yung isa Yeng o ' Mas maganda yun ' tugon ni Rigo
Samantala si Alan ay nakahalatang inip na ko.
Vin,Hihi!easy lang 'palabas na yun '
Sabi nya.
Di ako umiimik ng biglang ' Ayun!
Palabas na si Joy ..
Palabas sya at mi kasamang isang lalake na estudyante din dun.Tinawag sya ni Alan pero dedma lang, parang walang napansin.Makikita mong parang biglang nadismaya si Joseph ' umalis sya sa kinatatayuan at nagyaya ng umuwi.
Kitang kita ang di maipaliwanag na emosyon sa di maipaliwanag na mukha nya. Kung masama na mukha nya mas sumama pa ngayon.
Tara na!Sigaw ko .Galet na ko nun ' naawa na ko ki unggoy este nunoy. Talagang pag nagkita kami ni Joy tiyak tatanggap saken ng masaket na salita yun. Oo masaket!Masaket talaga ako magsalita.
Umuwi nga kaming lahat.Habang naglalakad nagaasaran pa din si Alan at Ongking .
Gagu ka a ' kapal mo kanina ' suntukin kita e. Sabi ni Ongking pero bahagya lang. Malaling tao kase si Alan. As in malaki! Mula ilong hanggang tiyan.Kaya anlakas ng loob asarin si Ongking.
Haha. Talaga naman e ' TULO!
balik ni Alan sa kanya
Hayaan mo na Pre ' Ganyan talaga
Sabi ko ki Tanunoy.
Naawa ako sa kanya.
Oo pre. Malungkot nyang sabi.
Malungkot sya hanggang sa nakauwi kami.Di na din sya lumabas nung gabing yun.Di na kami nagtaka.
Nagbibilang na naman ng kalamansi yun ' sabi ni Alan.
(Nagtawanan kaming Lahat)
Masaya pa din ang naging pangyayare nung gabing yun saming tambayan.Bagamat mi isang pusong sawi sa aming lahat.