Kahon ng Kahapon

560 21 28
                                    

[url=http://postimg.org/image/km5r2q7tx/][img]http://s10.postimg.org/km5r2q7tx/kahon_design_jpeg.jpg[/img][/url]

KAHON NG KAHAPON

Christopher Manuel (August 16-17, 2012)

 “Gab dumaan kanina ang nanay hindi ka na pinagising,” banggit ni Ana habang kumakain kami ng hapunan.

“Bakit naman daw? Kailangan ba isugod na naman si tatay sa ospital?” marahan kong tugon. Magtatatlong taon na kami magkasama ni Ana bilang mag-asawa at sa tagal na yun hindi niya ako nabigyan ng sakit ng ulo. Bihira din siya magkasakit at di masyado mausisa, marahil isa yun sa mga katangian na nagustuhan ko sa kanya.

“Hindi naman, may iniwan lang siya. Ibigay ko daw sayo pagkagising mo. Sandali at kukunin ko nasa ibabaw lang naman ng ref,” sabay tayo at humakbang ng dalawang beses at abot sa ibabaw ng ref. Sabay sa pag-upo niya ay paglapag niya sa maliit na lumang kahon ng sapatos, marahil isa ito sa mga lalagyan ng sapatos ng maliit pa ako.

“Ahh okay. Iwan mo lang diyan mamaya ko na titignan ano laman. Tapusin ko lang itong hapunan natin. Ang sarap mo talaga magtorta ng kamatis, at maganda nabili mo tuyo ngayon di tulad ng nakaraang linggo nadudurog sa kawali,” totoo lahat ng sinasabi ko. Kung hindi siguro ako mahilig magbasketball baka sobrang taba ko na sa sarap magluto ng asawa ko.

Tumayo ako saglit para abutin ang bote ng suka para dagdagan ang nasa platito na halos ubos na sa kakasawsaw namin ng tuyo at bahagyang sinasabaw sa sinangag. Sinangag na gamit ang mantika ng tuyo at tadtad ng bawang. Naalala ko tuloy ang tatay, sa lahat ng luto niya ito ang pinaka gusto ko, ang kanyang sinangag. Nakaugaliaan na rin naming kumain ng sinangag sa gabi lalo na kapag umuulan.

Naglilipigpit na ako ng pinggan habang nagpupunas ng mesa si misis ng meron siyang naalala, “Gab diba a-siete ngayon? Baka kaya nagpunta ang nanay kasi birthday ni tatay ngayon?”

“Baka nga,” walang damdamin kong sambit. Bakit ba ako dapat ma exicited sabi ko sa aking sarili. Eh wala naman ako matandaan umattend ng birthday party ko ang tatay ko. Maging simpleng kainan naming pamilya wala siya. Dumarating naman siya kapag tapos na ang kainan o okasyon. Graduation ko nga ng elementary, high school at college wala rin siya. Kinder ko lang siya naalala nag attend ng granduation ko. Maysakit lang si nanay kaya napilitan siya pumunta.

“Ano ka ba? Hanggang ngayon ba nagtatampo ka pa kay tatay mo?” paguusisa ng aking kabiyak habang naghuhugas ng pinggan. Hindi ako kumibo habang nagsisipilyo sa banyo. Binibilang ko ang mga araw ng wala siya sa mga mahahalagang okasyon para sa akin. Masaluhan man lang niya ako sa isang araw na espesyal sa akin okay na sana. Kaso bukod sa Kinder ako wala na iba ako maalala na nandun siya.

Nung birthday ko nga ng bente uno ako araw ng hapunan sigurado ako na makakasama namin siya. Hindi ako pumasok ng trabaho nun at di ko na rin pinapunta ang mga kaibigan ko para solo lang kami pamilya. Nasa kuwarto lang siya siya sa taas at may kinuha habang naghihintay kami ni nanay sa hapagkainan sa harap ng bihon-canton gisado at ulo ng baboy na pinaluto daw ni tatay sa bakery ng kapit bahay. Mga sampung minuto na kami naghihintay ng may marinig kaming kalabog. Pag akyat naming sa kwarto ay nakabulagta si tatay duguan. Medyo basa din ang damit na tila nabasa sa ulan eh hindi naman umuulan sa amin at nasa loob siya ng bahay. Di namin alam bakit nagkaganun si tatay.

Kahon ng KahaponTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon