22 Daddy's Identity

5.9K 257 29
                                    

[ALANA]

"Class, kindly welcome your new classmate, Miss Alana Manicci."

Kita niya na walang reaksyon na sumilay sa mga mukha ng mga bago niyang mga classmates. Ang iba nagtitipa sa kanilang mga cellphone at ang iba naman ay busy sa pakikipagusap sa katabi.

"Miss Alana is a late enrolly pero I hope na you all will get along. Alana, may sasabihin ka ba? Introduce yourself."

Grabeng kabog ng kanyang dibdib. Ipapakilala pa niya ang kanyang sarili?

"Um, he-hello. My name is Alana. Ni-nice to meet you." Bati niya. Prinaktisan niya papaano bumati. Sabi ni Roman, mas maikli, mas mabuti.

"Okay. Thank you, Alana. You may now take your seat. May vacant chair sa likuran. Now, let's start our attendance!"

Umupo siya sa second to the last seat sa may bandang bintana. Binuksan niya ang kanyang bag at naglabas ng notebook ng may tumapik sa kanyang likuran. Nilingon niya ito at may babaeng todo ngiti at kumaway sa kanya.

"Hi. My name is Sarah. Nice to meet you." Mahinang bati nito sa kanya.

"I-ikaw din. Nice to meet you."

"Friends na tayo, ah?"

"Huh?"

"Mamaya sa recess, sabay tayo. Itu-tour din kita sa buong school basta friends na tayo."

"Si-sige, ikaw ang bahala."

"All of you are present so, let's start our first lesson for today!"

Nawala ang kanyang kaba at pagaalinlangan. Hindi niya inakala na agad-agad may papansin sa kanya at gusto siya agad na maging kaibigan. Sa wakas, may isa na siyang kaibigan!


(Recess Time)

Unang lesson pa lang ng klase, nangangapa na siya. Ang hirap intindihin ng mga lessons at hindi din niya maintindihan ang mga sinasabi ng guro. Grade six pa lang siya noon huli niyang pasok sa eskwelahan kaya kahit anong intindi niya sa klase, nahihirapan pa rin siya. Mukhang magiging doble kayod siya sa pagaaral nito. Kailangan may gawin siyang paraan para makahabol.

Recess time na nila at bilang pangako ni Sarah, sinuyod nila ang buong eskwelahan. Ginawa na niya ito kasama si Roman pero gusto kasi ni Sarah bilang pasasalamat na magiging magkaibigan silang dalawa.

Pagkatapos ng tour nito sa kanya, pumuwesto sila sa sports ground. Dala-dala ang mga baon nila, umupo sila sa may damuhan tanaw ang mga estudyante na naglalaro ng baseball.

"Sabi ko na kay Mama na ayoko ng gulay. Tinodo pa talaga niyang lagyan ng kamatis at lettus ang sandwich ko." Dinig niyang reklamo ni Sarah sa pagkain nito.

"Bakit naman? Masustansya ang gulay." Sagot niya.

"Eh, hindi ako sanay. Mas gusto ko 'yun bento boxes na ginagawa ng mga Japanese. Ang ku-cute at nakakatakam kainin. Super kawaii!"

"Huh? Bento? Kawaii?" Ano 'yun?

"Ay! 'Di mo alam 'yun?! Japanese yun na lunch box. Maraming mga cute na designs!"

"Um, di ko pa rin alam ano ang mga 'yan."

"Really? Hindi mo alam?! Teka, saan ka ba nanggaling at parang wala kang masyadong alam sa mga nangyayari sa world at sa social media?"

Hindi na niya talaga gets ang pagngangawa nito. Kasama ba 'yan sa lesson nila kanina? "Um, internet ba ang sinasabi mo? Naku, hindi ko pa kasi alam 'yan. Kakabili lang kasi sa akin ni Ro--- Da-daddy ng cellphone."

The Billionaire's AdoptedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon