Epilogue

6 1 0
                                    

#LovingMathew

Since I was 10 years old, I always wanted to have a happy life just like how I watched in televisions and read in books.

Until now, now that I'm 16 lagi ko pa din talagang hinahangad ang pag kakaroon ng maganda at masayang buhay.

I am striving hard to graduate in Senior High School this incoming March–

"Mikaaaa! Putangina kang bata ka, wala ka ng ginawang tama!"

Kamuntikan ko ng nabitawan ang huling platong aking binanlawan.

Lumabas ako ng kusina upang salubungin si Tita Cynthia na lasing na lasing galing sa kanyang mga kaibigan sa kapitbahay.

Inalalayan ko siya hanggang sa makapasok sa kanilang kwarto. Halos gabi gabi'y ganito ang lagi kong ginagawa sa bahay pag kagaling ko sa eskwela.

"Bukas na bukas, wag ka ng pumasok sa iyong Trabaho. May nag hihintay na bagong trabaho para sa iyo."

Iyon ang huling salitang binitawan ni Tita bago siya tuluyang nakatulog. Kumuha ako ng basang bimpo at pinunasan ang mukha at mga kamay niya upang kahit papaano'y maging komportable siya sa pag tulog.

Nag ta trabaho ako sa isang Milktea Shop malapit sa Barangay Hall. Nag sisilbing baon ko sa mga susunod na araw.

I went to my room and locked the door. Sinubukan kong matulog ngunit hindi manlang ako datnan ng antok kaya nama'y kinuha ko ang aking cellphone upang I-text ang kaibigan ko.

To: Travis

Trav, pwede bang i-excuse mo ako na hindi ako makakapasok ng trabaho bukas? Tita Cynthia told me that there is a new work that is waiting for me. Kahit sabihin mo ng may sakit ako. Please?

Travis is my best friend since I was Grade 1. Meron na siya bago nagging komplikado ang lahat. He was a year older than me pero the same grade level kami since I was accelerated. They are one of those Elite Family that is known in this Province - Aurora pero kahit na ganoon ay never siyang nag yabang. I am proud of him because of that.

Nagising ako nang mga alas singko at pinag handa si Tita ng kanyang umagahan dahil paniguradong masakit ang kanyang ulo ng dahil sa alak.

"Mika, ito ang isuot mo at pumunta ka sa The Dridge Café mamayang alas sais ng gabi."

Napatingin ako sakanya. Ngumiti ito sa akin na nag bigay ng milyong milyong kaba sa akin.

Ibinigay niya sakin ang isang High Waisted Shorts na kulay itim at ang isang Tube Top na kulay Maroon. Ibinigay niya din sa akin ang isang sandal na hindi gaanong ma taas.

Nanginginig ang kamay kong inabot ito at ipinasok sa ain kwarto.

Pag patak ng Alas Kwatro, hindi na ako tinantanan ni Tita Cynthia na mag handa na daw ako dahil baka ma traffic daw.

Isinuot ko ang ibinigay niya sa aking damit na nag pakita sa magandang hubog ng katawan ko. Lumabas ako ng kwarto dala ang aking Cellphone at Panyo.

Hinila ako ni tita at pinahiran ang aking labi ng kulay pulang lipstick.

"oh eto!" nilahad niya sakin ang dalawang daang piso sa aking kamay "pamasahe mo papunta at pabalik ditto. Galingan mo ha!" iyon ang sabi niya bago ako lumabas ng bahay.

Sumakay ako sa jeep papunta sa kabilang bayan kung saan nandoon ang paradahan ng mga Bus patungong Isabela kung saan ako nararapat pumunta.

Sa aking pag baba, namangha na agad ako sa ganda ng The Dridge Café, isa lang ito sa pinakamaliit na establisyimento ngunit ito ay napaka ganda at hindi mo agad masasabi na maliit nga lang ito.

"Good Evening! Any Reservation Ma'am?" hindi ako nakapag salita dahil sa pag ka maghang nakita ko pag pasok ko rito. Ang establisyimentong ito ay may pinag halong Spanish and Itallian Style na Moderno.

"Oh Ano nalang po ang inyong pangalan, Ma'am?"

"Ah, M-mikaela Chan." Ngumiti ako sa hiya at tinikom ang aking bibig.

"Oh, this way po." Iginiya niya ako sa may gilid ng Café kung saan tanaw mo ang ganda ng Dagat at Buwan sa gilid nito.

Nakita ko ang isang lalaking hindi ko kilala. May katandaan na ito. Mukhang mas bata lang ito ng kaunti kay Tita Cynthia.

Umupo ako and hindi nag salita. Umorder siya ng mga best-selling na inumin at pasta na siyang inihanda sa aming harap. Kumain muna kami at nang natapos

"Tara na at umpisahan na ang dapat nating gawin. Ang sabi ng Tita mo'y unang beses mo palang ito.."

Napakunot ako nang bigla niyang hinakawan ang aking hita sa baba ng lamesa. Napa tayo ako dahil sa pag kabigla.

"Ano pong ibig niyong sabihin?"

Hinili niya ako palabas. Mahigpit ang hawak niya at pilit akong kumakawala.

"Wag kang maarte. Malaki ang utang ng Tita mo kaya sumama ka na."

Nakita ko ang itim na Van sa aking harapan. Punong puno ng Kaba ang nararamdaman ko at nag sisimula na akong humingi ng tulong ngunit nasa loob lahat ng mga ito.

Nag simula ng tumulo ang luha ko. Tinadyakan ko siya sa pribadong parte niya at dun akoy tuluyang nakawala at tumakbo ng tumakbo palayo sakanya.

Palayo sa mga taong dapat masanggahan ko sa buhay ngunit piniling mapunta ako sa taliwas na daan.

-------------------------

Hi loves! Can I have 10 votes for the First Chapter? Pleaseee? Godbless y'all! 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 02, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Loving MathewWhere stories live. Discover now