"Gia, uwi na tayo. Parang feeling ko di ko kayang makisalamuha dito eh." agad na pigil ko kay Georgia ng huminto ang sasakyan niya sa parking lot ng isang high end na bar malapit sa university na papasukan namin.
"Ano ka ba, Aella? Try mo kaya'ng kumawala jan sa hawla mo, ano?" ani Gia, tinanggal niya ang seatbelt niya at muling tumingin sakin, "We're just gonna' have fun tonight! Right, Mavi?" sabay lingon niya kay baklang Mavi na nasa backseat.
"Yes, gurl! Enjoy your youth, di habang buhay bata ka no! Try something new, hindi yung lagi kang nasa safe zone mo." maarte'ng sabi niya.
They both look at me, kaya naman wala na kong nagawa kundi ang buksan ang pinto ng kotse at bumaba. Sumunod naman sila ng may malalawak na ngiti, ngiti'ng bunga ng pagpayag ko sa gusto nila.
Sabihin nating hindi talaga ako sanay sa ganito, yung mahilig makihalubilo at makisama sa iba. Going to bar is not an Introvert style. Yep, you read it. I'm an introvert kind of person, kaya naman si Mavi at Gia lang ang kaibigan ko. Dahil sila lang din naman ang naglakas loob nung elementary na lumapit at kausapin ako.
"Wag mo sabihin hindi ka man lang nag-bar sa states, teh?" tanong ni Mavi habang nakapila kami papasok sa loob ng bar. Agad naman akong umiling sakanya, "My god?! Kahit uminom di mo natry doon?"
"Hindi. Kilala niyo naman ako eh." hindi ko na narinig pa ang sunod na sinabi ni Mavi dahil agad akong hinila ni Gia papasok.
Maingay, mausok at puro neon lights ang bumungad pagpasok namin doon. Maingay dahil sa tugtog at mga naghihiyawang tao sa dance floor, mausok naman dahil sa fog machine na naroon din.
Guess what? First day of school namin bukas pero eto kami sa bar at mukhang balak pa nilang maglasing.
"Dito tayo!" halos di ko na marinig ang sigaw na yon ni Gia, kaya naman nagpatianod na lang ako sakanya.
Umupo kami sa komportableng upuan na naroon, malayo sa dance floor at nagkakarinigan ang mga naguusap. Sinenyasan pa ni Gia ang waiter at agad na um-order ng mga inumin. "Tequila for two." sabi pa niya sa waiter. "Ano sayo, Ae?" baling niya sakin, naghihintay ng sasabihin ko.
"Wala. A-Ano tubig na lang." nahihiya ko'ng sabi dahil wala naman akong alam sa mga hard drinks.
"Pft, tubig?" umiiling na sabi ni Mavi. "Tequila for three." biglang baling ni Mavi sa waiter. Agad naman akong nagprotesta sakanila pero wala na ring nagawa dahil agad na umalis ang waiter at inasikaso ang order nila.
Since elementary ay magbebestfriends kami, napahiwalay lang ako sakanila nung first year high school dahil nagmigrate ang pamilya ko sa states. Good thing magkakabusiness partner ang mg parents namin, kaya minsan kapag may meeting ay nagkikita-kita kami.
"My god, may nakikita na ko'ng masarap!" malanding anang pa ni Mavi habang sumusulyap sa dance floor. Nung tumingin naman ako doon ay wala naman akong nakita dahil madilim doon, umuusok pa gawa ng fog machine kaya medyo malabo ang mga tao sa paningin ko mula dito sa kinauupuan.
"What!? Nandito ang A4?" bulaslas ni Gia dahilan para mapatingin ako sakanya. A4?
"A4?"
"Mga feeling F4 sa North Hale. Dun ka na rin naman papasok simula bukas kaya makikita mo ang sinasabi ko." paliwanag pa ni Gia. Bumaling naman ang mga mata ko sa table na medyo malapit samin.
Siguro ang A4 na sinasabi nila ay ang apat na lalaki'ng pinapalibutan ng mga babae, ang iba ay tumitili pa sakanila. Napailing na lang ako at bumaling sa waiter na kakalapag lang ng order namin sa table.
BINABASA MO ANG
First Kiss Stealer!
RomanceWould you believe it that someone lost its first kiss at the bar? At ang mas malala, sa stranger pa! Aella Ramirez, who has generational wealth encounters Lorenzo Aragon, the son of their business rival and the most arrogant guy in the campus she j...