Kabanata 1
"Welcome to North Hale University! I will be your tour guide today, my name is Agatha Cierra Marquez, the President NHU's Supreme Student Government. If there's a problem, pwede niyo'ng idulong yan sa opisina ng council namin." masayang bati samin nung babae'ng nagpakilala as President ng council. Maganda siya at maiksi ang buhok, halata sa mukha niya ang pagiging masayahin.
Napatingin naman ako sa cellphone na hawak ko, nagvibrate kasi ito at napagalaman ko na nagtext pala si Gia.
From: Georgia
Hey? Where are you? Sabay tayo!
Nasa school na ako ikaw?
This early? Why?
Yup, tour sa campus. Briefing.
Ay oo nga pala! Well, kitakits na lang tayo! Anong section mo pala?
H11-A, binigay na kasi ID ko kanina. Ikaw?
Nice! Kaklase ka namin ni Mavi!
Magrereply pa sana ako sa text na iyon ni Gia ng bigla naman akong tawagin ni Agatha. Naglalakad na pala silang lahat at ako na lang ang naiwan sa kinapupwestuhan namin kanina. Agad akong humabol sakanila.
"So I was saying, North Hale University was founded in 1945 by Mr. Rion Yu. He establish a simple school at first but then nahikayat niya ang mga kaibigan niya na maginvest at palaguin ang paaralan na ito." kasalukuyang ineexplain ni Trina ang history ng NHU, "All of you are juniors except for Ms. Ramirez, right?" nagkatinginan namin kami at ngumiti siya sakin. Magugulat pa sana ako kung pano niya nalaman ang apelyido ko ng maalala ko na pinasulat niya pala ang pangalan namin sa log book na dala niya ngayon. "Para sa juniors, ang alam ko ay ilalabas yan sa pre-assessment test niyo mamaya sa history. Kaya if I were you guys, ite-take notes ko ang mga importanteng detalye about this." turo niya sa history wall ng NHU, nakadikit don ang picture ng founder at co-founders na may kasamang description pati na rin ang kanilang remarkable achievements at kung kelan napasali ang NHU sa interhigh.
Habang nagte-take ng notes ang lahat ng kasama ko ay nakatayo lang ako sa gilid, tulad nga ng sabi ni Trina kanina ay senior ako kaya di ko na kailangan magtake notes nun.
"Anong section mo, Aella Artemisia?" lumapit at nagtanong sakin si Trina.
"H11-A. Aella na lang ang itawag mo sakin." nakangiti'ng sabi ko sakanya.
"Kaklase kita!" masaya niyang sabi sakin.
"Talaga?"
"Oo! Kitakits na lang sa classroom ha? Ihahatid ko pa kasi ito sa office." tukoy niya sa logbook na hawak niya.
Tumango naman ako at pumunta na ulit siya sa harap naming lahat dahil tapos na ang mga juniors dahil sa pagtetake ng notes.
Sunod kaming pumunta sa malawak na hallway ng main building, nandoon ang faculty, registrar office, office of the dean, conference room at teacher's lounge.
Tinour niya pa kami sa iba't-ibang building tulad ng primary building o para sa mga nursery, kinders at elementary. Sa secondary Bldg.1 o para sa mga junior high schools lamang at sa Bldg.2 naman ang para sa mga senior high. Hindi na kami pumasok sa Tertiary department dahil malawak ang building non, mauubusan kami ng oras dahil isa't kalahating oras lamang amg binigay ng dean para mai-tour kami sa campus.
BINABASA MO ANG
First Kiss Stealer!
RomanceWould you believe it that someone lost its first kiss at the bar? At ang mas malala, sa stranger pa! Aella Ramirez, who has generational wealth encounters Lorenzo Aragon, the son of their business rival and the most arrogant guy in the campus she j...