First day of school

14 0 0
                                    


First day of school na bukas! Hmnnn. Hindi ako excited, kinakabahan pa nga ako kasi bukod sa lumipat na kami ng ibang bahay, pinalipat na din ako ni mama sa ibang school. Masyado daw akong matalino/tarantado para sa dati kong school. Hekhkehek.

Bagong bahay, bagong simula, bagong buhay, bagong medyas, bagong papel, bagong ballpen, ilan lang yan sa mga bago ko sa buhay, oOops isama na natin yung bago kong Girlpren, Meet Anne! Teka! Alas dos na pala ng madaling araw, may 3 hours pa akong tulog! Syempre first day dapat fresh tayo pag pasok.Goodnight!

Tiktilaok! Tiktilaok! Tiktilaok! (alarm clock)

6:00 a.m

"hsssssh! Aaaaantok pako. "

napalingon sa paligid, pinatay ang alarm clock at natulog uli. "Another 10 mins. please! " lumipas ang isang oras na di ko namamalayan,

"my goodness late nako! 7:10 na, 7:30 klase ko''

dali dali akong naligo at kumain, sa sobrang taranta ko nakalimutan ko nang magtoothbrush. Ewwwwww. Lumabas ng bahay at naghintay ng tricycle, ilang minuto lang naman ang nakakalipas at biglang may tricycle na dumating, pero................ Imagine mo yung tricycle na sampo ang sakay. Hindi na sana ako sasakay pero bunga ng pangangailangan wala nakong choice.

"saludo ako sa inyo manong! Wala nakong mauupan pero pinasakay nyo parin'' hehehek pabirong mejo inis.

Grabe! Bukod sa kalahating pwet lang ung nakaupo sa upuan, mala fast and furious pa magmaneho si manong yung tipong mapapaihi ka sa bilis. Sa sobrang bilis ng maneho ni manong yung bangs ko biglang tumayo, parang si gotenks na ako ng Dragon balls. Kulang nalang tinaan ko ng dilaw buhok ko. Super Saiyan mode!

Pagdating sa labas ng gate ng school, bumaba ako at nagbayad.

Manong Driver: toy teka! Kulang bayad mo.

Ako: magkano po ba dapat?

Manong Driver: bente dapat, sampo lang binayad mo.

Ako: oooh talaga manong?! Kalhating pwet lang naman yung nakaupo sa upuan nyo e. Sige na, bukas sa inyo uli ako sasakay,

Dali dali kong hinanap ang cr. Mag aayos muna ako ng buhok, First year College nako syempre dapat mejo maayos nako tingnan yung tipong ang ayos ng buhok e parang hinimod ng dila ng baka. Para naman kahit sa first day e mukhang matino tayo, nagpabango din syempre( AXE Temptation) sabi kasi sa commercial lahat ng madadaanan mong babae mapapalingon sayo hehehehez we will prove it.

Basic Accountacy ang first subject ko. Room 128 hinanap ko agad at pagdating ko sa room, nagulat ako sa aking nakita, wtf buong klase nagsisigawan, kanya kanya silang grupo akala ko nasa sabungan ako my pustahan ata ng derby ditto, humanap ako ng bakanteng upuan para umupo. Mejo weird, parang magkakakilala na sila lahat. Maya maya biglang dumating na si Prof. Meet Prof. Wendy isa sa mga batikang Professor sa school na ito. Balingkinitan kulot, at matandang walang asawa, Ms. Masculine ang tawag sa kanya ng mga estudyante, siguro dahil pag ginoogle translate mo ito, masungit ang kalalabasan, kaya sa edad na 45 ay wala pa syang asawa. Hmmmnn yummy! Hehehehehek.

Bigalng nagtayuan lahat ng estudyante at sabay sabay

"Goodmorning Teacher, Goodmorning Classmate"

Napasabay nalang ako sa kanila, mejo weird, napapaisip nako kung tama ba tong course ko o maling room ang napasukan ko.

Ms. Masculine: Allright! Class. Get wamport of paper. Right your name and subject.

Mejo kakaiba na talaga, teka anong ginagawa ng class card? Bakit kelangan pa ng wamport?

Pagtapos ko isulat ang pangalan pinasa sa unahan. Laking gulat ko ng biglang nagsalita si Ms. Wendy

" Please introduce your self" sakin nakaturo,nagtinginan sakin lahat ng estudyante. It feels weird, siguro nga bago ako sa school nato. So I introduced myself.

"hi my name is Jasper Dolores and im 18 year old. I choose accountancy because I love math.' Thankyou'

Then suddenly, lahat sila nagulat at mejo natatatawa. My goodness!

Maling room napasukan ko !!!!

Ms. Wendy said. " toy pogi ka pa naman, pero maling room napasukan mo. Senior high school building to, di moa ta nabasa kanina. Punta ka don sa kabilang building. Dun ang accountancy"

And I was like. Gusto kong mawala ng parang bula. Habang lahat silay nagtatawanan, dali dali akong lumabas na parang walang nangyari. Pumunta sa room na late ako ng 10 mins. Sa klase.

(this is a lovestory, but before we go to the topic, lagyan muna natin ng kwento ng buhay ko. HI im Jasper at ito ang unag kabanata sa Kwento ko.)

One letter in advanceWhere stories live. Discover now