Baguhan lang tayo sa larangang ito—mundo ng mga laro at tukso.
Maging ikaw nga parang nanginginig pa sa pananabik na masilayan muli ako. Pero, ako ba talaga?
Ang bawat titig mo, sakit sa dibdib ko. Kasi hindi naman talaga ako ang kailangan mo. Laging siya, siya lagi.
Minsan napapansin mo ako pero alam ko namang kailangan mo lang ako para protektahan ko kayo.
Oo, pinoprotektahan ko ang mahal mo. Mahina kasi siya at sensitibo ang balat. Pero nahuhumaling ka sa kanya. Diba angsakit nun? Isa rin sa pinoprotektahan mo ang karibal mo para lang maipakita mong mahal mo ang isang taong bulag sa ipinaparamdam mo. Ganun talaga ang pag-ibig. KATANGAHAN ang paiiralin! Dun mo lang masasabi tunay ang pagmamahal kapag tanga ka.
Isang araw, inaalalayan ko ang mahal mo pauwi tayo. Walang imik akong akay ang mahal mo sa daan.
Bigla kaming bumagsak na dalawa. Hindi ka mapakali, mangiyak-ngiyak, "Halla, nabasag na. Buti nalang hindi yung screen! Papalitan ko nalang nga tong protector nito."
Ok lang saken kung palitan mo man ako, basta kahit buhay ko ang itataya mailigtas lang ikasasaya mo.
Sino ba naman akong isang tempered glass kumpara sa cellphone mo?
----Katagang Inspirasyon:
Tempered
BINABASA MO ANG
Dali!
RandomNanghingi ako ng tatlumpung kataga mula sa tatlumpung mga indibidwal. Mula sa mga y'on, pinilit kong igala ang aking kaisipan sa ating kinalalagyan. Mayroon ba akong maiuugnay sa mga katagang nagmula sa kanila? Ito ang sining ko basahin mo... Dali!