Isaw

3 0 0
                                    

Napapatid na ang pagod ko basta't kakain lang ng streetfood!

As a college student, sa school ka lang makakahanap ng break sa dami ng naglipanang deadline sa ere.

Daily routine ko na ang magstop-by sa isang malapit na hilera ng mga kikiam, pishbol, kwek-kwek at ang pinakapaborito ko—isaw.

Itong sila ate, suki ko na pagdating sa isawan. Kasi napakalalaki ng isaw nilang pinagkakasya sa handmade nilang bamboo barbeque stick. Hindi kagaya sa ordinaryong chicken intestine ang isaw nila, kaya mapapa-wow ka sa affordable price na 5 pesos.

Isang araw, since routine ko nang kumain sa streetfood stall nila ate at gutom na gutom ako dahil sa toxic sched ng school, napabili ako ng worth 25pesos na isaw nila ate.

"Ate, ansarap naman nitong isaw niyo!" halos palundag kong compliment habang ninanamnam ang mala-manggang asim-anghang ng kanilang sukang nilagyang pinong tadtad na sili.

"Oo dalaga. Ishpesh-shal yan para babalik balik ka," mejo serious siyang nagsalita pero inignore ko lang.

Mejo nilalayo ko ang uniform ko sa isaw at baka matalsikan kaya slight payuko akong kumakain.

Dalawang isaw pa ang natitira ko at parang busog na ako.

Biglang lumapit ang isang lalaki kay ate. Bumulong lang.

Mejo naintriga ako, so mejo nalapit ako at narinig ko ng kaunti: "wala nang mga batang nakakalat sa daan! paubos na yung isaw kaya maya-maya uwi na tayo. Matumal ang mga batang pagala-gala na ipang-iisaw natin..."

Nagimbal ako. May dalawa pa akong di nakakain? Tama ba rinig ko? Isaw? Bata? Kaya pala malalaki ang isaw nila.

Naduwal ako at itinapon sa daan ang worth 25pesos na binili ko sa isang taon ko nang suki ng favorite kong isaw.

PS. sana nagpishbol nalang ako 😌
-----

Katagang Inspirasyon:
Stick

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 30, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dali!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon