Chapter 03

4.4K 52 13
                                        

Asher Night Crimson

"Night! What happened?" Alalang tanong sa akin ni Nathan na kararating lamang dito sa clinic kasama sina Kristine at Andrew kaya tumayo ako mula sa pagkakaupo kahit masakit pa ang aking katawan. Hindi ko inaasahan na ganun sila parehas kalakas. Nakakatakot.

"Kyme. Kyme attacked her." Sagot ko kahit na alam kong may kasalanan din ako sapagkat sinundan ko pa si Myob. Hindi ko na siya dapat sinundan pang muli kung alam ko lang na mangyayari ito.

"And you did nothing?!" Galit na tanong sa akin ni Nathan at nakita ko na lamang ang aking sarili na hawak-hawak na ni Nathan ang kwelyo ng aking uniporme.

"Dudes, stop it."

"Itigil niyo nan ga 'yan. You guys are not helping!"

Pangbabawal nina Andrew at Kristine sa amin ni Nathan kahit na siya naman ang nauna at lalong hindi ako lumalaban sa kaniya. Wala akong magagawa dahil kasalanan ko naman ito kaya hahayaan ko na lamang siya.

Ilang segundo ang nakalipas at binitiwan niya na ako. Akmang magsasalita na ito nang may biglang tumili mula sa likod nila dahilan upang maagaw nito ang atensyon namin.

"Oh, please! Get out of my way! Where is my dearie?!" Malakas na tili ni Eli kasama ang kaniyang boyfriend. What is this girl doing here? Bakit ba ang daming tao rito na pumunta para kay Myob? Is she famous?

Dahil sa kaniyang nakabibinging tili ay tumabi na lamang kami sa daraanan niya at dali-dali itong pumunta sa mga naka-duty na nurse upang siguro ay magtanong.

"Bakit ba kasi sila nag-away ni Kyme? Bakit siya inatake ni Kyme?" Tanong ni Kristine sa akin at hinatak ako paupo sa upuan na aking kinauupuan kanina.

"Oo nga, dude. Baka naman nagseselos ang jowa mo kay Rei?" Sabat ni Andrew.

Sino si Rei? Sino 'yun? Kung ano-ano kasing tinatawag nila kay myob. Katulad ni Eli, dearie tawag niya kay Myob. Di bale na, I should tell the truth.

Nagpakawala ako ng isang mabigat na hininga bago magsalita, "it was my fault. I shouldn't have approached her. Hindi ko naman alam na mananakit si Kyme." Nakayukong saad ko at narinig ko ang pagbuntong hininga nila.

"Should had burned you before." Rinig kong pasaring ng kararating lamang na lalaki sa pwesto namin. Boyfriend ito ni Eli, si David. Hindi ko na lamang ito pinansin dahil sumasakit pa rin ang katawan ko at sa bawat salita na aking binibitiwan ay sumasakit lalo ang sugat ko.

"Chill, dudes. Wag kayong mag-away baka palabasin tayo rito." Bawal sa amin ni Andrew nang maramdaman namin ang init na batid kong kagagawan iyon ni David.

"I sent a letter to tia Amber at tio Gustavo, sana makita kaagad nila." Sabat ni Eli na kababalik lamang mula sa front desk na batid kong hindi rin siya pinayagan na makapasok sa loob sapagkat kamag-anak lang ang pwede at niisa sa amin ay wala.

Hindi ko na alam kung ano pa ang aking iisipin, sumasakit na ang aking ulo sa mga kanilang pinagsasabi. Ngunit sa kabila ng lahat ay si Myob na lamang ang aking naiisip. Sana naman ay maging maayos na siya, alam kong marami siyang tinamo na sugat at pasa mula kay Kyme, pero batid ko rin na nasaktan niya nang mas malala si Kyme.

Pakiramdam ko kanina ay nanonood ako ng isang laban ng dalawang mababangis na hayop na niisa ay walang gustong magpatalo. Kung sana lamang ay may kapangyarihan ako ay naipagtanggol ko sana si Myob mula kay Kyme kanina ngunit wala.

Buti na lamang at higit na mas malakas si Myob kesa kay Kyme at nagawa niyang ipagtanggol ang kaniyang sarili, ngunit kamuntikan niya ng mapatay si Kyme.

Rinig na rinig ko ang kanilang mga pag-uusap ngunit mas pinipili ko na lamang na hindi sila pakinggan.

Bakit nga ba gustong-gusto kong mapalapit kay myob gayong ito pa lamang ang una naming pagkikita pero nakakaramdam ako ng kaginhawaan sa kaniya at ang dahilan na iyon ang nagbibigay sa akin ng lakas ng loob upang lapitan siya at subukang kilalanin.

The Cadaver UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon